Brgy. Tabing Ilog Marilao

Brgy. Tabing Ilog Marilao

Share

Maayos,Tapat at Patas na Pamamahala

20/04/2026

BINATA KA NA, POGI KA PA!

APRIL 28, 2026 - TUESDAY

LIBRENG TULI - 8:00 AM
Brgy. Tabing Ilog Health Center

LIBRENG GUPIT - 7:00 AM
Barangay Hall Tabing-Ilog

16/04/2026

UNANG HAKBANG SA PAG-AARAL

SUMMER CLASS and
FEEDING PROGRAM
April 20 - May 8, 2026
10:00 AM

"Hindi lang tiyan ang pinupuno, kundi pati na rin ang isipan. 🧠❤️ Isang masayang simula para sa Summer Class at Feeding Program. Tara, aral at kain na! 🥳📚"

Sangguniang Barangay ng Tabing-Ilog

16/04/2026

🚒 MGA PAALALA MULA SA BUREAU OF FIRE PROTECTION
CENTRAL LUZON at ng SANGGUNIANG BARANGAY NG TABING-ILOG
✅ I-unplug ang mga appliances at huwag mag-overload ng outlet
-Tanggalin sa saksakan ang mga appliances kung hindi ginagamit at iwasang pag sama-samahin ang maraming extension cord sa isang saksakan lang.
✅ Huwag manigarilyo sa k**a
-Lalo na kung inaantok,nakainom ng alak o uminom ng gamot na nakaka-antok. Ito ay pwedeng pagmulan ng apoy at makasunog.
-Ilayo ang lighter at posporo at iba pang pansindi sa mga bata.
-Ilagay ang mga ito sa mataas na lugar na hindi maaabot ng mga bata para hindi mapaglaruan. Ituro din sakanila na ang mga ito ay hindi laruan at pwedeng pagmulan ng sunog.
✅ Patayin ang kandila bago matulog
-Huwag hayaang nakasindi ang kandila kung walang tao sa kwarto o kung matutulog na. Ipwesto din ito malayo sa mga kurtina at anumang bagay na madaling mag-apoy at masunog.
✅ Bantayan ang niluluto.
-Huwag iiwan ang kalan habang nagluluto. Hindi lang ang pagkain ang pwedeng masunog kundi pati na rin ang bahay kapag naiwan ang niluluto nang walang bantay.
✅ Gumawa ng Fire Escape Plain
-Alamin ang mga labasan sa bahay at magkaroon ng “meeting point” sa labas para sa pamilya. Gawin ito kasama ng mga miyembro ng pamilya pati na ang mga bata.
✅ Alamin ang Stop, Drop, and Roll.
-Ituro sa mga bata na kung sakaling mag-apoy ang damit, huwag tatakbo, humiga at mag-pagulong-gulong sa sahig.

🚒 MARILAO FIRE STATION
EMERGENCY NUMBERS
SMART - 0920-940-8181
TALK ‘N TEXT – 0949-886-8181

01/04/2026

Barangay Tabing-Ilog
BHERT - Barnagy Health Emergency Response Team
EMERGENCY CONTACT NUMBERS

23/03/2026

Ang Barangay Tabing-Ilog ay nakikiisa sa 30th Observance of the Protection and Gender-Fair Treatment of the Girl Child Week 2026 na may temang “Katawan Ko, Karapatan Ko: Edukasyon tungo sa Malaya at Ligtas na pagpapasya.”

Patuloy po nating isulong ang karapatan, proteksyon at kapakanan ng bawat batang babae sa ating komunidad.

Photos from Brgy. Tabing Ilog Marilao's post 05/03/2026

Sa mahusay at epektibong pamumuno at pamamahala ng ating Punong Barangay KAPablo Bonjing Catorce Jr., ay muling pinagkalooban ng karangalan at pagkilala ang ating barangay bilang isa sa mga BIDANG BARANGAY ng Bulacan sa pagpapamalas at apektibong implimentasyon ng mga programa at proyektong pangkomunidad at natatanging paglilingkod.

Ang karangalang ito ay ipinagpapasalamat natin sa bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Tabing -Ilog at sa lahat ng kawani ng barangay sa ibat-ibang posisyon at departamento.

Para sa ating lahat ang karangalang ito mula sa kasipagan at seryosong paganap sa kanya-kanyang gawain at tungkulin.

Maraming Salamat at Saludo sa inyong lahat!

Maraming Salamat kay Direktor Myrvi Apostol Fabia,ceso V Panlalawigang Patnugot ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal,at kay IGG. INH. FORTUNATO SJ, ANGELES MPA ng Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Bulacan.

Maraming Salamat Po! MABUHAY ANG BARANGAY TABING-ILOG!

03/03/2026

Magandang hapon!

Ipinababatid po sa lahat ng mga residente ng Barangay Tabing-Ilog na magkakaroon po ng Libreng Konsulta sa mga Abogado / Abogada na layong magbigay ng serbisyong legal sa ating mga kababayan.

Petsa: March 29, 2026
Oras: 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali
Lugar: National Shrine of Divine Mercy, Sta. Rosa I, Marilao, Bulacan

Maaaring ikonsulta ang mga sumusunod na usaping legal:
• Birth Certificates
• Nawawalang Titulo ng Lupa
• Sanglaan at Upa sa Apartment o Sakahan
• Mga usapin sa lupa at kasama sa bukid
• Mga kasong kriminal
• Annulment ng kasal
• Suporta sa bata
• At iba pang suliraning legal

Pinapayuhan ang lahat ng nais magpakonsulta na dumating nang maaga sapagkat ito ay susunod sa patakarang “FIRST COME FIRST SERVED.”

Ang gawaing ito ay naglalayong makatulong sa mga mamamayan na nangangailangan ng wastong payong legal.

16/02/2026

📢 ABISO SA LAHAT NG KABARANGAY! 🇵🇭

Magkakaroon po tayo ng SATELLITE VOTER’S REGISTRATION sa ating barangay!

🗓 February 20, 2026 (Friday)
⏰8:00 AM
📍 Brgy. Tabing-Ilog Hall

Inaanyayahan ang lahat ng hindi pa rehistrado, inactive voters, at magpapa transfer na magtungo at magparehistro na.

Magdala lamang ng isang (1) valid ID na may address sa lugar na sakop ng Brgy. Tabing-Ilog.

Mahalaga ang inyong boto, kaya makilahok na sa darating na halalan!

Photos from Brgy. Tabing Ilog Marilao's post 11/02/2026

Mahalagang Pabatid!

Mga kaBarangay mayroon po tayong Satellite Voter's Registration sa darating na ika 20 ng PEBRERO taong 2026 - BIYERNES sa ganap na ika - 8:00 ng UMAGA na gaganapin sa Brgy. Tabing-Ilog Hall. Ang lahat po ng hindi pa nakaRegistro, Inactive or For Transfer ay inaanyayahan na pumunta at magdala lang po ng XEROX ng inyong Valid ID.

Maraming Salamat po

Want your business to be the top-listed Government Service in Marilao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


E. Natividad Street Tabing Ilog Marilao Bulacan
Marilao
3019

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm