Lias Barangay Health Station

Lias Barangay Health Station

Share

Barangay Lias Health Department

Photos from DOH Central Luzon's post 10/05/2026

Happy Mother's Day! ❀️
Happy Safe Motherhood Week!🀰🏻

βœ… GAWING MAS LIGTAS ANG PAGBUBUNTIS, PANGANGANAK, AT POSTPARTUM PERIOD!
πŸ₯ Kumonsulta sa health centers para sa wasto at ligtas na pangangalaga.
πŸ₯ Manganak sa health facility upang masiguro ang ligtas na delivery.
πŸ₯ Kumpletuhin ang 8 prenatal check-ups habang buntis, at 4 postnatal check-ups pagkatapos manganak.

Sa Bagong Pilipinas, Bawat Nanay Mahalaga, Bawat Buntis Mahalaga!

Alinsunod sa Proclamation No. 200, s. 2002, ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Mayo ang Safe Motherhood Week, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Ina (Mother's Day), bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kalusugan, kaligtasan at sakripisyo ng bawat nanay.

Photos from Bulacan PHO - Public Health's post 10/05/2026

Ingatan ang Puso, Bantayan ang Dugo! πŸ«€πŸ’Š

Ngayong buwan ng Mayo ang Hypertension Awareness Month isang paalala mula sa Department of Health (DOH) at sa aming Tanggapan.

Maintenance Check! Amlodipine 🌟

Maraming Pilipino ang may mataas na blood pressure pero hindi nila ito nararamdaman. Kaya tinatawag itong β€œsilent killer”, dahil kahit wala itong sintomas, maaari itong magdulot ng stroke, sakit sa puso, at kidney failure.

Hindi mo kailangang maghintay ng sintomas bago kumilos para sigurado!

Photos from Lias Barangay Health Station's post 10/05/2026

Tooth extraction


5/9/ 2026

05/05/2026

LIBRENG CANCER SCREENING!

Hindi mo man nararamdaman, mas mabuting makasigurado.

Available sa DOH - Joni Villanueva General Hospital sa tulong ng PhilHealth YAKAP:
β€’ Breast Ultra*ound
β€’ Liver Ultra*ound
β€’ Colonoscopy / Endoscopy

3 hakbang lang:
1. Magpatingin sa inyong YAKAP provider
2. Kumuha ng request
3. Magpa-appointment sa DOH-Joni

Walang babayaran!

Para sa’yo. Para sa pamilya mo.
Sa DOH - Joni, ang galing magpagaling.

05/05/2026

OPISYAL NA ABISO

Ipinagmamalaki naming ipaalam sa inyong lahat, Ang Appoint-Q Patient Portal ay OPISYAL NA BUKAS para sa lahat ng pasyente ng JVGH OPD!

Hindi na kailangang pumila ng maaga o maghintay ng matagal. Sa pamamagitan ng Appoint-Q, maaari na ninyong:

Mag-book ng appointment anytime, kahit saan
Makatanggap ng SMS at Email notification para sa kumpirmasyon, pagbabago, o pagkansela ng appointment
Makita ang inyong queue number at status nang real-time
Priority lane para sa mga Senior Citizen at PWD
Available sa web at Android app

PAANO MAG-BOOK?

1. Pumunta sa aming website:
https://appointments.jvgh-ict.site/

2. Pindutin ang "Book Appointment"

3. Piliin ang serbisyong kailangan mo

4. Pumili ng petsa ng appointment

5. Ilagay ang iyong impormasyon bilang pasyente

TAPOS NA! Booking Confirmed, makakatanggap ka ng SMS at Email notification na may detalye ng iyong appointment!

MAHALAGANG PAALALA

ITAGO ANG IYONG QR CODE O APPOINTMENT NUMBER, kakailanganin mo ito para sa Check-In sa ospital!

QUEUE CUT-OFF TIME β€” Mangyaring pumunta sa ospital BAGO mag-cut-off ng queue. Ang lahat ng appointment na HINDI na-check in bago mag-cut-off ay AWTOMATIKONG MAKAKANSELA at mapupunta ang slot sa mga walk-in patients.

Simula ngayon, ang pag-book ng appointment sa pamamagitan ng SMS o lumang paraan ay HINDI NA TATANGGAPIN.

Ang mga naunang naka-schedule na appointment ay mananatiling valid at kikilalanin pa rin. Hindi na kailangang mag-book muli.

I-download ang opisyal na Android app:
https://appointments.jvgh-ict.site/download

Ang Appoint-Q ay LIBRENG gamitin para sa lahat ng pasyente ng Joni Villanueva General Hospital.

Magtulungan tayo para sa mas maayos, mas mabilis, at mas maginhawang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino.

