Brgy. Jesus de la Peña

Brgy. Jesus de la Peña

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Jesus de la Peña, Government Organization, 139 Malvar Cor. Lopez Jaena Street, Marikina City.

26/10/2023

| PAGHAHANDA PARA SA UNDAS 2023:
TRAFFIC ADVISORY, GABAY, ATBP. |

Kasabay ng paghahanda sa araw ng mga namayapa o Undas, naglatag ng mga hakbangin ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina upang maging ligtas ang mga bibisita sa mga sementeryo.

Upang maibsan ang traffic at maiwasan ang pagkakaipon ng mga sasakyan sa mga sementeryo lalo sa Loyola Memorial Park na pinakamalaking himlayan sa lungsod, ang kahabaan ng A. Bonifacio Avenue mula sa Barangka Fly-Over hanggang Marikina Bridge (Tulay) ay gagawing one-way traffic patungo sa kabayanan (Marikina City proper) mula Oktubre 31, 2023 12:00 ng tanghali hanggang Nobyembre 2, 2023 12:00 ng hatinggabi (sa ganap na 12:01 a.m. ng Nobyembre 3, 2023 ay magbabalik na sa normal two-way traffic ang nasabing kalsada).

Sa nasabing panahon, ipatutupad ang mga sumusunod na sistema:

✅ Ang lahat ng mga sasakyan patungo sa Loyola Memorial Park mula sa mula sa Barangka Fly-Over pababa ng A. Bonifacio Ave. ay kailangang gumawi sa daloy ng trapiko sa kaliwang bahagi ng kalsada upang makapa*ok sa Loyola Memorial Park Gate 2 Entrance.

✅ Ang lahat ng mga sasakyan na patungo sa kabayanan ay kinakailangan na nasa kanang bahagi ng kalsada.

✅ Ang lahat ng mga sasakyan mula sa C-5 By-Pass Road o Marcos Highway na dadaan sa loob ng Riverbanks Ave. ay kailangang lumabas sa Riverbanks Ave. at Bonifacio Ave upang makapunta sa kabayanan o Loyola.

✅ Ang lahat ng mga sasakyan na galing sa loob ng Loyola na lalabas sa Gate 1 Exit area ay maaaring kumanan sa Don Gonzalo Puyat St., Paspasan St., at Chorillo St. at kakanan sa A. Bonifacio Ave. patungong Quezon City.

✅ Ang lahat ng mga sasakyan na patungo sa Quezon City galing sa kabayanan ay maaaring dumaan sa kahabaan ng J.P. Rizal St. palabas sa Marcos Highway.

Samantala, upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga dadalaw sa yumao, magkakaroon ng Incident Command Post sa Loyola Memorial Park at sa iba pang sementeryo sa lungsod (Our Lady of the Abandoned Parish Cemetery, Holy Child Cemetery, Aglipay Cemetery, at Barangka Public Cemetery). Dito ay may nakaantabay na emergency medical teams, public safety operatives, health stations, ambulansya, pulis, at alagad ng pamatay-sunog. Ang mga ito ay pangangasiwaan ng central command center sa pamamahala ng Office of Public Safety and Security at Rescue 161 (Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office).

Ipinapaalala rin na ipinagbabawal sa mga sementeryong ang mga sumusunod:

❌ pag-akyat o pagtuntong sa ibabaw ng mga nitso
❌ pagdadala ng patalim, matutulis at nakasusugat na bagay
❌ pagpa*ok nang lasing o nakainom at pag-inom ng alak o anumang nakalalasing na inumin
❌ paghuhubad
❌ pag-ihi sa hindi tamang lugar
❌ pagkakalat ng basura
❌ pag-iingay na maaaring maging sanhi ng perwisyo sa iba
❌ pagsingha o pagdura
❌ pagparada ng sasakyan sa bawal na lugar
❌ paggamit ng plastic at styrfoam products

Hinihikayat din ang mga dadalaw sa sementeryo na magdala ng panangga sa ulan o init ng araw, at hanggang maaari ay magsuot ng face mask bilang proteksyon.

Sa panahon ng emergency, maaaring tawagan ang mga sumusunod na hotline numbers:

📍Rescue 161/Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office
161 (gamit ang landline)
02 161 (gamit ang mobile/cellular phone)
8646 2436 to 38
8646 0427
7273 6563
0917 584 2168 (Globe)
0928 559 3341 (Smart)
0998 977 0115 (Smart)
0998 579 6435 (Smart)

📍Office of Public Safety and Security
8948 1208

📍Marikina City Police Station
0927 968 4311

📍Bureau of Fire Protection – Marikina
Central Fire Station
8681 0233
8713 1624

Industrial Valley Complex Fire Station
8659 6496

Parang Fire Station
8658 8587
8251 2120

Nangka Fire Station
8711 1713
8635 4432

Concepcion Fire Station
8713 3082

Pugad Lawin Fire Station
8713 1462

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official website ng lungsod: https://marikina.gov.ph .

