Kapitan Dante Malimban

Call Directions

Kapitan Dante Malimban Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kapitan Dante Malimban, Public & Government Service, Alasasin, Mariveles.

17/10/2026

Salamat sa tiwala, Sabertooth Battalion! Your exemplary service inspires our service. Mabuhay ang mga sundalong tunay na nagmamahal sa bayan.

Isang malaking karangalan po para sa akin na mapagkalooban ng Plaque of Appreciation mula sa Headquarters, 2nd Special Forces "SABERTOOTH" Battalion, Special Forces Regiment (Airborne), SOCOM, Philippine Army.

Taos-puso po akong nagpapasalamat kay LTC JERRY B. JAU'AN INF (GSC) PA, Commanding Officer, at sa buong pamilya ng Sabertooth Battalion na ginanap noong ika-16 ng Oktubre 2026 sa Camp General Servillano A. Aquino, San Miguel, Tarlac City.

Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa akin, kundi para sa bawat residente ng ating barangay na walang sawang sumusuporta sa Community Home Defense Operations (CHDO). Kung wala ang pakikiisa ninyo, wala ang pagkilalang ito.

Ang nakasulat sa plake na "exemplary service, steadfast commitment, and unwavering dedication" ay magsisilbing paalala sa akin na mas lalo pang pagbutihin ang serbisyo. Dahil ang tunay na layunin naman natin ay iisa lang - ang seguridad, kaunlaran, at katatagan ng ating komunidad.

Asahan po ninyo ng Philippine Army at ng Sabertooth na ang inyong lingkod, Hon. Florante R. Malimban, ay mananatiling katuwang ninyo sa pagtataguyod ng kapayapaan.

Hindi tayo titigil sa paglilingkod. Para sa barangay, para sa bayan!
Mabuhay ang 2nd Special Forces Sabertooth Battalion! Mabuhay ang Hukbong Katihan ng Pilipinas!

- Dante Malimban

Address

Alasasin
Mariveles

Telephone

+639662237151

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapitan Dante Malimban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share