Kagawad Rhom Berdin

Kagawad Rhom Berdin

Share

Serbisyong Tapat, Maaasahang Ganap

21/04/2026

Most Outstanding PTA 2015-2016 😊

Photos from Kagawad Rhom Berdin's post 12/04/2026

Dalawang wheelchair, dalawang bagong pag-asa ❤️

Lubos po tayong nagpapasalamat sa mga naging bahagi ng munting pagtulong na ito. Sa NCDA, CPAP, Maam Eunice Factor, Papa Goats at Ate Perla. Dahil po sa inyong tulong at malasakit, may dalawang buhay na mas gumaan at mas naging posible ang araw-araw.

Maraming salamat sa patuloy na pagbabahagi ng inyong blessings at walang sawang pagtulong sa kapwa. 🙏✨

- Admin

06/04/2026

Feeding Program 2025
2026 soon! 🎉

🥰

Photos from Kagawad Rhom Berdin's post 22/02/2026

Bilang tugon sa tawag ng pagiging public servant, tayo pong muli ay nagsagawa ng pag-trim ng mga sangang maaaring magdulot ng panganib sa ating komunidad.

Hindi rin ito magiging posible kung wala ang suporta at agarang pagtugon ni Kap. Danny sa pag-request ng arial kay Kap. Mario De Leon, na ginamit natin sa ligtas at maayos na pagputol ng mga sanga.

Ipinapakita lamang nito na sa tapat at sama-samang paglilingkod, mas marami tayong nagagawang makabuluhan para sa kapakanan ng ating komunidad. ❤️

Photos from Kagawad Rhom Berdin's post 26/01/2026

Isa sa ating mga ka-TROPA sa Provident ang humingi ng tulong na ipatrim ang puno sa kanilang lote dahil lumalagpas na ang mga sanga sa bangketa at natatakpan na rin ang liwanag ng poste. Dahil dito, nagiging madilim tuwing dumadaan at maaaring malagay sa panganib ang mga naglalakad. Bilang tugon, agad po tayong kumilos upang masiguro ang kaligtasan at maayos na daanan ng ating mga kabarangay. 🌳💚

Photos from Kagawad Rhom Berdin's post 25/01/2026

Bilang Kagawad at Chairman on Education Committee tayo po ay kumakatawan bilang miyembro ng Child Protection sa LVES. Kaugnay po nito, tayo po ay nagsagawa ng pagtalakay at pag-aayos ng dalawang problema na may kinalaman sa kapakanan ng mga bata.

Sa bawat usapin, sisiguruhin po natin ang pakikinig at malasakit, sapagkat naniniwala po tayo na ang bawat bata ay nararapat maprotektahan, maunawaan, at mabigyan ng maayos na kinabukasan.

Photos from Kagawad Rhom Berdin's post 25/01/2026

Magandang araw po, mga Kabarangay ng Tañong!

Bilang Kagawad, tungkulin po namin ang gumawa ng mga ordinansa at resolusyon para sa kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng ating barangay. At para po tugunan ang aking tungkulin bilang kagawad, ako po ay nagpasa ng mga ordinansa na sa aking palagay ay makakabuti po sa ating barangay.

Ang mga ordinansa at resolusyon po na aking isinulong ay ang mga sumusunod:
1. Maayos na pagpaparada ng sasakyan upang maiwasan ang sagabal at aksidente.
2. Responsableng pag-aalaga ng a*o at pusa, kabilang ang paglilinis ng dumi sa kalsada at pampublikong lugar.
3. Pagpapatupad laban sa mga inabandonang ari-arian na nagiging sanhi ng dumi, lamok, at banta sa seguridad.
4. Panukalang live streaming ng mga session ng Sangguniang Barangay bilang bahagi ng transparency at accountability.
5. Mahigpit na pagsunod sa tamang paglalabas ng budget ng bawat komite, alinsunod sa Local Government Code.

Ikinagagalak ko pong ibalita sa inyo na naaprubahan po sa ikatlong pagbasa ang mga ordinansang ito subalit hindi po naaprubahan ang panukalang live streaming ng Barangay Session na sana ay makatutulong upang mas makita ng ating ating mga nasasakupang ang proseso at gawain sa loob ng ating barangay.

Gayon pa man, ako po
ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumuporta at bumoto ng YES sa ordinansang ito. Kagawad JOEL at Kagawad BUBUT! 👍👏
Maraming salamat po sa tiwala ☝️🫰

Photos from Kagawad Rhom Berdin's post 20/12/2025

Adopt a Child ❤️🥰

Isang araw na puno ng saya at tawanan para sa ating mga chikiting 🎉🥰

Ngayong araw, nagsagawa tayo ng isang masaya at puno ng pag-asang aktibidad kung saan inimbitahan natin ang piling mga bata upang bigyan sila ng ngiti at malasakit. Dinala natin sila sa arcade upang maglaro at mag-enjoy, at pagkatapos ay pinagsaluhan ang masarap na pagkain sa Jollibee.

Hindi roon nagtapos ang kasiyahan—mayroon din tayong inihandang loot bags at mga stuffed toys bilang munting regalo. Higit sa lahat, nais nating baunin nila hindi lamang ang masasayang alaala ng araw na ito, kundi pati ang mga bagay na magpapaalala sa kanila na sila ay minahal at pinahalagahan. 🤗☺️

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng aktibidad na ito. Nawa’y magsilbi itong paalala na sa simpleng pagbabahagi, malaki ang naidudulot nating saya at pag-asa sa puso ng bawat bata.❤️🙏

07/11/2025

📣 Paalala sa Ating mga Kabarangay tungkol sa Inaasahang Pagdating ng Super Typhoon Uwan

Magandang araw po sa ating lahat!
Nais ko lang pong magpaalala, lalo na sa mga kabarangay nating nakatira sa Provident at iba pang lugar na madalas binabaha, na maging maingat at maghanda po tayo sa pagdating ng Bagyong Uwan na inaasahang tatama bukas ng gabi. 🌧️🌬️

✅ I-charge na po ang mga cellphone at flashlight.
✅ Ihanda ang mga mahahalagang gamit at dokumento sa waterproof bag.
✅ Siguraduhing ligtas ang inyong bahay at mga alagang hayop.
✅ Patuloy na makinig sa mga balita at abiso ng barangay at LGU.
✅ At kung may abisong lumikas, huwag na pong mag-atubiling sumunod.

Sa ganitong panahon, mas mahalaga ang pagtutulungan at malasakit sa isa’t isa. Magdasal po tayo para sa kaligtasan ng buong komunidad. 🙏💚

Ingat po tayong lahat, mga kabarangay! 🇵🇭

Kung may kailangan o kailangang tulong, lalo na sa Provident area, huwag po kayong mahiyang mag-message. Nandito lang inyong lingkod at ang buong konseho ng Barangay Tañong —handang tumulong sa abot ng aming makakaya.
💪

Photos from Kagawad Rhom Berdin's post 30/10/2025

Noong Oktubre 25, ilang pamilya sa ating barangay ang naapektuhan ng insidente ng sunog. Bilang tugon, si Kgd Rhom Berdin ay nagsagawa ng pamamahagi ng School supplies bilang tulong at suporta sa mga batang magaaral na nasunugan. 🎒✨

Layunin ng aktibidad na ito na maibsan ang hirap na dulot ng trahedya at makapagbigay ng kaginhawaan habang unti-unting bumabangon ang ating mga kababayan. 🙏

Patuloy na maglilingkod ang ating Kagawad at maglalaan ng mga programang makakatulong sa kapakanan ng bawat mamamayan. 🤝 Sama-sama tayong babangon — para sa isang mas ligtas at maunlad na komunidad.

Nais din nating bigyan pasasalamat ang mga nag paabot ng tulong Kay Dev2 Estrada at Kuya Allan Mateo. ❤️🙏

Photos from Kagawad Rhom Berdin's post 05/10/2025

October 5, 2025

Matagumpay na naisagawa ang Dental Mission at Free Anti-Rabies Vaccination na pinangunahan ng AKP Riders, Doc Traps ng Confidental, Team Angkop, Kgd. Rhom Berdin, Kgd. Gil La Fuente, at ang masisipag na miyembro ng AKP Tañong Chapter. 🦷🐾

Layunin ng aktibidad na ito na mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan at ng kanilang mga alagang hayop, pati na rin ang kaligtasan ng ating komunidad sa banta ng rabies. Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong, naglingkod, at naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito.

Tunay na kapag sama-sama, tagumpay ang bawat adhikain para sa komunidad! 💚✨

Want your business to be the top-listed Government Service in Marikina City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Tañong
Marikina City
1803