04/06/2026
Nabigyan ng pagsasanay sa Community First Aid and Basic Life Support ang mga administrative staff at empleyado ng Exatech Appliance Technologies Inc. noong Hunyo 2 at 3, sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kahandaan ng mga kalahok sa pagbibigay ng paunang lunas at tamang pagtugon sa mga emergency at iba pang insidente.
04/06/2026
Its Official: Tag-ulan Season na!
☔🌧️ It’s Official: Tag-ulan Season na!
Based on the weather observations and analyses, occasional to frequent rains associated with the Southwest Monsoon (Habagat) have been observed over the past five days. This signifies the onset of the rainy season across the western sections of Luzon and the Visayas.
However, monsoon breaks may still occur and last for several days or weeks.
Read more: https://pagasa.dost.gov.ph/press-release/214
02/06/2026
Pinalawak ang kaalaman ng mga g**o at administrative staff ng Barcelona Academy sa tamang pagbibigay ng paunang lunas at pagtugon sa emergency sa pamamagitan ng Emergency First Aid and Basic Life Support Training na isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kahandaan ng mga kalahok sa pagresponde sa mga insidente at mapanatili ang kaligtasan sa loob ng paaralan.
02/06/2026
Nakiisa sa Emergency First Aid and Basic Life Support Training ang mga kinatawan ng Barangay Emergency Response Team, mga health worker, Public Safety Officer, Lingkod Lingap sa Nayon, at mga boluntaryo ng Barangay Prenza 1 noong Hunyo 1 sa Liwasang Pangkalikasan ng Marilao sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. Layunin ng pagsasanay na higit pang mapalakas ang kahandaan ng mga katuwang ng barangay sa pagbibigay ng paunang lunas at pagtugon sa mga emerhensiya sa komunidad.