Lakas sa Pagkakaisa! ACT AS ONE PHILIPPINES PARTY: LAKAS SA PAGKAKAISA! ANO ANG ACT AS ONE PHILIPPINES PARTY? PAANO NAGSIMULA ANG ACT AS ONE PHILIPPINES PARTY?
Ang Act as One Philippines Party (dating “Act as One PH”) ay itinayo bilang isang political organization noong 2020. Ang organisasyon ay isang legal na entidad sa ilalim ng batas ng Pilipinas at representasyon para sa mga kinakailangang pagbabago sa health care system ng bansa para masiguro ang kalusugan ng bawat Pilipino. Nabuo ang Act as One Philippines Party (dating “Act as One PH”) bilang isan
g multi-sectoral private volunteer organization noong January 2020 nang pinakauna itong rumesponde at naghatid ng ayuda sa mga apektadong pamilya sa Cavite, Batangas, at ilang parte ng Metro Manila dahil sa pag-alburuto ng Taal Volcano. Nang mag-umpisa ang coronavirus pandemic noong March 2020, ang Act as One Philippines Party ay natatangi dahil ito lang ang nag-iisang pribadong organisasyon na nakapagbuo ng isang malawak na network para agad na makatugon sa krisis. Ang Act as One Philippines Party ay nakipagbayanihan sa mga frontline hero sa Metro Manila at Luzon sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng kanilang mga pangangailangan tulad ng PPE, alcohol, transport service, board and lodging, at iba pa. Nagsagawa rin ng food caravan ang Act as One Philippines Party para sa mga nagugutom na pamilyang 4Ps. Sa kabuuan, nakapaghatid ng tulong ang Act as One Philippines Party sa 200 ospital at 50 mahirap na komunidad sa Metro Manila at mga kalapit na rehiyon. Bukod sa National Capital Region, may chapters ang Act as One Philippines Party sa Cebu, Baguio, at Pangasinan, at patuloy na nagbubuo sa iba pang lugar sa bansa. MISSION
Matibay na naniniwala ang Act As One Philippines Party na maisusulong ang kalusugan ng bawat Pilipino kung magtutulong-tulong ang lahat ng sektor, kabilang ang gobyerno at pribado sa pamamagitan ng public-private partnership, gabay ang mga diwa ng katarungan, pagkakapantay-pantay, kooperasyon, at bolunterismo. May lakas sa pagkakaisa. VISION
Nakikita ng Act as One Philippines Party na makakaya ng bansa na mapaglabanan ang mabibigat na hamon ng COVID-19 pandemic kung tunay na magagarantiya na ang kalusugan ng bawat Pilipino ay isang karapatan sa ilalim ng ating Konstitusyon. Para sa Act as One Philippines Party, kailangan ng isang makabago at naaangkop na healthcare system na tumutugon hindi lang sa mga ginagamot kundi pati na rin sa mga nanggagamot. Kaisa ang Act as One Philippines Party sa pananaw na ang public health ay isang shared responsibility ng gobyerno at mga mamamayan
PLATAPORMA
• Pagsasabatas ng mga serbisyo, programa, at polisiya para sa public health
• Pagpapalawak ng Mental Health Law at pagbusisi sa Universal Health Care Law para punuan ang mga pagkukulang ng mga batas
• Pagsagip sa mga drug dependent at s*x worker sa pamamagitan ng pagbibigay ng medical care at special attention
• Pagtiyak na walang anumang katiwalian at korupsiyon sa Department of Health upang mas malawak na maihatid ang serbisyo sa mga Pilipino
• Pagbibigay ng proteksiyon sa Health Care Workers tulad ng paggawa ng Magna Carta of Private Healthcare Workers, pagtaas ng kanilang suweldo, at dagdag benepisyo
• Pag-standardize sa bayarin at gastusin ng mga pasyente sa mga ospital, pribado man o gobyerno, at pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga gamot
• Pagsasama sa Public Health Education sa curriculum ng lahat ng antas ng edukasyon, pati sa trabaho, pribado man o pampubliko