Batang Marilenyo

Batang Marilenyo

Share

Municipal Council for the Protection of Children

31/03/2026

πŒπ„πŒπŽπ‘π€ππƒπ”πŒ π‚πˆπ‘π‚π”π‹π€π‘ 𝐍𝐎. πŸπŸπŸ”, 𝐬. πŸπŸŽπŸπŸ”

Work from Home Arrangements from 8:00 in the Morning to 12:00 in the Afternoon, and Suspension of Work from 12:00 in the Afternoon Onwards in Government Offices for 01 April 2026

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/yXEsVu

31/03/2026

HALF DAY ON HOLY WEDNESDAY FOR ALL GOVERNMENT WORKERS

MalacaΓ±ang orders work from home scheme from 8am to 12nn for government workers on Holy Wednesday.

Government work is suspended from 12 noon onwards on April 1. | via Katrina Domingo, ABS-CBN News

Photos from Municipal Youth Development Office - MYDO's post 19/03/2026

30th Girl Child Week ( March 22–28, 2026 )

The LGU Marilao joins the nation in celebrating Girl Child Week 2026 with the theme:

β€œKatawan Ko, Karapatan Ko: Edukasyon Tungo sa Malaya at Ligtas na Pagpapasya.”

Let us continue to promote the rights, welfare, and empowerment of every girl, ensuring access to education and accurate information so they can make safe, informed, and confident decisions about their future.

Together, let us create safe spaces and stronger protection for every girl. πŸ’œ





Photos 10/03/2026

Isang karangalan para sa ating bayan ang pagkakapili kay Alessandra C. Belonio bilang Nominee ng Gawad Medalyang Ginto 2026 – Huwarang Kabataang Babae sa Pamumuno mula sa Panlalawigang Komisyon para sa Kababaihan ng Bulacan.

Si Alessandra ay isa sa ating Child Representative ng Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) na patuloy na nagpapakita ng dedikasyon sa paglilingkod at aktibong pakikilahok sa mga programang nagtataguyod ng kapakanan at karapatan ng mga bata at kabataan sa ating komunidad.

Ayon sa pagkilalang iginawad, siya ay isang kabataang nagsisilbing inspirasyon at huwaran ng iba pang kababaihan sa pamamagitan ng kanyang natatanging pamumuno at paglilingkod sa pamayanan.

Ang parangal na ito ay iginawad kaugnay ng pagdiriwang ng Panlalawigang Araw ng Kababaihan 2026 na may temang β€œSa Ulirang Pamilya, Bawat Isa Mahalaga.” Ito ay ginanap noong ika-9 ng Marso, 2026 sa The Pavilion Hiyas ng Bulacan Convention Center, City of Malolos, Bulacan.

Ipinagmamalaki ng Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) at ng Pamahalaang Bayan ng Marilao ang iyong tagumpay. Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa kabataang Marilenyo sa pagtataguyod ng pamumuno, paglilingkod, at malasakit sa kapwa.


Photos from MarileNews's post 09/03/2026

Alinsunod sa Memorandum No. 2026-13A na inilabas ng Office of the Mayor, ipinatutupad ng Pamahalaang Bayan ng Marilao ang Work From Home (WFH) arrangement tuwing Biyernes para sa mga piling tanggapan ng munisipyo simula March 9, 2026.

Layunin ng hakbang na ito na makatulong sa pagtitipid ng enerhiya at gasolina, mabawasan ang pangangailangan sa transportasyon ng mga empleyado, at suportahan ang mga programa ng pamahalaan para sa energy conservation, habang patuloy na naihahatid ang mga serbisyong pampubliko.

Mananatiling bukas at operational ang mga tanggapang nagbibigay ng essential at frontline services upang masigurong tuloy-tuloy ang serbisyo sa ating mga mamamayan.

27/02/2026

Game time na! Tara na at suportahan ang Marilao Gems sa ACBL MAKATA CUP Season 3! πŸ’Ž
Ipakita natin ang lakas at solid na suporta ng Marilao! Kita-kits sa court! πŸ€πŸ™ŒπŸ”₯

Photos from MarileNews's post 08/01/2026

Nagpulong ngayong Enero 8 sa Conference Hall, sa pangunguna ni Special Assistant to the Mayor Ronnie Mendoza bilang kinatawan ni Mayor Jem Sy, kaugnay ng opisyal na paglahok ng Bayan ng Marilao sa gaganaping All-Star Championship Basketball League (ACBL) Intertown Season 3 ng Makata Cup.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga paghahanda at koordinasyon para sa nasabing liga, kasama sina Head Coach Kian Caratay, Czarie Castro bilang Team Handler mula sa Jemina Sy Foundation, at mga kinatawan ng Municipal Youth Development Office, bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng sports at mga manlalarong Marilenyo.

