Directions

SULONG Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SULONG, Political organisation, Fortune, Marikina City.

Pangunahing hanay ng mga progresibong kabataan ng Barangay Fortune bilang tagapagsulong ng boses at karapatan ng masa at sektor ng kabataan.


Ang SULONG ay isang pulitikal at kritikal na samahan ng kabataan na buong lakas na nagsusulong para sa paglaya at aktibong paglahok ng mga kabataang indibidwal sa paghubog ng kapalaran ng sektor ng kabataan sa Barangay Fortune. Nakatatak sa matibay na prinsipyo ng "Husay at Talino" at "Giting at Tapang", layunin ng SULONG na palakasin ang mga pinunong may kakayahan at may malasakit sa mga hamon at suliranin na kinakaharap ng kabataan at ng buong bansa.

Isang malaking pagbati mula sa SULONG kina Airon Tribdino at Mark Jerome Villion para sa inyong tagumpay sa NCR Regional...
15/03/2026

Isang malaking pagbati mula sa SULONG kina Airon Tribdino at Mark Jerome Villion para sa inyong tagumpay sa NCR Regional Schools Press Conference (RSPC) sa larangan ng Collaborative Desktop Publishing.

Nakamit ni Airon Tribdino ang 4th Place sa English Category, habang si Mark Jerome Villion naman ay nagkamit ng 3rd Place sa Filipino Category. Ang inyong dedikasyon, husay sa pamamahayag, at malikhaing pagdidisenyo ng pahayagan ay patunay na buhay at patuloy na sumusulong ang diwa ng campus journalism.

Ipinagmamalaki kayo ng komunidad. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa mas marami pang kabataang manunulat at tagapagdisenyo na gamitin ang kanilang boses at talento para sa katotohanan at serbisyo sa bayan.

Padayon at patuloy na sumulong! ✊

TINGNAN | Matagumpay nating naisagawa ang SULONG One Day League, isang charity volleyball event para sa mga kabataang ma...
27/10/2025

TINGNAN | Matagumpay nating naisagawa ang SULONG One Day League, isang charity volleyball event para sa mga kabataang manlalaro mula sa Fortune Elementary School Girls' and Boys' Volleyball Team. Ito ay ginanap ngayong araw, Lunes, ika-27 ng Oktubre.

Patuloy nating itaguyod ang sports development at ang aktibong kabataan sa ating barangay!
Sa bawat palo, set, at spike, patunay na buhay ang diwa ng pagkakaisa, disiplina, at tagumpay.


Address

Fortune
Marikina City
1800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SULONG posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share