30/05/2026
MAAYOS NA SAPATOS, KUMPIYANSA NG ATING MGA MAG-AARAL! ✨👞
Sa ating pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026, buong puso ang suporta ng ating Barangay Sto. Niño sa pagsiguro na handa ang ating mga kabataan sa kanilang pagbabalik-eskwela.
Kaya't kasama ang tatak-Marikina, tatak-Sto. Niño — TATAY OLY SHOES, hatid natin ang serbisyong magbibigay kinang at kumpiyansa sa pangarap na maayos na pagaaral ng ating mga estudyante. Dalhin po ang mga school shoes ng ating magaaral ng Sto. Niño National High School at Sto. Niño Elementary School sa ating —
👞 FREE 'SCHOOL SHOES' SHINE AND REPAIR PROJECT
📍SNES GYM
📅 Hunyo 1–5, 2026
🕘 9:00 AM – 1:00 PM
Ang malinis at maayos na sapatos ay magbibigay sa dignidad, kumpiyansa, at pagmamalaki sa bawat hakbang at pagtahak sa kanilang mga pangarap.
Maraming salamat sa TATAY OLY SHOES sa pakikiisa sa adhikain ng Barangay Sto. Niño na makapaghatid ng serbisyong may puso para sa ating komunidad.
📢 Dalhin na ang inyong school shoes at samantalahin ang libreng serbisyong ito!
Sama-sama nating ihanda ang bawat estudyante para sa isang matagumpay at makabuluhang pagbubukas ng klase.
30/05/2026
🇵🇭 PAGGUNITA NG NATIONAL FLAG DAYS - Mayo 28 hanggang Hunyo 13, 2026
Ang Barangay Sto. Niño ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Flag Days bilang pag-alala sa kasaysayan, kabayanihan, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
Ang ating Philippine Flag ay naalala natin ay paalala na ang kalayaang ating tinatamasa ngayon ay bunga ng sakripisyo at tapang ng mga bayaning Pilipino.
Sa bawat pagwagayway ng watawat, ipinapakita natin ang ating pagkakaisa, pagmamalaki sa ating pagkakakilanlan, at pananagutan bilang mamamayan ng bansa.
Ipagdiwang natin ang pagiging Pilipino nang may dangal, respeto, at pagmamahal sa bayan.
🇵🇭 Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mamamayan ng Barangay Sto. Niño!
23/05/2026
SERBISYO STO. NIÑO : 📢 UPDATE SA ORAS NG POWER INTERRUPTION
[ UPDATED POST ]
Para po sa mga kabarangay nating sineserbisyuhan ng Meralco, magkakaroon ng POWER INTERRUPTION o pagkawala ng kuryente sa ilang lugar sa ating barangay sa Lunes, May 25, 2026 ng 12:00 MN hanggang 5:00 AM.
Ang mga Lugar na apektado ng Power Interruption ay:
Bahagi ng
- V. Santos St.
- Cirma St.
- Shoe Ave. Ext.,
Ang power interruption na ito ay dahil sa pag-aayos ng mga linya ng kuryente.
Maraming Salamat po.
23/05/2026
ABISO SERBISYO: WATER INTERRUPTION
(Emergency Leak Repair)
Para po sa mga kabarangay nating sineserbisyuhan ng Manila Water, magkakaroon ng WATER SERVICE INTERRUPTION sa ilang lugar sa Barangay Sto. Niño sa May 23, 2026 ng gabi (10:00 PM) hanggang kinabukasan May 24, 2026 ng umaga (4:00AM) sa mga sumusunod na lugar:
- Marikina Public Market
(Shoe Ave to M. Cruz,
Sumulong to V. Gomez)
Pinapaalalahanan po ang lahat ng mga kabarangay natin na nakatira sa naturang mga lugar at maging ang mga kalapit na kalsada na mag-impok ng tubig upang may magamit habang isinasagawa ang pag-aayos.
Maraming salamat po!
22/05/2026
🚲 LIBRENG BIKE TRAINING PARA SA MGA BATA 🚲
Handog ng Barangay Sto. Niño, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina at Sangguniang Kabataan ng Sto. Niño, ang Libreng Bike Training para sa mga batang nais matutong magbisikleta sa ligtas, masaya, at masiglang paraan.
📍 Lugar: Marikina River Park Skating Rink – Bayan Access Road, Brgy. Sto. Niño, Marikina City
📅 Araw: Lunes hanggang Huwebes, simula Mayo 25, 2026
🕒 Oras: 3:00 PM – 6:00 PM
👦👧 Edad: 6 taong gulang pataas
📌 Mga Paalala:
• Magdala ng sariling bisikleta
• May limitadong bisikleta na maaaring hiramin para sa mga walang bike
• Magdala ng helmet at magsuot ng komportableng damit para sa kaligtasan
• Siguraduhing may kasamang magulang o guardian ang bata sa buong training session
• Magdala ng extrang damit o bimpo kung kinakailangan
• May libreng inuming tubig para sa lahat
• I-scan ang QR Code upang makapag-register o pindutin ang link na makikita sa caption
Matutunan ang mga pangunahing kaalaman sa pagbibisikleta sa isang ligtas at masayang kapaligiran.
Kita-kits sa Skating Rink! 🚴♂️💙
19/05/2026
MATAGUMPAY NA OPLAN LIBRENG TULI 2026 ✂️🏥💙
Sa diwa ng bayanihan, malasakit, at pagkakaisa Sa pagtutulungan at malasakit, matagumpay na naisagawa nitong Mayo 16, 2026 ang OPLAN Libreng Tuli 2026 para sa mga kabataan ng ating komunidad.
Sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay na si Kap. Rizaldy C. Josef, kasama ang buong Barangay Sto. Niño Council at Sangguniang Kabataan ng Barangay Sto. Niño, matagumpay nating naihatid ang libreng serbisyong medikal na nagbigay ng ligtas at maayos na pagtutuli para sa ating mga kabataan.
Ang programang ito ay naging posible dahil sa suporta at pagtutulungan ng ating mga katuwang at sponsors na tunay na nagpakita ng malasakit sa komunidad. Taos-puso po ang aming pasasalamat sa inyo na bahagi ng tagumpay ng ating programa.
PARTNERS & SPONSORS
• Thunderbird CARES
• Thunderbird Enertone Challenge
• Beta Sigma Fraternity Doctors
• BL Foundation
• JCI Marikina Sortidos
• Mayor Marjorie Ann 'Maan' Teodoro at ng mga kasama sa City Government of Marikina
SPECIAL THANKS TO --
• Barangay Sto. Niño Fire and Medical Response Team
• Barangay Sto. Niño Health Workers
• SKwad Sto. Niño Youth Volunteers
• SINAG Youth Volunteers
• Barangay Sto. Niño Volunteers and Employees
• Doctors, staff, volunteers, at sponsors na naglaan ng kanilang oras, serbisyo, at dedikasyon upang maging maayos, ligtas, at matagumpay ang programa.
Higit sa lahat, maraming maraming salamat po sa mga magulang, guardians, at mga kabataang benepisyaryo na nagtiwala at nakiisa sa ating proyekto. Ang tagumpay na ito ay patunay na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas marami tayong kabataang matutulungan.
Patuloy tayong magsama-sama tungo sa mas maunlad at mas Asensong Barangay Sto. Niño! 🩵✨
15/05/2026
🎉 OPLAN LIBRENG TULI 2026, REGISTRATION STILL ONGOING
Magandang balita para sa ating mga kabataan! 💙
May natitira pang slots para bukas kaya mag-register na habang may pagkakataon!
Ang Libreng Tuli Project ay bukas hindi lamang para sa mga taga-Sto. Niño kundi pati na rin sa mga residente ng ibang barangay. 😊
Sa pagtutulungan ng ating barangay, SK Sto. Niño, Thunderbird Cares, Thunderbird Enertone Challenge, JCI Marikina Sortidos, at Beta Sigma Fraternity Doctors, makasisiguro ang ating mga kabataan sa ligtas, maayos, at propesyonal na serbisyong medikal.
📍 LIBRENG TULI PROJECT DETAILS
📅 May 16, 2026
⏰ 8:00 AM – 12:00 NN
📍 Sto. Niño High School
👦🏻 Para sa mga batang edad 10 taong gulang pataas
🎯 Limited slots only
👓 Magkakaroon din po ng libreng dispensing of reading glasses para sa mga edad 40 taong gulang pataas.
🎯 Limited to 150 pieces only!
Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pakikiisa sa programang ito para sa kalusugan at kapakanan ng ating komunidad. 💙
13/05/2026
ASENSO KOMUNIDAD: HOA LEADERSHIP
Isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos, ligtas, at progresibong pamayanan ang naganap, sa isinagawang opisyal na oath-taking ceremony ng mga bagong halal na HOA Officers ng Nile Village na pinangunahan ni Mayor Marjorie “Maan” Teodoro kasama si Kapitan Zaldy Josef.
Ang Barangay Sto. Niño ay buo ang suporta, pakikiisa, at pagtutulungan para sa bagong pamunuan ng samahan. Kasunod ng panunumpa sa tungkulin, nagkaroon ng makabuluhang talakayan ang liderato tungkol sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad, kalinisan ng kapaligiran, maayos na daloy ng trapiko at organisadong parking system, gayundin ang pagpapatupad ng mga programang magpapabuti sa kalidad ng pamumuhay ng bawat residente ng Nile Village.
Ipinahayag din ng mga bagong opisyal ang kanilang kahandaan na makipagkaisa at makipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang higit pang mapalakas ang mga proyekto at serbisyong pakikinabangan ng buong komunidad.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, at aktibong partisipasyon ng bawat residente, sama-sama nating maisusulong ang isang komunidad na mas maunlad, disiplinado, at tunay na maipagmamalaki.
11/05/2026
ALS ONGOING ENROLMENT
Panawagan para sa mga Out-of-School Children, Youth, at Adults na nais makabalik at makatapos ng kanilang pag-aaral, bukas pa rin ang enrolment para sa Alternative Learning System (ALS).
Ang ALS ay LIBRENG PAGAARAL sa ilalim ng DepEd para sa mga nahinto sa pagaaral na edad dose (12) pataas.
✅ Edad 12 pataas – para sa Basic Literacy Program (BLP) at Elementary
✅ Edad 16 pataas – para sa Junior High School
I-click ang link na ito para sa Online Registration:
https://forms.gle/NNUaSE331YJNqqkB6
Para sa mga hindi makapag-register online, maaaring magpadala ng mensahe kay Ma’am Erica M. Silvestre o magtungo sa Sto. Niño Elementary School – ALS Room (Room 2, Ground Floor ng Marcy Building).
Ito na ang pagkakataon upang maipagpatuloy ang pag-aaral at makamit ang mga pangarap. Tara, enrol na sa ALS!
Barangay Sto. Niño Community Learning Center Marikina City
forms.gle