Barangay Marikina Heights PIO

Barangay Marikina Heights PIO

Share

Barangay Marikina Heights Official Page

Photos from BFP NCR Marikina City's post 26/11/2025
Photos from SK Marikina Heights 's post 17/11/2025
Photos from Barangay Marikina Heights PIO's post 09/11/2025

πŸ“’ Pabatid sa lahat ng residente ng ating Barangay!

Laging tagubilin ng ating Pb. Miguel Punzalan Jr. at bilang bahagi ng patuloy na pagbabantay sa lagay ng panahon at paghahanda sa banta ng , inatasan ang BDRRMO sa pangunguna ni Junatan Amor na magsagawa ng pag-iikot sa ating Barangay upang masiguro ang kaligtasan at kahandaan ng lahat. 🀝

Patuloy po tayong mag-ingat, maging alerto, at makinig sa mga opisyal na abiso ng ating lokal na pamahalaan. πŸ“’πŸ’™



Photos from Barangay Marikina Heights PIO's post 06/11/2025

Kung sino man po ang may-ari ng cellphone na ito mangyari pong makaipag ugnayan sa Brgy. Marikina Heights BDRRMC office.

04/11/2025

🐾🐢 π‹πˆππ‘π„ππ† π•π„π“π„π‘πˆππ€π‘π˜ π’π„π‘π•πˆπ‚π„π’

Magkakaroon ng libreng veterinary services sa Brgy. Marikina Heights Covered Court, BUKAS, November 5, 2025 (Wednesday), mula 9AM hanggang 12NN.

Handog ito ng sa ilalim ng direktiba ni Mayor Maan Teodoro para sa kalusugan at kapakanan ng ating mga alaga.

βœ”οΈ Pet Vaccination
βœ”οΈ Registration
βœ”οΈ Basic Pet Grooming
βœ”οΈ Veterinary Check-up

Dalhin ang inyong mga furbabies at makiisa sa pangangalaga sa kanilang kalusugan.

Abangan ang susunod na schedule sa inyong barangay!

Photos from Barangay Marikina Heights PIO's post 20/10/2025

Bilang bahagi ng Marikina City-wide Simultaneous Earthquake Drill, aktibong nakilahok ang Barangay Marikina Heights upang palakasin ang kahandaan ng komunidad sa harap ng mga kalamidad, lalo na sa posibilidad ng pagyanig ng lindol sa lungsod ng Marikina.

Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Miguel "Greg" A. Punzalan Jr. kasama ang kanyang mga kagawad, SK Council, mga empleyado ng barangay at pakikibahagi ng mga residente, matagumpay na naisagawa ang drill na naglalayong sanayin ang bawat isa sa wastong pagresponde at paglikas sa oras ng emerhensiya. Ang ganitong mga aktibidad ay paalala na ang pagiging handa ay susi sa kaligtasan ng bawat pamilya at ng buong komunidad.

Patuloy na nagkakaisa ang Barangay Marikina Heights sa pagtataguyod ng kaligtasan at kahandaan ng bawat Marikenyoβ€”dahil sa panahon ng sakuna, ang handa ay ligtas!

09/10/2025

Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa ating Barangay Assembly Day, kung saan idaraos ang State of the Barangay Address (SOBA) ng ating
Punong Brgy. Miguel "Greg" Punzalan Jr.

Petsa: October 25, 2025 (Sabado)
Oras: 8:00 AM
Lugar: Barangay Marikina Heights Covered court

Ito ay isang mahalagang pagkakataon upang malaman ang mga ginawa, ginagawa at patuloy na gagawin pang programa ng ating barangay para sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.



Photos from Barangay Marikina Heights PIO's post 22/07/2025

Sa kasagsagan ng Ulan na dulot ng habagat tuloy-tuloy ang pag-ikot ng ating PB Kap. Greg A. Punzalan Jr. sa mga evacuation centers at Marikina River upang matiyak na ligtas at nasa maayos na kalagayan ang ating mga kababayang marikeΓ±os.

Patuloy ang ating pakikipag ugnayan upang masigurong mabigyan ng pangangailangan ang mga evacuees.

Garantisadong Paglilingkod !

Photos from Marikina PIO's post 21/07/2025

Ngayong kasagsagan ng Bagyong Dante, ang Kapitan Moy Elementary School at ang Marikina Heights Elementary School ay bukas bilang mga evacuation centers para sa mga residenteng naapektuhan mula sa mga karatig-barangay.

21/07/2025

πŸ“ž MARIKINA RESCUE 161 HOTLINES

Sa oras ng sakuna o anumang emergency, huwag magdalawang-isip na tumawag sa ating mga official hotline para sa kaligtasan ng bawat isa.

☎️LANDLINE
8-646-2436 to 38
8-646-0427
7-273-6563

πŸ“±MOBILE
0917-584-2168 (Globe)
0917-804-6352 (Globe)
0928-559-3341 (Smart)
0998-977-0115 (Smart)
0998-579-6435 (Smart)

Email : [email protected]

Facebook Messenger : https://www.facebook.com/share/1AtoBkcoZq/?mibextid=wwXIfr

Facebook Account : https://www.facebook.com/share/1A96ecS6Nf/?mibextid=wwXIfr

Photos from Barangay Marikina Heights PIO's post 19/07/2025

Marikina Heights Update: BAGYONG CRISING

Bilang bahagi ng Operation Listo ng Barangay Marikina Heights, pinangunahan ni PB GREG A. PUNZALAN JR. at miyembro ng BDRRMO ang pagbabantay sa epekto ng Bagyong Crising.

Ayon sa pinakahuling tala ay nasa 13.9 metro ang tubig sa Marikina River at nananatiling nasa normal na level. Alagaan ang ating mga sarili, pamilya at komunidad. Maging maagap at ligtas.

Narito po ang Barangay Marikina Heights na handang tumulong sa mamamayang marikeΓ±o.




Photos from Barangay Marikina Heights PIO's post 14/07/2025

Congratulations to City of Marikina and Barangay Marikina Heights headed by PB Miguel A. Punzalan Jr. for consistent awardees for two (2) consecutive years with the Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB).

Paglilingkod
Man of Action

Want your business to be the top-listed Government Service in Marikina City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


#1 Liwasang Kalayaan Marikina Heights
Marikina City
1810