11/01/2026
Barangay Marikina Heights Official - PART 2
This Page is the official Page of Barangay Marikina Heights, Marikina City
11/01/2026
06/12/2025
Isang magandang balita para sa pamilya Ludog ng Brgy. Punta Baja na lumapit sa tanggapan ni Vice Mayor Maria Gracia Goh Macasaet-Zapanta. Si Jemar Ludog ay nagkaroon ng hindi magandang ekspiryensa mula sa kamay ng kanyang dating pinapasukan sa Maynila (Antipolo, Rizal) at sa hindi inaasahan pangyayari inalisan siya ng trabaho at nawalan ng matutuluyan.
Lumapit ang pamilya sa opisina ng Bise Alkalde at agaran nakipag ugnayan si Vladimir Esperancilla - EA II ng opisina sa Barangay Marikina Heights Official - PART 2, Marikina City upang matulungan makauwi ng Palawan ang ating kababayan.
Mula sa mabilis at maayos na koordinasyon ng BARANGAY MARIKINA HEIGHTS (Official)-PART 2 at Barangay Cupang ng Antipolo, Rizal at DSWD, nakauwi si Jemar Ludog nitong November 28, 2025.
At kame po ay lubos na nagpapasalamat sa mga barangay personnel sa pag-asikaso at pabibigay malasakit sa ating kababayan. 💚
06/12/2025
Isang malaking karangalan na ang ating Page ay nagiging daan upang makatulong tayo sa mga nangangailangan ng tulong, kahit saan, handa po tayong tumulong. Salamat sa Barangay Marikina Heights lalung-lalo na sa ating VAWC Office bilang first responder sa usaping ito.❤️❤️❤️
Isang magandang balita para sa pamilya Ludog ng Brgy. Punta Baja na lumapit sa tanggapan ni Vice Mayor Maria Gracia Goh Macasaet-Zapanta. Si Jemar Ludog ay nagkaroon ng hindi magandang ekspiryensa mula sa kamay ng kanyang dating pinapasukan sa Maynila (Antipolo, Rizal) at sa hindi inaasahan pangyayari inalisan siya ng trabaho at nawalan ng matutuluyan.
Lumapit ang pamilya sa opisina ng Bise Alkalde at agaran nakipag ugnayan si Vladimir Esperancilla - EA II ng opisina sa Barangay Marikina Heights Official - PART 2, Marikina City upang matulungan makauwi ng Palawan ang ating kababayan.
Mula sa mabilis at maayos na koordinasyon ng BARANGAY MARIKINA HEIGHTS (Official)-PART 2 at Barangay Cupang ng Antipolo, Rizal at DSWD, nakauwi si Jemar Ludog nitong November 28, 2025.
At kame po ay lubos na nagpapasalamat sa mga barangay personnel sa pag-asikaso at pabibigay malasakit sa ating kababayan. 💚
08/10/2025
Paalala, mga Katubig!
Dahil sa ginagawa naming enhancements sa billing system, maaantala nang bahagya ang pagpapadala ng inyong bill ngayong Oktubre. Huwag mag-alala at iuurong ang inyong due date. Magiging regular naman ang pag-deliver ng bills sa darating na Nobyembre.
Para sa mga katanungan, tumawag sa aming hotline na 1627.
25/09/2025
Para po sa ating mga mahal na estudyante. Abiso po para bukas, Sept 26 at 27
𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 | 𝐒𝐄𝐏𝐓𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟔 - 𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐀𝐋𝐋 𝐋𝐄𝐕𝐄𝐋𝐒 | 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐫𝐢𝐯𝐚𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥𝐬
Suspendido ang FACE-TO-FACE classes simula bukas, Biyernes hanggang Sabado, Setyembre 26-27, 2025 sa LAHAT ng ANTAS sa mga pampubliko at pampribadong paaralan sa Lungsod ng Marikina bilang maagap na hakbang laban sa inaasahang epekto ng Bagyong Opong na direktang tatama sa Metro Manila ayon sa DOST PAGASA.
Ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral ang ating pangunahing isinasaalang-alang.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat.
- Mayor Maan Teodoro
22/09/2025
𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 | 𝐒𝐄𝐏𝐓𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟮𝟯, 𝟐𝟎𝟐𝟓
𝐀𝐋𝐋 𝐋𝐄𝐕𝐄𝐋𝐒 | 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐫𝐢𝐯𝐚𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥𝐬
Suspendido ang FACE-TO-FACE classes sa LAHAT ng ANTAS sa mga pampubliko at pampribadong paaralan sa Lungsod ng Marikina bukas, Setyembre 23, 2025, dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan na dala ng Southwest Monsoon (Habagat) at pinalakas ng Super Typhoon NANDO.
Ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral ang ating pangunahing isinasaalang-alang.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat.
- Mayor Maan Teodoro
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Liwasang Kalayaan, Marikina Heights
Marikina City
1810
