Youth Network for Leni Robredo - MMMLR Marikina City

Youth Network for Leni Robredo - MMMLR Marikina City

Share

This is the Marikina Chapter of Youth for Leni Robredo Network, a member of Metro Manila Movement for Leni Robredo.

09/05/2022

May mga ulat na na pumapasok na sa ilang precincts, hindi gumagana ang mga vote counting machine. Ang ating panawagan sa mga kababayan ngayong araw: walang aalis ng voting precinct hangga’t hindi niyo pa nache-check ang resibo ng inyong balota. Mahabang pila at init? Tibayan ang loob. Sirang Vote Counting Machines at pananakot? I-report sa ating hotlines. Titindig tayo para sa Pilipinas!

CALL/TEXT HOTLINE: 09693268696
EMAIL: [email protected]

27/04/2022

12 ARAW NA LAMANG, ELEKSYON NA

CALL FOR SPONSORS AND DONATIONS🌸✨

Mula sa Youth Network for Leni Robredo-MMMLR kami po ay kumakatok sa inyong puso upang humingi ng tulong para sa ating ginagawang kampanya para sa at sa buong Tropa.

Para po sa mga nais magbigay ng tulong, Kami po ay tumatanggap ng mga sumusunod:

- Kolateral (Flyers, Ballers, Tarpaulin, Stickers, T-shirts, Fan etc.)
- Pagkain (Tinapay,Biscuits,Bottled Water, Juice etc.)
- Tulong pinansyal para sa transportasyon at iba pang kailangan ng mga volunteers.
- School supplies (Tape, Tacker, Stapler, Gunting etc.)

Para sa karagdagang impormasyon, magpadala lamang ng mensahe sa aming page.

Para sa monetary support, mangyaring ipadala sa account na ito:
GCash: 09504252045 - Mark Gian M.

"Walang maliit na ambag, lahat mahalaga"
- VP Leni Robredo 💗
Maraming Salamat!
Tara, Ipanalo Na Natin Ito!





20/04/2022

Swtich To Leni, Full Support Kiko!

Ilang linggo na lang ay eleksyon na. May panahon pa para magpasya. Sa bawat araw na magdadaan, pagisipan nating mabuti ang kinabukasan ng bayan at ng kabataan.

Kung may mga kapamilya, kamag-anak, kaibigan, kaklase, kapitbahay at kakilala na dapat pang hikayatin, kausapin natin puso sa puso.

May respetong pakikipag-usap sa tao, laman ay pusong naghananap ng resibo at tapat na gobyerno.

Tuloy tuloy ang kampanya para kay President Leni Robredo at Vice President Kiko Pangilinan!
Ipanalo na natin ito hanggang dulo!

Sa labang LENI-KIKO, Kinabukasan ay SIGURADO!


!


Photos from Youth Network for Leni Robredo - MMMLR Marikina City's post 18/04/2022

"Walang Maliit na Ambag, Lahat Mahalaga!"
-VP Leni Robredo

CALL FOR DONATIONS❗❗

20 DAYS NA LANG ELEKSYON NA.

Mula sa Youth Network for Leni Robredo-MMMLR kami po ay kumakatok sa inyong puso upang humingi ng tulong para sa ating ginagawang kampanya para kay .

Para po sa mga nais magbigay ng tulong, Kami po ay tumatanggap ng mga sumusunod:

• Kolateral (Flyers, Tarpaulin, Stickers, T-shirts, Fan etc.)
• Pagkain (Tinapay,Biscuits,Bottled Water, Juice etc.)
• Tulong pinansyal para sa transportasyon at iba pang kailangan ng mga volunteers.
• School supplies (Tape, Tacker, Stapler, Gunting etc.)

Para sa karagdagang impormasyon, magpadala lamang ng mensahe sa aming page.

Para sa monetary support, mangyaring ipadala sa account na ito:
Mark Gian M.
09504252045

Maraming Salamat!

Tara, Ipanalo Na Natin Ito!




-MMMLR

17/04/2022

PAGKAMPIHAN KA MAN NG PUWERSA NG KALABAN, HINDI MATITINAG ANG AMING PANININDIGAN!

Ang patuloy na paglakas, paglawak at pagyakap ng kabataan at taumbayan kay BusyPRESIDENTE LENI ROBREDO ay nagpapatunay lamang ng paghahangad ng mamamayan ng isang pangulong magdadala sa ating lahat sa landas tungo sa isang matapat, mapagkalinga at matatag na gobyerno.

Hindi si Marcos Jr ang isyu ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo, kung hindi ang usapin ng pagnanakaw, pang-aabuso sa kapangyarihan at pagpapayaman gamit ang posisyon sa gobyerno. Kung ikaw ay nakikinabang o nakinabang dito tama lamang na ikaw ay mahigpit na tutulan, labanan at panagutin!

