Masantol PIO

Directions

Masantol PIO The official page of the Masantol Public Information Office

INSPECTION NG PUMPING STATION AT DRAINAGE SYSTEM SA MASANTOLNagsagawa ngayong araw ng ocular inspection si Municipal Adm...
09/10/2026

INSPECTION NG PUMPING STATION AT DRAINAGE SYSTEM SA MASANTOL

Nagsagawa ngayong araw ng ocular inspection si Municipal Administrator Atty. Jose Isagani Gonzales, kasama sina Konsehal Bernie Guevarra, Engr. Garry Viray ng MEBO, at Engr. Elisa Borsil ng MPDO, sa Sapang Marimla drainage area.

Kabilang sa mga sinuri ang natapos at gumaganang pumping station sa kahabaan ng Sapang Maragul, malapit sa Pantalan. Ito ay isa sa anim na proposed pumping stations para sa bayan.

Nagsagawa rin ng dry run upang masuri kung paano maiaagos ang naipong tubig-baha sa likuran ng palengke. Tiningnan ang posibleng pagkonekta ng mga baradong drainage canal sa kasalukuyang gumaganang pumping station upang makatulong sa pag-alis ng tubig sa lugar.

Patuloy ang pagsusuri sa mga posibleng solusyon upang mapabuti ang daluyan ng tubig at makatulong sa pagtugon sa pagbaha sa Masantol.

📢 FREE TESDA SCHOLARSHIP FOR MASANTOLEÑOS!Take advantage of this opportunity to learn new skills through these available...
09/10/2026

📢 FREE TESDA SCHOLARSHIP FOR MASANTOLEÑOS!

Take advantage of this opportunity to learn new skills through these available courses:

✅ Bread and Pastry Production NC II
✅ Electrical Installation and Maintenance NC II & III
✅ Shielded Metal Arc Welding NC II

📅 Enrollment: October 19, 2026
📌 Training Starts: October 26, 2026

Check the poster for qualifications and requirements.

For inquiries, contact Miss Kim Yoo Chun on Facebook.

Link: https://www.facebook.com/share/1DoVEXJJr8/
Contact no.: 0955 350 1636



GULAYAN SA BAYAN: DISTRIBUTION OF AGRICULTURAL INPUTSIsinagawa ang pagpupulong ng mga Barangay Women's Group Presidents ...
09/10/2026

GULAYAN SA BAYAN: DISTRIBUTION OF AGRICULTURAL INPUTS

Isinagawa ang pagpupulong ng mga Barangay Women's Group Presidents kasabay ng pamamahagi ng mga materyales at agricultural inputs sa pangunguna ng HVCDP Focal Person ng MAFSO.

Ang assistance ay mula sa Department of Agriculture Region III sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist's Office, sa suporta ni Governor Lilia “Nanay” Pineda at Mayor Danilo S. Guintu.



🏗️ SIMULA NA ANG KONSTRUKSYON NG MASANTOL LOCAL OFFICES BUILDINGSisimulan na ang konstruksyon ng Masantol Local Offices ...
08/10/2026

🏗️ SIMULA NA ANG KONSTRUKSYON NG MASANTOL LOCAL OFFICES BUILDING

Sisimulan na ang konstruksyon ng Masantol Local Offices Building, na magsisilbing bagong tanggapan ng ilang departamento ng LGU Masantol.

Layunin nitong magkaroon ng mas maayos at angkop na pasilidad para sa ating mga kawani at sa mas episyenteng paghahatid ng serbisyo sa bawat Masantoleno.

Patuloy ang LGU Masantol, sa pamumuno ni Mayor Danilo S. Guintu, sa pagpapaunlad ng mga pasilidad at imprastruktura ng ating bayan para sa mas mahusay na serbisyo publiko.




MASS ANTI-RABIES VACCINATION SA Barangay Sagrada Familia  Isinagawa ang Mass Anti-Rabies Vaccination sa Sagrada 2, Baran...
08/10/2026

MASS ANTI-RABIES VACCINATION SA Barangay Sagrada Familia

Isinagawa ang Mass Anti-Rabies Vaccination sa Sagrada 2, Barangay Sagrada Familia para sa mga alagang aso at pusa ng ating mga kabarangay.

Pinangunahan ito ng Livestock Focal Person mula sa Municipal Agriculture and Fisheries Services Office (MAFSO) bilang bahagi ng patuloy na programa ng LGU Masantol para sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga alagang hayop at komunidad.

Patuloy nating protektahan ang ating mga alagang hayop at panatilihing ligtas ang ating komunidad laban sa rabies.



