25/07/2026
๐๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ ๐ป๐ด ๐๐
๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฑ ๐ฐ๐ฃ๐ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐ฎ๐ฝ๐ฟ๐๐ฏ๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ป๐ฎ
Patuloy ang Social Housing Finance Corporation (SHFC) sa paghahatid ng ligtas at abot-kayang pabahay matapos aprubahan ang apat na bagong proyekto sa isinagawang Credit Committee meeting noong Hulyo 14 sa tanggapan ng ahensya sa Makati City.
Ang mga proyektong ito ay bahagi ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipinatutupad ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pamumuno ni Secretary Jose Ramon Aliling.
Sa pangunguna ni SHFC President and CEO Federico Laxa, kasama ang mga miyembro ng komite, inaprubahan ang dalawang proyekto sa ilalim ng Enhanced Community Mortgage Program (ECMP). Kabilang dito ang La Pureza Homeowners Association, Inc. (HOAI) sa Barangay Rizal, Silay City, Negros Occidental, na makikinabang ang halos 200 pamilya. Inaprubahan din ang aplikasyon ng Blessed Ville HOAI sa Barangay Poblacion, District 1, Brookeโs Point, Palawan, na magbibigay ng pagkakataon sa mahigit 160 pamilya na magkaroon ng sariling tahanan.
Inaprubahan rin ng komite ang dalawang proyekto sa ilalim ng 4PH vertical housing program. Kabilang dito ang Perez Ville CMP HOAI sa Barangay Larion Bajo, Tuguegarao City, na nakatakdang magbigay ng pabahay sa mahigit 1,800 pamilya, at ang 1Bataan Alas Asin Phase 1 sa Barangay Alas-asin, Mariveles, Bataan, na magiging tahanan ng mahigit 1,700 pamilya.
Kasama sa mga nagrepaso sa mga inaprubahang proyekto sina Executive Vice President Atty. Junefe Payot, Support Cluster Senior Vice President Atty. Leo Deocampo, Resettlement Services Vice President Bob Flores, at Finance and Comptrollership Vice President Dante Anabe.
Dumalo rin sa sesyon sina Title Unitization and Assets Management Vice President Marissa Diestro, Treasury Vice President Jason Yap, at Visayas and Mindanao Vice President Atty. Ronaldo S**o. Naroon din sina 4PH Central Head Prandy Vergara, High Density Housing Head Joseph Eisma, Palawan Branch Manager Jesus Eden Cidro, Bacolod Branch Manager Elmerado Viernes, at Cebu Branch Manager Randolph Librando.
Patunay ang pag-apruba sa mga proyektong ito sa patuloy na pagsisikap ng SHFC na palawakin ang access ng mga Pilipino sa disente, ligtas, at abot-kayang pabahay, kasabay ng pagsulong ng layunin ng administrasyong Marcos na mabigyan ng seguridad sa paninirahan ang mas maraming pamilyang Pilipino.
See less