05/09/2026
𝗜𝗦𝗢 𝟵𝟬𝟬𝟭:𝟮𝟬𝟭𝟱 𝗖𝗘𝗥𝗧𝗜𝗙𝗜𝗘𝗗
Isang mahalagang hakbang tungo sa mas maaasahan, tama at maayos na serbisyo publiko ang nakamit ng Provincial Government of South Cotabato matapos itong irekomenda para sa certificate issuance ayon sa ISO 9001:2015 standard. Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan, sa ilalim ng pamumuno ni Governor Reynaldo S. Tamayo Jr., na mapanatili ang mataas na pamantayan sa pamamahala at sa paghahatid ng serbisyo.
Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa commitment ng lalawigan sa kalidad, kahusayan, at tuloy-tuloy na pagpapabuti ng mga proseso para mas mapagsilbihan ang mga mamamayan. Sa pamamagitan ng mas sistematiko at episyenteng pamamahala.