KABATAANG 1804

KABATAANG 1804

Share

The Sangguniang Kabataan of Barangay Jesus De La Peña, Marikina City.

Photos from KABATAANG 1804's post 14/09/2023

𝙎𝘾𝙃𝙊𝙇𝘼𝙍𝙎𝙃𝙄𝙋 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉 ✨

Edukasyon ang susi ng ating kinabukasan. Kaya’t makikita sa ating listahan ang mga nagpupursigi at kumakayod upang makamit ang mga kanya kanyang pangarap. Ipagpatuloy niyo iyan, kahanga hanga kayo Kapwa Kabataan!!

‼️𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔‼️

𝗕𝗔𝗧𝗖𝗛 𝟭: 𝟭𝟱 - 𝟭𝟳 𝘆.𝗼. (𝗠𝗶𝗻𝗼𝗿)
• Pumunta lamang sa oras na nakasaad kung saan kabilang ang pangalan ng estudyante.
• Ang magulang/guardian ang kukuha, hindi na kailangan pumunta ang estudyante.
• Dalhin ang valid ID na may address ng magulang.
• Ang pangalan ng magulang/guardian na nakalista lamang ang maaaring magclaim.

𝗕𝗔𝗧𝗖𝗛 𝟮 - 𝟯:
• Tingnan ang batch number at sundin ang oras na nakasaad kung saan kabilang ang inyong pangalan.
• Hindi papayagan ang pagpapakuha sa representative. Kinakailangan na ang estudyante ang pipirma at kukuha ng kanyang educational assistance.
• Dalhin ang valid ID na may address.

• Isang araw lamang ang distribution, pinapaalala na sundin ang oras ng inyong batch number.
• Magdala ng sariling ballpen.

September 15, 2023 (FRIDAY)

BATCH 1 | 5:30PM
BATCH 2 | 6:30PM
BATCH 3 | 7:30PM

3rd Floor, Jesus Dela Peña Barangay Hall

Para sa katanungan at karagdagang impormasyon, mangyari lang po na magmessage sa ating page /Kabataang1804.



14/09/2023

Magandang Araw, Kabataang 1804! ✨

Scholarship Para sa Kabataan release will be held tomorrow (September 15, 2023). Final list of beneficiaries and their corresponding schedule will be posted within the day. Thank you!


13/09/2023

Ipinapaalam po sa lahat, opisyal na pong sinasarado ang pagtanggap ng mga requirements!

Pinapaalala po sa lahat na ang mga aplikasyon ay dadaan sa pagsusuri ng Sanggunian Kabataan.

Maraming Salamat po!

Photos from KABATAANG 1804's post 10/09/2023

𝙎𝘾𝙃𝙊𝙇𝘼𝙍𝙎𝙃𝙄𝙋 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉 ✨

Ang Sangguniang Kabataan ng Jesus Dela Peña ay muling maglulunsad ng Scholarship para sa Kabataan. Layunin ng proyektong ito na makapagbigay tulong at suporta sa mga pangangailangan ng mga kabataang mag - aaral sa muling pagbabalik eskwela.

Ipasa ang inyong 𝗸𝘂𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗾𝘂𝗶𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀 mula 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟭 - 𝟭𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟯 (Monday - Wednesday | 10:00AM - 6:00PM) sa ating Barangay Hall. Hanapin lamang si SK Chairman Jonas Reyes.

Ang application form ay maaaring makuha sa Barangay Hall o idownload sa https://drive.google.com/file/d/1TGhKK1-9ZjxxgI8WN0jWw-LlEKSRBLZw/view?usp=drivesdk.

Ang Scholarship para sa Kabataan ay mayroon lamang 𝟯𝟬𝟬 slots. (First come, First Serve basis)

Para sa katanungan at karagdagang impormasyon, mangyari lang po na magmessage sa ating page /Kabataang1804.



Photos from KABATAANG 1804's post 04/08/2023

63rd PALARONG PAMBANSA 🇵🇭
CARAGA Region Closing Party

Pagbibigay pugay sa mga natatanging manlalaro ng Region XIII - Caraga Region sa pagpapamalas ng kanilang gilas at galing sa kani-kanilang larong pangpalakasan.

Bilang tanda ng pagpapahalaga, ang Sangguniang Kabataan ng Jesus De La Peña kasama ang Aspirant SK Team JDLP ay namahagi ng libreng Ice cream pampawi ng pagod sa naging buong pananatili nila sa Leodegario Victorino Elementary School (Brgy. Jesus De La Peña Marikina City) para irepresenta ang kanilang rehiyon sa ginanap na Palarong Pambansa 2023.

Hanggang sa muli, CARAGA!

Malakas na bata, Matatag na bansa.
Mabuhay ang atletang Pilipino! 🇵🇭

DEPED Caraga Region
Palarong Pambansa - Marikina 2023

Special thanks to SK Chairman of Tumana Marlou Avecilla Parro (Ice Cream ni Marlou) para sa kanyang Ice Cream Machine.

Photos from KABATAANG 1804's post 04/08/2023

Pagbating muli sa mga Kabataang 1804 na nagpamalas ng kanilang angking galing at talino ✨

Photos from KABATAANG 1804's post 30/07/2023

Maligayang pagdating CARAGA delegates sa barangay Jesus dela Peña, ang unang baryo ng Lungsod ng Marikina. 🇵🇭✨


Want your business to be the top-listed Government Service in Marikina City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Marikina City