Kagawad Charie Cabral

Kagawad Charie Cabral

Share

Official FB Page of Kagawad Charie Cabral of Barangay Saog, Marilao, Bulacan

08/03/2025

Ngayong Buwan ng Marso ay ating parangalan
ang LAKAS NG ATING BAYAN-ang mga KABABAIHAN

Kaisa ang inyong lingkod sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan♀️

Photos from Kagawad Charie Cabral's post 29/11/2024

Kasama ang Samahan ng mga Senior Citizens ng Brgy. Saog, pati na ang Catholic Women's League, at Sis. Macaria Javier Formation Foundation Center, Inc., Local Development and Risk Reduction Management Office ng bayan ng Marilao, at ang inyong lingkod Kagawad Charie Cabral, naging matagumpay ang ating programang

Ligtas sa Sakuna, si Lolo at Lola:
A Disaster Preparedness Seminar for the Senior Citizens of Barangay Saog

Ito ay isinagawa ngayong umaga sa Hardin ng Hetsemani, Saog, Marilao, Bulacan na siyang dinaluhan ng mga kasapi ng Senior Citizens sa ating barangay.

Layunin ng nasabing seminar na magbigay ng sapat na kaalaman sa ating mga lolo at lola patungkol sa mga bagay na dapat gawin at isaalang-alang sa panahon ng sakuna.

Ang inyong lingkod ay lagi niyong kaagapay para sa kapakanan ng ating mga Lolo at Lola. ❤️

Photos from Kagawad Charie Cabral's post 29/11/2024

Sabayang Pambatang Palarong Pinoy

Ginanap noong nakaraang Sabado ang masayang palaro para sa mga bata ng ating barangay bilang selebrasyon sa National Children's Month ngayong Nobyembre.

Kasama ang mga Daycare Workers, Mother Leaders, mga kawani ng ating Barangay, at ang inyong lingkod kagawad Charie Cabral dala namin ay saya, at papremyo sa mga bata ng ating barangay.

Patuloy ang pagsuporta natin sa karapatan at kaligtasan ng mga bata ng barangay Saog! ❤️

08/11/2024

We are here to assist you!

Sa mga Kabarangay nating kasapi ng Senior Citizen, inaanyayahan namin kayo upang matulungan makapag Register Online sa National Comission on Senior Citizen.

Dala ang inyong original Senior Citizen ID, pumunta sa tahanan nina Sis. Zeny Javier sa #29 T. Mendoza St , Saog, Marilao, Bulacan mula ika-8 ng umaga.

Photos from Angelicakes's post 07/10/2024

Munting handog sa mga dakilang g**o ng Saog!
Salamat sa mga sakripisyo, aral, at pagtitiyaga para mahubog ng maayos, marunong, at handa sa hamon ng buhay ang mga bata sa ating barangay


11/05/2024

Happy Mothers' Day
sa lahat ng Dakila at kaka-EVAng Nanay sa ating Barangay!

Saludo ang inyong lingkod sa lahat ng sakripisyong inyong inialay para sa inyong pamilya!

Photos from Kagawad Charie Cabral's post 07/05/2024

I-BIDA NA ANG INA MO!

dito sa

NATATANGI ANG INA KO!
Online Spoken Poetry Competition

Simulan nang gumawa ng iyong Spoken Poetry Video at ipamalas kung bakit nga ba Natatangi ang Ina mo!

Maaari ka pang manalo ng Dinner Date kasama ang iyong natatanging Ina, Cash Prize, Certificate at Gift Vouchers mula sa ating mga sponsors.

Criteria for Judging:
Relevance to the Theme 30%
Delivery and Presentation 25%
Originality 25%
FB Votes 20%
TOTAL 100%

Tignan ang mga larawan sa post na ito para sa mechanics ng ating competition.

I-send na dito ang inyong entry, at ipagmalaki sa buong Barangay Saog na

NATATANGI ANG INA KO! ❤️

Photos from Kagawad Charie Cabral's post 12/11/2023

Ang Lakas ng Kabataan ay Lakas ng Pamayanan! ❤️

Sa loob ng limang taong kami ay inyong sinamahan, napatunayan natin na wala nang mas titibay pa kapag nagkakaisa ang mga kabataan sa ating Barangay.

Karangalan naming kayo ay paglingkuran.

Muli maraming maraming salamat po mula sa SK Barangay Saog Batch 2018-2023.

SK Saog 2018 now SIGNING OFF!

Photos from Kagawad Charie Cabral's post 03/09/2023

"The youth can mobilize and create a stir that often leads to transformative change"
- Nelson Mandela

Masaya, Makulay! Ganito ipinagdiwang ng mga Kabataan mula sa barangay Saog ang taunang selebrasyon ng Linggo ng Kabataan.

Sa pangunguna ng ating SK Chairman Charie Cabral, kasama ang SK Council, Punong Barangay Sonny Angeles, at Sangguniang Barangay Councils, naging matagumpay ang ating programang SPLASHES and Kolours: KK Assembly and Youth Night 2023

Maraming Salamat sa lahat ng nakiisa, mga bisita, mg sponsors, at sa lahat ng taong nasa likod ng isang makulay na programang ito.

Want your business to be the top-listed Government Service in Marilao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Saog
Marilao
3019

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm