31/08/2026
𝗠𝗔𝗚𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪, 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗩𝗘𝗟𝗘𝗡̃𝗢𝗦!
Atin pong ipinapaalam sa ating mga kababayan na magkakaroon ng 𝗦𝗔𝗠𝗘 𝗗𝗔𝗬 𝗥𝗘𝗤𝗨𝗘𝗦𝗧, 𝗦𝗔𝗠𝗘 𝗗𝗔𝗬 𝗥𝗘𝗟𝗘𝗔𝗦𝗘 ng 𝗣𝗦𝗔-𝗔𝘂𝘁𝗵𝗲𝗻𝘁𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗕𝗶𝗿𝘁𝗵, 𝗠𝗮𝗿𝗿𝗶𝗮𝗴𝗲, 𝗮𝘁 𝗗𝗲𝗮𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗿𝘁𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲𝘀 sa Huwebes ng umaga, September 3, 2026, sa Municipal Lobby.
Ang serbisyong ito ay libre at para lamang po sa 𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝟭𝟱𝟬 𝗮𝗽𝗹𝗶𝗸𝗮𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗿𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗼. Magdala ng Birth Certificate at Valid ID.
Sa pakikipagtulungan ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ng Lokal na Pamahalaan ng Mariveles sa pamamagitan ng Local Civil Registry Office (LCRO), patuloy po nating isinusulong ang digitalization ng mga serbisyo upang mapabilis at mapadali ang pagkuha ng mahahalagang dokumento para sa ating mga mamamayan.
Inaanyayahan po natin ang lahat na samantalahin ang programang ito. Maraming salamat po.