📢 REAL PROPERTY TAX 2027 – ADVANCE PAYMENT DISCOUNTMagbayad nang mas maaga at makatipid sa inyong Real Property Tax (RPT...
07/10/2026

📢 REAL PROPERTY TAX 2027 – ADVANCE PAYMENT DISCOUNT

Magbayad nang mas maaga at makatipid sa inyong Real Property Tax (RPT) for 2027!

💰 20% DISCOUNT
📅 October 15, 2026 – December 15, 2026

💰 10% DISCOUNT
📅 January 4, 2027 – March 31, 2027

Discounts are applicable except on non-working days and holidays.

📌 PAALALA:
Ang mga bayad na maisasagawa pagkatapos ng March 31, 2027 ay hindi na maaaring mag-avail ng advance payment discount.

Simula April 2027, magkakaroon ng 8% penalty, at karagdagang 2% penalty sa bawat susunod na buwan ng pagkaantala.

Magbayad nang maaga. Iwas penalty, mas malaking tipid!




2ND DAY PAYOUT PARA SA ATING SENIOR CITIZENSIpinagpatuloy ngayong araw ang 3rd Quarter Social Pension Payout para sa mga...
06/10/2026

2ND DAY PAYOUT PARA SA ATING SENIOR CITIZENS

Ipinagpatuloy ngayong araw ang 3rd Quarter Social Pension Payout para sa mga benepisyaryong senior citizens sa Metroplaza at sa iba pang bahagi ng Right Bank ng Masantol.

Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), katuwang ang Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), ang pamamahagi ng social pension.

Sa pamumuno ni Mayor Danilo S. Guintu, patuloy ang LGU Masantol sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyong naglalayong mapangalagaan at masuportahan ang ating senior citizens.




TEACHERS’ DAY CELEBRATION SA MASANTOL HIGH SCHOOLNakibahagi si Mayor Danilo S. Guintu sa pagdiriwang ng Teachers’ Day sa...
05/10/2026

TEACHERS’ DAY CELEBRATION SA MASANTOL HIGH SCHOOL

Nakibahagi si Mayor Danilo S. Guintu sa pagdiriwang ng Teachers’ Day sa Masantol High School, kasama si Vice Mayor Lucia Liezle “Buday” Y. Guintu at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Naging bahagi ng programa ang mensahe ni Mayor Dan para sa mga g**o at mag-aaral. Nagkaroon din ng talakayan tungkol sa mga proyekto at programang binabalak para sa paaralan at mga mag-aaral.

Bilang munting regalo at pakikiisa sa pagdiriwang, nagpaabot din si Mayor Dan ng munting handog para sa mga g**o ng Masantol High School.

Maraming salamat sa Masantol High School sa imbitasyon at sa masayang pagdiriwang ng Teachers’ Day.




3RD QUARTER SOCIAL PENSION, IPINAMAHAGI SA MGA SENIOR CITIZENSIsinagawa ang 3rd Quarter Social Pension Payout para sa mg...
05/10/2026

3RD QUARTER SOCIAL PENSION, IPINAMAHAGI SA MGA SENIOR CITIZENS

Isinagawa ang 3rd Quarter Social Pension Payout para sa mga benepisyaryo mula sa Left Bank at Right Bank ng Masantol.

Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), katuwang ang Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), ang payout.

Sa pamumuno ni Mayor Danilo S. Guintu, patuloy ang LGU Masantol sa pagbibigay ng mga programa at serbisyong para sa kapakanan ng ating senior citizens.




MONDAY FLAG CEREMONY | LGU MASANTOLThe Monday Flag Ceremony was led by Rural Health Unit 2 (RHU 2), with Vice Mayor Luci...
05/10/2026

MONDAY FLAG CEREMONY | LGU MASANTOL

The Monday Flag Ceremony was led by Rural Health Unit 2 (RHU 2), with Vice Mayor Lucia Liezle “Buday” Y. Guintu in attendance.

RHU 2 Head Dra. Jeanne V. Tiangha-Gonzales shared the office’s accomplishments and highlights, including the upcoming Mental Health Caravan in schools and a medical mission sponsored by San Miguel Corporation, aimed at bringing healthcare services closer to the community.

Municipal Administrator Atty. Jose Isagani Gonzales also delivered a message during the ceremony.

A turnover of two e-bikes from PhilHealth to RHU 2 was also held to help improve the mobility of health workers and support the efficient delivery of healthcare services to the community.

[October 5, 2026]




Address

Masantol
2017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Masantol PIO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share