28/05/2026
Patuloy po nating kinikilala at sinusuportahan ang husay, talento, at sipag ng bawat Marilenyo!
Sa isinagawang Committee Hearing, tinalakay ang panukalang ordinansa na magbibigay ng cash incentives sa mga nananalo sa sports, skills, at academic competitions, kasama ang kanilang mga coaches at trainers dito sa Bayan ng Marilao.
Ang ordinansang ito na inakdaan ng ating Vice Mayor Ariel P. Amador ay naglalayong magbigay ng pagkilala at inspirasyon sa ating mga kababayan na patuloy na nagbibigay karangalan sa ating bayan sa iba’t ibang larangan.
28/05/2026
Patuloy po nating pagtutulungan ang pag-unlad ng ating bayan sa pamamagitan ng maayos na pamamahala, pagkakaisa, at serbisyong tunay na nagmamalasakit sa bawat mamamayan.
Kasama po natin si Vice Mayor Ariel Amador sa pagsusulong ng mga programang magbibigay ng mas maayos na kinabukasan para sa bawat pamilyang Marilenyo. Sama-sama po nating itaguyod ang isang progresibo, maunlad, at mas masiglang bayan para sa lahat.
28/05/2026
Sa pagdiriwang ng National Flag Days mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, ating buong pusong iwagayway ang ating watawat bilang simbolo ng kalayaan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.
Nawa’y magsilbi itong paalala ng sakripisyo at kabayanihan ng ating mga ninuno para sa kalayaan na ating tinatamasa ngayon. Patuloy nating mahalin at paglingkuran ang ating bansang Pilipinas nang may dangal at malasakit.
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!
28/05/2026
CONGRATULATIONS!
Lyza Rose D. Agarin, LPT
Licensure Examination for Professional Teachers
Anjeline V. Canasa, LPT
Licensure Examination for Professional Teachers
Julia Angeline Bernardo, LPT
Licensure Examination for Professional Teachers
Noralyn L. Blanza, LPT
Licensure Examination for Professional Teachers
AYEs sa galing ang Marilenyo!
27/05/2026
Maligayang pagdiriwang ng Eid Al-Adha sa ating mga kapatid na Muslim!
Nawa’y magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang diwa ng sakripisyo, pananampalataya, pagmamahal, at pagkakaisa na hatid ng banal na okasyong ito. Sama-sama po nating ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng kapayapaan, pag-unawa, at malasakit sa ating komunidad.
26/05/2026
Isang taos-pusong pasasalamat po sa Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. sa kanilang walang sawang suporta sa edukasyon at sa ating bayan.
Nakiisa po ang ating Vice Mayor Ariel Amador sa ginanap na groundbreaking ceremony ng ipapatayong six-classroom building sa Prenza Elementary School — ang pangalawang gusali na kanilang ipinagkaloob para sa ating mga mag-aaral nang walang inilalabas na pondo mula sa pamahalaan.
Malaking biyaya po ito para sa ating mga estudyante dahil makatutulong ito sa pagbibigay ng mas maayos, ligtas, at komportableng learning environment kung saan mas mapapalawak nila ang kanilang kaalaman at mas maaabot ang kanilang mga pangarap.
Muli, maraming salamat po sa inyong malasakit at dedikasyon para sa kinabukasan ng kabataang Marilenyo.
26/05/2026
CONGRATULATIONS!
Justine Mark R. Dawal, LPT
Licensure Examination for Professional Teachers
Rosemarie G. Legaspi, LPT
Licensure Examination for Professional Teachers
Rochelle G. Liongson, LPT
Licensure Examination for Professional Teachers
Kristine M. Laborte, LPT
Licensure Examination for Professional Teachers
AYEs sa galing ang Marilenyo!
25/05/2026
Kasama ang ating Vice Mayor Ariel Amador, Sangguniang Bayan at ang Pangulo ng Committee on Energy and Water Resources and other Public Services, Konsehal Harvey Mediante, nagsagawa ng isang committee hearing kaugnay ng mga hinaing at usapin sa serbisyo ng MARWADIS/PrimeWater upang mapag-usapan ang mga konkretong hakbang para sa mas maayos, tuloy-tuloy, at dekalidad na suplay ng tubig para sa mamamayan ng Marilao.
Patuloy po nating bibigyang pansin ang mga concerns ng ating mga kababayan at makikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya upang masiguro ang mabilis at epektibong aksyon para sa kapakanan ng bawat Marilenyo.