Para sa anumang katanungan ukol sa appointment, maaari po kayong makipag-ugnayan sa aming opisyal na numero: 0924-504-0204.
Oras ng pagtanggap ng tawag: Lunes hanggang Biyernes, 7:00 AM – 6:00 PM lamang.

Photos from Bulacan PHO - Public Health's post 05/05/2026

β˜€οΈ 𝐌𝐠𝐚 π’πšπ€π’π­ 𝐧𝐚 πƒπšπ©πšπ­ 𝐁𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 π“πšπ -𝐒𝐧𝐒𝐭 🌑️

πŸ₯΅ Sa init ng panahon, mas nagiging laganap ang ilang sakit tulad ng tigdas measles, chickenpox, sore eyes, at rabies.

πŸ’‘ Alam mo ba? Mas mabilis kumalat ang mga virus at impeksyon kapag dikit-dikit ang tao, pawisin, at kulang sa proper hygiene?

πŸ‘Ά Kapag may sintomas, huwag nang maghintay lumalala pa! Magpatingin agad sa health center!

🐢 Siguraduhin ding bakunado ang mga alagang hayop at iwasan ang pakikipaglaro sa hindi kilalang a*o o pusa.

🧼 Ugaliing maghugas ng kamay, iwasan ang hawahan, at panatilihing malinis ang katawan at paligid.

🩺 Sa tag-init, ang kaalaman at pag-iingat ang pinakamabisang proteksyon!

✨ Alagaan ang sarili at pamilyaβ€”iwas sakit, iwas gastos! πŸ’›

Photos from Lias Barangay Health Station's post 03/05/2026

Isang matagumpay ang isinagawang operation tuli araw ng linggo may 3 sa. Pamahalaang lias sa pangunguna ng ating butihing kapitan Em Mateo, committee on health konsi lis Gonzalez at ang bumubuo ng sanguniang barangay.. Tau po ay nagsagawa ng operation tuli at pagbibigay ng libreng gamot sa ating mga bagong binatang ng ating barangay

27/04/2026

πŸŒπŸ’™ World Health Day 2026 πŸ’™πŸŒ
Tema: β€œTogether for Health, Stand with Science”

Ang kalusugan ay hindi lang tungkol sa Ospitalβ€”ito ay tungkol sa bawat isa sa atin. Sama-sama nating ipakita na ang siyensya at pagkakaisa ang susi sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan.

Magsimula sa maliliit na hakbang:
βœ…Magpatingin kung may nararamdaman
βœ…Suportahan ang mga programang pangkalusugan sa komunidad
βœ…Piliin ang masustansyang pagkain at aktibong pamumuhay

Dahil kapag nagkakaisa, mas matibay ang ating laban para sa buhay.

Calumpit District Hospital
Bulacan PHO - Public Health

Photos from City of San Jose del Monte - City Health Office's post 27/04/2026

PhilHealth Yakap: Gabay sa Tamang Proseso!

Alam mo ba ang tamang hakbang sa pag-avail ng benepisyo ng PhilHealth? Narito ang simpleng gabay para masigurong maayos at mabilis ang iyong proseso πŸ’™

βœ”οΈ Siguraduhing updated ang iyong membership
βœ”οΈ Ihanda ang mga kinakailangang dokumento
βœ”οΈ Alamin ang tamang proseso sa iyong health facility
βœ”οΈ Magtanong kung may hindi malinawβ€”nandito kami para tumulong!

Sa pamamagitan ng PhilHealth Yakap, layunin naming gawing mas malinaw, mas madali, at mas maalaga ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino. 🀝

πŸ“ Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa inyong pinakamalapit na health center.




27/04/2026

βœ‚οΈ TULI KA NA BA?! 🍌

π‹πˆππ‘π„ππ† π“π”π‹πˆ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆 π‹πˆπ€π’!
(First 80 Patients Only)

πŸ“… May 3, 2026
πŸ•— 8:00 AM
πŸ“ Brgy. Lias Health Center

πŸ“Œ Registration at Screening:
Eksklusibo para sa mga taga-Lias!
April 27, 2026 (Lunes) | 8:00 AM onwards
Personal na magtungo sa Brgy. Lias Health Center.

Buong pusong handog sa pangunguna ni Kap. Em Mateo at ng Sangguniang Barangay ng Lias β€” isang serbisyong mula sa buwis na ibinabalik sa ating mamamayan.

Huwag palampasin! Magpalista na at maging bahagi ng programang pangkalusugan para sa kabataang Lias! πŸ’šπŸŒβœ‚οΈ


Photos from Lias Barangay Health Station's post 21/04/2026

Regular check up with doc Jaime Santiago
4/21/2026

Want your business to be the top-listed Government Service in Marilao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Lias Road
Marilao
3019

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm