09/04/2026
Sa bawat sakripisyo at tapang ng ating mga bayani, natutunan natin ang tunay na diwa ng paglilingkod at pagmamahal sa bayan.
Abangan Sur, sama-sama nating alalahanin at pahalagahan ang kanilang kabayanihan!
08/04/2026
Inaanyayahan ang lahat ng kabarangay na sumali sa One Week Summer League 2026!
Opening: April 18, 2026
Registration: April 8 - 15, 2026 | 8:00 AM to 5:00 PM sa 2nd floor Barangay Office at hanapin lang si Mr. Michael Sollo.
May Midget, Junior, at Senior Division! Kaya tara na at bumuo ng team!
6 teams lang bawat division, Kinakailangan na mayroong 12 miyembro kada grupo na kumpleto ang requirements para makakuha ng form. (First come, first serve)
Walang quota at hindi kailangan ng uniform.
Tandaan:
Ito ay bukas lamang sa mga residente ng Barangay Abangan Sur.
Magdala din ng photocopy ng inyong Government Issued ID.
Para sa Midget Division, magdala lang ng photocopy ng inyong Birth Certificate o kaya ay School ID.
Proudly sponsored by: Kap. Cate Pabale, Kagawad Quire Fernando, Coulyn Sayo, Ronnie Raymundo, Ching Salazar, Edgar Diaz, at pati na rin sina Ali Kwan at Jonar Yanga.
Kita-kits sa court, tara na at maglaro na!
05/04/2026
Ngayong Linggo ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang natin ang tagumpay ng buhay at pag-asa.
Nawa’y punuin ang ating puso ng bagong lakas, saya, at panibagong simula.
04/04/2026
Ngayong Sabado de Gloria, maglaan tayo ng sandali ng tahimik na pagninilay at pagtitiwala.
Sa bawat paghihintay, may bagong pag-asa at liwanag na darating.
03/04/2026
Isang taos-pusong pagbati kay Former Kapitan Romell Pabale sa kanyang kaarawan!
Maraming salamat po sa inyong tapat at walang sawang paglilingkod sa Barangay Abangan Sur. Dahil sa inyo, naging maayos at maunlad ang ating komunidad.
Mahal na mahal po kayo ng ating buong barangay!
03/04/2026
Ngayong Biyernes Santo, maglaan tayo ng oras para magnilay at alalahanin ang dakilang sakripisyo bilang gabay sa ating buhay.
Nawa’y patatagin nito ang ating pananampalataya at pagmamahal sa kapwa.
02/04/2026
Ngayong Huwebes Santo, nawa’y magsilbing gabay ang kababaang-loob at malasakit sa bawat isa.
Isabuhay natin ang tunay na diwa ng pagmamahal sa simpleng pagtulong at pag-unawa.
01/04/2026
Kahit saan ka man pumapasada, kaagapay mo pa rin ang ating barangay!
Nagpaabot po tayo ng Fuel Aid para sa ating mga tricycle drivers na namamasada sa ibang lugar sa Marilao ngunit residente ng Abangan Sur.
Kasama po natin sa pamamahagi ang mga masisipag na kagawad na sina Kagawad Ronnie Raymundo, Ching Salazar, Quirino Fernando, at Jonar Yanga.
Serbisyong walang pili, para sa lahat ng ating kabarangay!
30/03/2026
Isang mainit na pagbati kay Barangay Councilor Quirino G. Fernando sa kanyang kaarawan ngayong araw, March 30, 2026.
Maraming salamat sa inyong dedikasyon at malasakit sa ating mga kabarangay!
29/03/2026
Sa hirap ng panahon, walang maiiwan. Magkakasama tayo.
Kahapon, March 27, matagumpay na naipamahagi ng Pamahalaang Barangay ng Abangan Sur, sa pangunguna ni Kap. Cate Pabale, ang Food Subsidy sa 573 indigent na kabarangay sa Alejandra Covered Court. Ito po ay katumbas ng 50% ng kabuuang bilang ng ating indigent families.
Ito ay bahagi ng ating ordinansa na naipasa pa noong 2023, at patuloy nating isinasagawa taon-taon hanggang ngayon.
Patuloy ang ating pagtutulungan at pagbibigay suporta para sa bawat pamilyang nangangailangan.
24/03/2026
Ngayong araw, ipinamahagi natin ang Fuel Aid para sa mga tricycle driver na miyembro ng Abangan Sur TODA.
Ang halagang ₱700 ay sasapat para sa isang full tank o mahigit 7 litrong gasolina.
Kasama natin sa programang ito sina Kagawad Quire Fernando, Coulyn Sayo, Ronnie Raymundo, Ching Salazar, Edgar Diaz, Ali Kwan, at Jonar Yanga.
Sa mahal ng gasolina, hirap ang pasada… kaya may tulong para sa ating drivers!
20/03/2026
"Eid Mubarak!”
Maligayang pagdiriwang ng Eid al-Fitr sa ating mga kapatid na Muslim! Nawa’y mapuno ng kapayapaan, pagmamahal, at biyaya ang bawat tahanan.
Sama-sama sa pagkakaisa at paggalang sa isa’t isa.