Marion Andres

Directions

Marion Andres Official page of Marion Andres, M.D.

Sa Araw ng mga Kaluluwa, ating alalahanin sa panalangin ang mga yumaong mahal natin sa buhay. Nawa’y pagkalooban sila ng...
01/11/2026

Sa Araw ng mga Kaluluwa, ating alalahanin sa panalangin ang mga yumaong mahal natin sa buhay. Nawa’y pagkalooban sila ng Panginoon ng walang hanggang kapahingahan at liwanag na walang hanggan. 🕯️🙏

Ipinagdiriwang natin ngayon tuwing ika-1 ng Nobyembre ang Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal para sa ating mga ma...
31/10/2026

Ipinagdiriwang natin ngayon tuwing ika-1 ng Nobyembre ang Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal para sa ating mga mananampalatayang Katoliko.

Nawa'y ang ipinamalas nilang kabutihan ay maging inspirasyon upang mamuhay ang bawat isa ng may pagmamahal at pagpapakumbaba.🙏💙

82 YEARS OLD, PERO MALAKAS PA RIN! 🧡Sa edad na 82, patuloy pa rin ang pagiging aktibo at pag-aalaga ni tatay sa sariling...
28/10/2026

82 YEARS OLD, PERO MALAKAS PA RIN! 🧡

Sa edad na 82, patuloy pa rin ang pagiging aktibo at pag-aalaga ni tatay sa sariling kalusugan! Isang inspirasyon na ang edad ay hindi hadlang upang patuloy na maging matatag at positibo sa buhay.

Sa Alagang Marikina Medical Clinic, patuloy tayong nagbibigay-pansin sa kalusugan ng bawat Marikeño, bata man o matanda.🩺💙

Tandaan: Ang tunay na yaman ay ang kalusugang inaalagaan sa bawat yugto ng buhay.


CERVICAL CANCER SCREENING & BREAST EXAMINATION 🧡💙Bilang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan ng bawat Marikeño, nag-aalok...
26/10/2026

CERVICAL CANCER SCREENING & BREAST EXAMINATION 🧡💙

Bilang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan ng bawat Marikeño, nag-aalok ang Alagang Marikina City Medical Clinic ng Cervical Cancer Screening at Breast Examination upang makatulong sa maagang pagtukoy ng mga posibleng senyales ng karamdaman.

📅 Schedule: Every Tuesday & Thursday (Pre-registration)
⏰ 1:00 PM – 4:00 PM
📍 2nd Floor, City Health Office
🗓️ Simula: November 5, 2026

Hinihikayat ang mga kababaihan na regular na magpatingin at bigyang-pansin ang kanilang kalusugan. Ang maagang pagsusuri ay mahalagang hakbang sa pag-iwas sa mga komplikasyon at sa pagbibigay ng angkop na pangangalaga.




ELDEST PATIENT FOR THE DAY | ALAGANG MARIKINA MEDICAL CLINICSa bawat edad, ang kalusugan ay dapat laging alagaan! 🧡💙Isa ...
23/10/2026

ELDEST PATIENT FOR THE DAY | ALAGANG MARIKINA MEDICAL CLINIC

Sa bawat edad, ang kalusugan ay dapat laging alagaan! 🧡💙

Isa sa mga natatanging pasyente natin ngayong araw si Nanay, 76 years old ang pinakamatandang pasyenteng nagpakonsulta sa Alagang Marikina Medical Clinic. Isang paalala na hindi hadlang ang edad upang patuloy na bigyang-pansin ang sariling kalusugan at kapakanan.


Tamang Pagkain, Mas Malusog na Bukas! 🧡💙Bawasan ang pagkain ng junk food at piliin ang masustansiyang pagkain tulad ng p...
13/10/2026

Tamang Pagkain, Mas Malusog na Bukas! 🧡💙

Bawasan ang pagkain ng junk food at piliin ang masustansiyang pagkain tulad ng prutas, gulay, at sapat na tubig. Ang simpleng pagbabago sa ating mga nakagawian ay malaking hakbang tungo sa mas malusog na pangangatawan at mas magandang kinabukasan.

Sa Alagang Marikina City, sama-sama nating piliin ang masustansiya para sa mas malusog na pamilya!

Ugaling Itabi at Ingatan ang Medical Records ng Pamilya!🧡💙Mahalagang itago at ingatan ang mga medical records tulad ng l...
11/10/2026

Ugaling Itabi at Ingatan ang Medical Records ng Pamilya!🧡💙

Mahalagang itago at ingatan ang mga medical records tulad ng laboratory results, X-ray, ultrasound, reseta, at medical certificates. Nakakatulong ang mga ito upang masubaybayan ang dating karamdaman, mga pagsusuri, at mga gamot na nainom, gayundin upang magkaroon ng mahalagang impormasyon ang doktor sa bawat konsultasyon.

