31/07/2026
✅ BEAT HY-5 Program
🗓️ Hulyo 30, 2026
📍 Barangay Cabalwa
Matagumpay na isinagawa ng Municipal Health Office ang paglulunsad ng BEAT HY-5 Program sa Barangay Cabalwa. Layunin ng programang ito na palawakin ang kaalaman ng mga residente tungkol sa limang pangunahing kondisyon na may kaugnayan sa kalusugan—Hypertension, Hyperuricemia, Hypercholesterolemia, Hyperglycemia, at Hyperacidity—at hikayatin ang bawat isa na magkaroon ng mas malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng tamang kaalaman, maagang pagsusuri at wastong pangangalaga sa kalusugan.
Bilang bahagi ng programa, nagkaroon ng libreng konsultasyon, fasting blood sugar testing at cholesterol testing na nakatulong sa maagang pagtukoy at pamamahala ng mga posibleng suliraning pangkalusugan ng mga residente.
Sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng Barangay Cabalwa, sa pangunguna ni Barangay Captain Oliver Maligo, ay nakapagbigay ng libreng gamot sa mga dumalo upang higit na masuportahan ang kanilang pangangalaga sa kalusugan.
Nagkaroon din ng health education ukol sa Road Safety at pagbibigay ng impormasyon tungkol sa nalalapit na Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) na isasagawa sa buwan ng Agosto.
Lubos na naging matagumpay ang aktibidad sa tulong at pakikiisa ng mga Barangay Officials, Barangay Health Workers (BHWs), at Barangay Nutrition Scholars (BNS). Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at dedikasyon sa pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan ng Barangay Cabalwa.