22/08/2026
PAUNAWA
Sa mga nagme-message po na hindi pa nahahatiran ng relief goods, lalo na po ang ating mga kabarangay sa Town and Country na lubog sa baha, nais ko lamang pong linawin ang naging sitwasyon kahapon.
Bagama’t kasama po namin si Mayor Jem Sy sa distribution, ang naatasan po talaga sa ruta at pamimigay ng relief goods ay ang mga taga-Barangay Hall.
Kung sa anumang kadahilanan ay hindi pa po kayo nabigyan, mangyari lamang po na maghintay at makipag-ugnayan sa ating mga barangay staff.
Ang relief goods na dala nila ngayong araw at sa mga susunod pa, ay parte at siya ring relief goods na ipinamahagi kahapon.
Ang grupo po namin, lalo na ang inyong lingkod, ay sumalubong lamang kay Mayor Jem Sy bilang paggalang at courtesy sa ating mahal na Mayora.
Hindi po kami ang naatasang maghatid ng relief goods sa bawat ruta.
Sana po ay maging mahinahon at mapagpasensya po tayo. Hintayin po natin ang relief goods na ihahatid ng ating barangay staff, alinsunod sa direktiba ng ating Mayor.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. ❤️