Ang korapsyon ang isang pangunahing dahilan kung bakit patuloy na lumalala ang kahirapan sa isang bansa. Alam nating lahat dahil sa matapang na pagpapahayag ni busyPresidente Leni Robredo laban sa korapsyon ay may tatamaan at may gagawa ng mga paninira sa kanyang krediblidad upang maging pangulo ng ating bansa. Hindi bulag ang kabataan at taumbayan dito! Patuloy kaming titindig hanggang mailuklok namin siya sa Malacanang.

Si busyPresidente Leni Robredo ay may malinaw na platapormang tutugon sa napapanahong pangangailangan ng mamamayan, handang humarap sa lahat ng mga debate at diskurso upang masuri natin ang kanyang pangarap para sa mga Pilipino at higit sa lahat may resibong kayang ipakita ukol sa kanyang nagawa at gagawin pa, tanda ng isang pinunong naiintindihan ang salitang katapatan, responsibilidad at pananagutan sa taumbayan. Iyan ang uri ng lider na kailangan ng ating bansa!

PAGKAMPIHAN KA MAN NG PUWERSA NG KALABAN, HINDI MATITINAG ANG AMING PANININDIGAN!

President Maria Leonor Gerona Robredo!
Ipanalo natin ito hanggang dulo!


!

Photos from Youth Network for Leni Robredo - MMMLR Marikina City's post 16/04/2022

TAO sa TAO, PUSO sa PUSO!🌸

Noong nakaraang araw, ika-13 ng Abril, ang Youth Network for Leni Robredo-MMMLR ay nagtungo sa Antipolo at Marikina City upang ibahagi si Leni at Kiko at ang kanilang mga plataporma. Sila ay Kumatok, Nakipag-usap at Nangumbinse.

Ang ating H2H Campaign ay magpapatuloy sa susunod na linggo hanggang sa darating na eleksyon. At sa mga nais maging bahagi o sumama sa boluntaryong gawain, maaring magpadala ng mensahe sa aming page.

-MMMLR



13/04/2022

Dati'y mag-aaral na nagdadanas ng hirap at pagod, pero ngayon dahil sa sipag at tiyaga, isa ng ganap na abogado. Abogado na magliligtas ng bukas at Abogado na magiging kagaya ni VP Robredo! Mabuhay kayo at Nagagalak kami sa inyong well-deserved success! Wala ito sa kung ilang beses kang sumubok, ang mahalaga pasado at isa kang pag-asa ng bayan! Padayon!





08/04/2022

TINIG NG KABATAAN, INYONG PAKINGGAN!

Narito si MR. JOFER ASILUM, isang aktibong lider kabataan at propesyunal.

Sa nagdaang dalawang taon, isa ang sektor ng mga kabataan ang lubos na naapektuhan ng pandemya. Nagsara ang mga eskwelahan, at marami sa kanila ang nahinto rin sa pag-aaral, mga estudyante na biglang kinalampag ng makabagong sistema ng edukasyon.

Kaya't narito sila ngayon ang mga kabataan, tumitindig at lumalaban para sa magandang kinabukasan. Ihinahayag ang kanilang karapatan, Ipinapakipaglaban ang bawat isa.

SAMAHAN NATIN SILA SA LABAN NA ITO AT IPAGLABAN ANG SUSUNOD PA NA MGA HENERASYON.
TARA, IPANALO NA NATIN ITO!

-MMMLR


06/04/2022

TINIG NG KABATAAN, INYONG PAKINGGAN!

Narito si MS. MONICA ORTIZ isang propesyunal

Sa nagdaang dalawang taon, isa ang sektor ng mga kabataan ang lubos na naapektuhan ng pandemya. Nagsara ang mga eskwelahan, at marami sa kanila ang nahinto rin sa pag-aaral, mga estudyante na biglang kinalampag ng makabagong sistema ng edukasyon.

Kaya't narito sila ngayon ang mga kabataan, tumitindig at lumalaban para sa magandang kinabukasan. Ihinahayag ang kanilang karapatan, Ipinapakipaglaban ang bawat isa.

SAMAHAN NATIN SILA SA LABAN NA ITO AT IPAGLABAN ANG SUSUNOD PA NA MGA HENERASYON.
TARA, IPANALO NA NATIN ITO!

-MMMLR


Photos from Youth Network for Leni Robredo-MMMLR Antipolo City's post 06/04/2022

UMULAN MAN O UMARAW hindi nagpatinag sa pagtindig ang mga RIZALEÑOS.

Tunay ngang hindi patitinag ang mga KABATAANG RIZALEÑOS sa pagtindig para sa . 💌.

Naging kabahagi ang mga miyembro ng YOUTH NETWORK FOR LENI ROBREDO-MMMLR ng Rizal Peoples Rally nitong nagdaang araw.

KABATAAN, IPAKITA AT IBUHOS PA NATIN ANG NATITIRANG LAKAS PARA IPANALO SA HALALAN SINA , at Ang

-MMMLR






Want your business to be the top-listed Government Service in Marikina City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Marikina City