22/05/2026
𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐍𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐑𝐅𝐑𝐔 𝐅𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘!
Malugod naming binabati sina 𝐒𝐑-𝟏𝟑 𝐓𝐫𝐢𝐱 𝐕𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐢𝐧𝐨 at 𝐒𝐑-𝟏𝟒 𝐉𝐞𝐫𝐚𝐥𝐝 𝐍𝐞𝐫𝐢𝐚𝐧𝐨 sa inyong pagtatapos bilang mga Bachelor of Science in Criminology graduates.
Nawa’y maging gabay ninyo sa inyong tatahaking landas ang mga aral, disiplina, at pusong naibahagi sa inyo ng inyong pamilya sa SRFRU. Patuloy kaming mananatiling nakasuporta at nakaalalay sa inyong tagumpay at mga pangarap sa buhay.
Muli, taos-pusong pagbati sa inyong tagumpay!
Congratulations, Buddies! 🎓👏
13/05/2026
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔
Inaabisuhan po ang lahat ng ating mga kabarangay na gumagamit ng kandila bilang pansamantalang ilaw sa kasalukuyang power interruption na maging maingat at tiyaking ito ay nakalagay sa ligtas at matibay na pwesto upang maiwasan ang anumang aksidente o sunog.
Siguraduhing ang kandila ay malayo sa mga bagay na madaling masunog tulad ng kurtina, papel, at iba pang katulad nito. Huwag ding hayaang maabot ito ng mga bata o alagang hayop, at tiyaking napapatay ang kandila bago matulog o umalis ng bahay.
Ang inyong pag-iingat at kooperasyon ay mahalaga upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat pamilya sa ating barangay.
Maraming salamat po.
04/05/2026
Pagpupugay sa ating mga fire volunteers! 👨🏼🚒 Maraming salamat sa dedikasyon at kabayanihan 🫡
20/04/2026
𝗙𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗢𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗦𝗖𝗨𝗘 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 | 𝗦𝗥𝗙𝗥𝗨 𝘅 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗥𝗘𝗦𝗖𝗨𝗘 𝗨𝗡𝗜𝗧
Sa ikalawang pagkakataon, muling nagsagawa ng komprehensibong pagsasanay ang Barangay San Roque para sa ating mga bagong Volunteer Rescuers sa ilalim ng SRFRU at kasama ang mga Community Rescue Unit ng barangay. Layunin ng gawaing ito na higit pang mapalakas ang kanilang kakayahan, kahandaan, at kaalaman sa pagtugon sa mga insidenteng may kaugnayan sa baha at rumaragasang tubig.
Patuloy na pinagtitibay ng ating barangay ang kahalagahan ng maagap at mahusay na pagtugon sa sakuna upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Abangan ang iba pang mga pagsasanay at programang inihahandog para sa mas ligtas at handang komunidad.
15/04/2026
𝟰𝟵 𝗠𝗜𝗡𝗜 𝗧𝗔𝗡𝗞𝗘𝗥 – 𝗧𝗲𝗺𝗽𝗼𝗿𝗮𝗿𝘆 𝟭𝟬-𝟬𝟳
Ipinapaalam sa lahat na ang 49 Mini Tanker – Temporary 10-07 ay kasalukuyang out of duty dahil sa pagsasagawa ng Flood and Moving Water Training bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan ng San Roque Fire and Rescue Unit (SRFRU).
Sa kabila nito, maaari pa rin itong ma-deploy kung kinakailangan sa mga agarang sitwasyon sa loob ng barangay.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.
13/04/2026
RESPONSE NO.: 018-2026
Date: April 13, 2026
Location: Provident Vill Jesus Dela Peña Columbia corner Harvard St.
Involve: residential
9:53 AM: 1st call
9:59: AM : 1st alarm
10:30:AM : Fire under control
11:52 AM : Fire out
Manpower:
78 (DELTA)
49 Echo
14
83
SR 3
SR 8
30/03/2026
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗡𝗜𝗟𝗘 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔𝗚𝗘, 𝗦𝗧𝗢. 𝗡𝗜Ñ𝗢, 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬
Ngayong ika-30 ng Marso 2026, agad na rumesponde ang ating mga kawani sa insidente ng sunog na naganap sa Nile Village, Barangay Sto. Niño, Marikina. Ang insidente ay itinaas sa 1st Alarm (10-70) at kinasasangkutan ng isang residential area.
Patuloy nating pinapaalalahanan ang lahat na maging mapagmatyag at sumunod sa mga alituntunin sa kaligtasan upang maiwasan ang ganitong uri ng insidente.
Ang kaligtasan ng bawat mamamayan ay nananatiling pangunahing layunin ng ating barangay.