Photos from MarileNews's post 08/01/2026

WALANG PASOK
Enero 23, 2026 (Biyernes)

Alinsunod sa Proclamation No. 1122, idineklara ang Enero 23, 2026 bilang Special (Non-Working) Day sa buong Lalawigan ng Bulacan. Ito ay bilang paggunita sa Anibersaryo ng Inauguration ng Unang Republika ng Pilipinas, na ginanap sa Barasoain Church, Malolos, Bulacan.

16/12/2025

PABATID: PARA SA MGA EXISTING NA ISKOLAR NG BAYAN

Ipinapaalam sa lahat ng mga existing na iskolar ng bayan na ang kanilang allowance ay inaasahang papasok sa kani-kanilang ATM accounts mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 23, 2025.

Hinihiling ang inyong pag-unawa at pakikipagtulungan sa pamamagitan ng regular na pag-check ng inyong ATM account para sa kaukulang update.



01/12/2025

MAHALAGANG ANUNSYO: RESULTA NG MGA NAKAPASA BILANG β€œISKOLAR NG BAYAN”

Maaari ng magtungo sa tanggapan ng Municipal Youth Development Office (MYDO) upang makita ang listahan ng mga nakapasa sa aplikasyon ng Iskolar ng Bayan para sa taong 2026.



01/12/2025

PABATID: ISKOLAR NG BAYAN

Para sa lahat ng mga HINDI NAKAPAG-CLAIM ng kanilang ATM Cards noong mga nakaraang schedule at sa mga HINDI PA NAKAKATANGGAP NG TEXT MULA SA MARILENEWS, magkakaroon muli ng distribution ng ATM Cards sa darating na DECEMBER 6, 2025 sa ganap na 9:00 AM sa Municipal Atrium, Patubig, Marilao, Bulacan.

Ito na po ang HULING SCHEDULE para sa pag-claim ng ATM Cards.

Dalhin ang mga sumusunod:
-Scholar Booklet
-Valid ID
-β‚± 1.00 (Piso)

PAALALA: Hindi pinahihintulutang mag-claim ng ATM Cards ang magulang o kahit sino pa mang kamag-anak ng scholar. Mangyaring sundin ang itinakdang oras.




09/11/2025

JUST IN

MAHALAGANG PABATID MULA SA AMA NG LALAWIGAN

β€œBatay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), para sa kaligtasan at makapaghanda ang ating mga kalalawigan laban sa anumang pinsala at panganib na maaaring idulot ng super typhoon UWAN, idinedeklara ng inyong lingkod na mula ika-10 hanggang ika-11 ng Nobyembre 2025, ipatutupad sa buong lalawigan ng Bulacan ang mga sumusunod:

1. Suspensyon ng klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan;

2. Suspensyon ng trabaho sa lahat ng pampublikong tanggapan sa Lalawigan ng Bulacan, maliban sa mga tanggapan na nagbibigay ng emergency/health/social at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga mamamayan; at

3. Suspensyon ng trabaho sa lahat ng pribadong tanggapan sa Lalawigan ng Bulacan. Para sa mga piling pribadong tanggapan, iminumungkahi sa mga tagapamahala na magkaroon ng emergency work arrangement na isasaalang-alang ang balanse sa kaligtasan ng mga manggagawa at ang pangangailangan ng publiko ng kanilang serbisyo/produkto, tulad ng mga Grocery Store, Drug Store, restaurants, food establishments, at iba pang mga katulad na serbisyo/industriya. Ang work arrangements ay maaaring isagawa ayon sa applicable rules and regulations nang may pagpapahalaga at konsiderasyon sa karapatan ng mga trabahador.

Isang mataimtim na dalangin ng pagliligtas ng Poong Lumikha at tagubilin ng ibayong pag-iingat ng lahat , minamamahal kong mga kalalawigan!β€πŸ™

-GOBERNADOR Daniel R. Fernando

Want your business to be the top-listed Government Service in Marilao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Marilao Municipal Building, Patubig
Marilao
3018

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm