26/05/2026
π’ PUBLIC NOTICE π’
Ang panukalang ordinansa ng Barangay ay kasalukuyang naka-post para sa kaalaman ng publiko. Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Barangay na basahin ito at magbigay ng inyong mga komento, reaksyon, o mungkahi bago ito tuluyang pagtibayin at isumite sa Sangguniang Bayan.
Ang inyong opinyon ay mahalaga upang masig**o na ang ordinansa ay makatutugon sa kapakanan at pangangailangan ng ating komunidad.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at aktibong partisipasyon! π
Republic of the Philippines
Province of Samar
Municipality of Marabut
BARANGAY AMANTILLO
(Logos: Barangay Amantillo seal, "Bagong Pilipinas" logo)
OFFICE OF THE SANGGUNIANG BARANGAY
BARANGAY ORDINANCE NO.001
Series of 2026
ISANG ORDINANSA NA NAGREREGULA SA RESPONSABLENG PAGMAMAY-ARI NG A*O, NAGUUTOS NG PAGKONTROL AT PAGPAPAREHISTRO NG MGA A*O SA NASASAKUPAN NG BARANGAY AMANTILLO NAGTATAKDA NG MGA PARUSA SA MGA LALABAG DITO, AT PARA SA IBA PANG LAYUNIN
Sa mungkahi ni SB Member Hon. Monsueto Tanqui-on, Tagapangulon ng Komite sa Agrikultura, at sa kanyang mosyon; IPINASISIYA ng Sangguniang Barangay ng Barangay Amantillo Marabut Samar, sa isang pulong na may sapat na korum, na:
HON. CARLO LABADO
Punong Barangay/Presiding Officer
Hon. JA*ON V. AMANTILLO β SB Member
Hon. MONSUETO C. TANQUI-ON β SB Member
Hon. ALFREDO T. BALBADA β SB Member
Hon. DIOVANNE G. TANGZON β SB Member
Hon. KIER D. LLENA β SB Member
Hon. CRISTITA N. DEMILLO β SB Member
Hon. EVALYN G. GENETIA β SB Member
Hon. ROEBYL G. ORDEN β SB Member
ALSO PRESENT:
LEA MARIE L. ESCANIEL β Brgy. Secretary
JOWEN A. DAZO β Brgy. Treasurer
SEKSIYON 1. PAMAGAT
Ang Ordinansang ito ay tatawaging:
βOrdinansa sa Responsableng Pagmamay-ari ng A*o ng Barangay Amantilloβ
SEKSIYON 2. PAHAYAG NG PATARAKAN
Ipinapahayag ng Barangay ang patakaran nito na pangalagaan ang kaligtasan ng publiko, kalinisan ng kapaligiran, responsableng pag-aalaga ng hayop, at proteksyon ng mga residente laban sa panganib at perwisyong dulot ng mga a*ong pinababayaang gumala.
Alinsunod sa Republic Act No. 9482 (Anti-Rabies Act of 2007) at iba pang umiiral na batas, ang lahat ng may-ari ng a*o ay inaatasang tiyakin ang wastong pagkontrol, pangangasiwa, at pagpaparehistro ng kanilang mga a*o sa Barangay.
SEKSIYON 3. SAKLAW
Saklaw ng Ordinansang ito ang lahat ng residente, sambayanan, may-ari ng a*o, tagapag-alaga, at sinumang may kustodiya o kontrol sa mga a*o sa loob ng nasasakupan ng Barangay Amantillo.
SEKSIYON 4. PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA TERMINO
Para sa layunin ng Ordinansang ito, ang mga sumusunod na termino ay binibigyang-kahulugan bilang:
a. May-ari ng A*o
Tumutukoy sa sinumang tao na nagmamay-ari, nag-aalaga, may kustodiya, o may kontrol sa isang a*o.
b. A*ong Walang Kontrol
Tumutukoy sa a*ong malayang gumagala sa labas ng tahanan ng may-ari nang walang tali, pagpigil, o pangangasiwa.
c. Pagpaparehistro
Tumutukoy sa pagtatala ng a*o at ng may-ari nito sa talaan ng Barangay, kabilang ang pagsusumite ng impormasyon at litrato.
SEKSIYON 5. MGA TUNGKULIN AT PANANAGUTAN NG MAY-ARI NG A*O
Ang bawat may-ari ng a*o ay kinakailangang:
1. Panatilihin ang a*o sa loob ng kanilang bakuran o nasa wastong kontrol sa lahat ng oras;
2. Tiyaking nakatali o maayos na nakontrolado ang a*o kapag nasa labas ng tahanan;
3. Iparehistro ang a*o sa Barangay;
4. Magsumite ng pinakabagong litrato ng a*o kasama ang may-ari bilang bahagi ng pagkakakilanlan at monitoring ng Barangay;
5. Pigilan ang a*o na makapaminsala, makaperwisyo, o magdulot ng marumig kapaligiran sa komunidad;
6. Manangot sas anumang pinsala o injury (ka*o ng pagkakagat) na dulot ng kanilang mga alagang a*o.
7. Sumunod sa lahat ng legal na kautusan ng Barangay kaugnay ng Ordinansang ito.
SEKSIYON 6. MGA IPINAGBABAWAL NA GAWAIN
Ipinagbabawal ang sumusunod:
1. Pagpapabaya sa a*ong gumagala sa pampublikong lugar o sa ari-arian ng ibang tao nang walang kontrol;
2. Hindi pagpaparehistro ng a*o sa Barangay;
3. Hindi pagsusumite ng kinakailangang litrato at impormasyon;
4. Pagtangging sumunod sa mga legal na abiso o kautusan ng Barangay;
5. Paulit-ulit na paglabag sa mga probisyon ng Ordinansang ito.
SEKSIYON 7. MGA MULTA AT PARUSA
Sinumang mapatunayang lumabag sa Ordinansang ito ay papatawan ng sumusunod na multa:
β’ Unang Pagkakasala β Nakasulat na Babala
β’ Ikalawang Pagkakasala β Multang Limang Daang Piso (β±500.00)
β’ Ikatlo at mga Susunod pang Pagkakasala β Multang Isang Libong Piso (β±1,000.00)
Bukod sa nasabing multa, maaaring iendorso ng Barangay ang usapin sa Pamahalaang Bayan o Lungsod para sa naaangkop na legal o administratibong aksyon alinsunod sa umiiral na batas at ordinansa.
SEKSIYON 8. HINDI PAGBABAYAD NG MULTA
Kapag nabigong bayaran ng lumabag ang ipinatatag na multa sa loob ng itinakdang panahon matapos makatanggap ng abiso, maaaring magsampa ang Barangay ng naaangkop na reklamo o kaukulang aksyon sa tamang tanggapan, alinsunod sa due process at umiiral na batas.
SEKSIYON 9. PAGPAPATUPAD
Ang Punong Barangay, mga Kagawad, Barangay Tanod, at iba pang awtorisadong opisyal ng Barangay ang siyang magpapatupad ng Ordinansang ito.
SEKSIYON 10. SEPARABILITY CLAUSE
Kung may anumang probisyon ng Ordinansang ito na ideklarang labag sa batas o hindi balido, ang iba pang bahagi nito na hindi apektado ay mananatiling may bisa at ipatutupad.