Ugaliing ilagay ang mga ito sa isang maayos at ligtas na folder upang madaling mahanap at magamit kung kinakailangan.

Alagaan ang inyong health records para sa mas maayos na pangangalaga sa kalusugan ng buong pamilya!

Maraming salamat sa lahat ng tumatangkilik sa ating 𝗖𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗖𝗮𝗻𝗰𝗲𝗿 𝗦𝗰𝗿𝗲𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 (𝗩𝗶𝘀𝘂𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗔𝗰𝗲𝘁𝗶𝗰 𝗔𝗰𝗶𝗱) mula ...
10/10/2026

Maraming salamat sa lahat ng tumatangkilik sa ating 𝗖𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗖𝗮𝗻𝗰𝗲𝗿 𝗦𝗰𝗿𝗲𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 (𝗩𝗶𝘀𝘂𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗔𝗰𝗲𝘁𝗶𝗰 𝗔𝗰𝗶𝗱) mula sa Alagang Marikina City Medical Clinic! 🧡💙

Patuloy kaming maglilingkod nang may malasakit, dedikasyon, at puso para sa kalusugan ng bawat Marikeño.

Manatiling nakaabang para sa mga karagdagan at pagbabago sa ating mga Serbisyong Pangkalusugan.



08/10/2026

PANGANGALAGA SA ATING MATA,
SAGOT SA MALUSOG NA PANINGIN

Ang ating paningin o eyesight ay ating kaagapay sa tuwina.
Hindi lamang ito nagbibigay-suporta upang maisakatuparan ang ating mga gawain bagkus ay nagbibigay-daan din upang ating mapalawak ang kaalaman, makita ang hinahawakan at dinadaanan, matukoy at maiwasan ang mga balakid at panganib, mamalas ang magagandang bagay sa ating paligid, at iba pang tulong sa pang-araw-araw na paggawa.

Ngayong World Sight Day, ipinapaalala natin sa lahat na marapat lamang na panatilihing malusog ang ating mga mata sa lahat ng pagkakataon upang maiwasan ang paghina o pagkawala ng ating paningin.

Mayroong mga simple ngunit mahalagang paraan upang mapangalagaan at maprotektahan ang paningin. Pangunahin na sa mga ito ang

✓ paglimita sa paggamit at pagtutok sa digital screens tulad ng gadgets, computer, telebisyon, at pagbawas sa exposure o pagkakalantad sa pinagmumulan ng iba pang blue light tulad ng sinag ng araw at liwanag ng ilaw

✓ pagsusuot ng proteksyon tulad ng protective eyeglasses o sunglasses kung matindi ang liwanag, at personal protective equipment kung malalantad sa mga panganib o hazards lalo sa lugar paggawa

✓ paggamit ng malinis na panyo sa pagkuskos sa mga mata upang hindi ito mairita o maimpeksyon

✓ pagkonsumo ng masusustansyang pagkaing nagtataglay ng Bitamina A, C, E, Lutein at Omega-3 tulad ng berdeng gulay, kalabasa, kamote, carrots, malunggay, matabang isda, itlog, citrus fruits, atbp.

✓ pagsasailalim sa regular eye check-up sa isang ophthalmologist o espesyalista sa mata kung sumapit na sa 40 taong gulang upang masuri ang kalagayan ng paningin at mabigyan ng lunas kung kinakailangan

Sa mga taga-Marikina na kailangan ng libreng check-up sa paningin, bukas ang ating Eye Clinic na nasa 4th floor ng Marikina Diagnostic and Medical Arts Building tuwing Martes at Huwebes,1:00 p.m. – 5:00 p.m. Mangyaring makipag-ugnayan sa telepono bilang 0969 3154017 o 8812 0904 upang mabigyan ng schedule.

Sa Breast Cancer Awareness Month, sama-sama nating palakasin ang kamalayan, suporta, at pag-asa para sa mga apektado ng ...
06/10/2026

Sa Breast Cancer Awareness Month, sama-sama nating palakasin ang kamalayan, suporta, at pag-asa para sa mga apektado ng kanser.

Mahalaga ang tamang kaalaman, maagang pagtuklas, at patuloy na suporta. 💙

Address

Kalumpang
Marikina City
1801

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marion Andres posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share