Maraming salamat po.

Photos from Brgy. Jesus de la Peña's post 21/10/2023

DOG FOUND ‼️

Mayroon pong nakitang a*o sa St. Mary malapit sa Hansmatt. MAAARI PO NINYONG I-CLAIM ANG A*O SA BARANGAY. SIGURADUHING MAGPAKITA NG LITRATO BILANG PRUWEBA NA SA INYO ANG A*O NA ITO.

Salamat po.

13/10/2023

Sama-sama nating suportahan ang mga manlalarong Taga-Jesus de la Peña sa pagbubukas ng 3x3 Marikina Inter-barangay - Tribute Basketball Tournament, “Para Kay Manager Tony “Bolok” Santos” Bukas. October 14. 6pm.

Free admission. Kita kitz tayo mga taga-Barangay!

Photos from Brgy. Jesus de la Peña's post 12/10/2023

Mga Ka-Barangay, sa paggunita natin sa UNDAS ngayong 2023 ay mananatili ang kaayusan sa pagpaptupad ng batas trapiko sa ating Barangay.

Maari nang makakuha ng CAR PASS para sa UNDAS 2023.

Narito ang schedule ng pagkuha ng CAR PASS sa ating Barangay Hall.
October 12&13 - 8am-5pm
October 16-20 - 8am - 5pm
October 21&22 - 2pm - 5pm
October 23-27 - 8am - 5pm

Magdala ng Photo copy ng inyong ID at OR/ CR ng sasakyan.

Mag-ingat tayo at nawa’y magkaroon ng makabuluhang paggunita sa UNDAS 2023!

22/09/2023

Isang mabuting kaibigan, isang magiting na lider.

Mula po sa lahat ng nagmamahal kay Hon. Bayani BF Fernando sa Brgy. Jesus de la Peña, kami po ay nakikiramay sa kaniyang mga naiwang pamilya. Mananatili po sa aming mga puso ang lahat ng mga kabutihan ni BF.

04/08/2023

PANOORIN: KAP RECAP para sa buwan ng June-July.

Recap HIGHLIGHTS:
-Kasalang Parokya
-Oplan Linis, Trim ng puno, at pag-aayos ng drainage
-Kids Learn to Swim Certification
-Taekwondo Clinic
-National Disaster Consciousness Month at Geohazard Mapping
-Medical Mission
-Pagpupugay sa batang nagsauli ng perang napulot
-Pagsasa-ayos ng LVES para gawing Athletic Village ng CARAGA Region
-Paghahanda sa Bagyo kasabay ng pakikipag-kaisa sa Palarong Pambansa 2023

Nais din nating pasalamatan at batiin ang ating Mayor Marcy Teodoro sa matagumpay na Palarong Pambansa.

"Pag tayo'y tumulong, mayroong HALAGA, mayroong PAG-IINGAT, at iyon ang aking layunin."

Photos from Brgy. Jesus de la Peña's post 01/08/2023

Gusto mo bang ma-feature sa isang DOCUMENTARY at manalo ng GCASH?

I-comment niyo na ang inyong mga ! Mga kwento, litrato, family history na heart-warming, masaya, malungkot--KAHIT ANO!

Abangan ang Docu-feature tungkol sa kasaysayan ng JDLP!

Photos from Brgy. Jesus de la Peña's post 01/08/2023

TIGNAN: Ang pakikiisa ng Barangay Jesus de la Peña sa pangunguna ni Kap Ariel “Aye” Lazaro sa opening ng Pambansang Palaro 2023.

30/07/2023

NOTICE

Upang magbigay-daan sa opening ng Palarong Pambansa 2023, ay
SARADO PO ANG OPISINA NG ATING BARANGAY sa Lunes, July 31, 2023.

Gayunpaman, mananatiling naka-standby ang ating Officials sa Emergency na dulot ng bagyo.

Kung mayroon po tayong nais iparating na concerns na dulot ng bagyo, mag-message lamang po sa ating Official page o Facebook profile. Maraming salamat po!

Photos from Brgy. Jesus de la Peña's post 27/07/2023

LAGING HANDA ANG JESUS DE LA PEÑA.

Sa patuloy na pag-ulan ay naka-monitor ang ating Barangay kung patuloy mang tataas ang tubig sa ilog. Naka-usap na rin ang mga residente na nakatira malapit sa ilog na maghanda sa paglikas kung sakaling magtuloy-tuloy pa ang tag-ulan.

Kasabay ng ating paghahanda ay ang huling araw ng Kids Learn to Swim program, na naglalayong matutong lumangoy ang mga bata na maging handa kapag dumarating ang mga ganitong uri ng sitwasyon.

Want your business to be the top-listed Government Service in Marikina City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


139 Malvar Cor. Lopez Jaena Street
Marikina City