22/11/2022
Taos-pusong pasasalamat, Marileños at BUrkadas! Mula sa BuildUp team, paalam at nawa’y ipagpatuloy natin ang pagmamahal at pangangalaga sa ating kapaligiran.
Para sa mga updates, i-follow ang MENRO Marilao at MarileNews.
20/11/2022
UPDATE: Ang pagbabalik-tanaw sa fourth week ng Plastik Mo, Ipapalit Mo! program.
November 17 to 18, 2022 | Marilao Municipal Hall
!
18/11/2022
MAHALAGANG PABATID: Ang aming istasyon sa Munisipyo ay opisyal nang isinasara sapagkat umaga pa lamang ay bumuhos na ang inyong suporta. Ang lahat ng ating items, pagkain man o appliances, ay talagang tinangkilik ng mahal nating mga Marileños.
Salamat sa apat na linggong pagsama at pakikiisa sa amin, PlastiKadas! Mula sa BuildUp Team, saludo kami sa pag-aalaga ninyo sa ating kapaligiran. Nawa’y ipagpatuloy ninyo ang magandang adhikaing ito.
Plastik Mo, Ipapalit Mo! program is now signing off.
!
17/11/2022
Item check muna tayo, mga PlastiKadas! Narito ang mga available items as of November 17, Thursday.
Paalala: Bukas, November 18, Friday, ay last day na ng Plastik Mo, Ipapalit Mo! Program. Para sa mga nais pang humabol ay huwag nang magpatumpik-tumpik pa! Mangyaring bisitahin kami sa aming station bukas, mula 10AM hanggang 4PM lamang. Kitakits!
!
17/11/2022
Congratulations, BUrkadas!
Winner na winner talaga kayo, lalong lalo na sa pangangalaga sa ating kapaligiran. Nawa’y maging huwaran kayo sa ating kapwa Marileños dahil sa inyong TUNAY na malasakit at pagmamahal sa kalikasan, sa likod o harap man ng camera.
Sa mga nanalo, mangyaring padalhan kami ng message na naglalaman ng iyong cellphone number upang ma-claim ang inyong pa-premyo. Muli, congratulations sa inyo!
17/11/2022
KAA𝙇𝘼𝙈𝘼𝙉 SA 𝘽𝘼𝙎𝙐𝙍𝘼HAN!
Pamilyar ka ba sa limang proyekto ng Marilao tungkol sa Solid Waste Management? I-comment kung ilan ang alam mo sa mga nabanggit na programa, tingnan natin kung may tatak PlastiKada ka!
Para naman sa’yo, Marileño, na bago sa pandinig ang mga programang ito, it’s not too late! Read lang nang read, so that we can get rid of the plastics!