03/08/2026
𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐖𝐈𝐊𝐀, 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐘𝐒𝐀𝐘𝐀𝐍, 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐋𝐀𝐍
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, Kasaysayan, at ASEAN 2026, buong pagmamalaking nakiisa ang mga g**o at kawani ng 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐬𝐭𝐢𝐧𝐨 𝐃. 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 (𝐂𝐃𝐌𝐄𝐒) sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa pamamagitan ng pagsusuot ng kasuotang Pilipino, katutubo, at ASEAN.
Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 “𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐀𝐈: 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐥𝐢𝐤𝐬𝐢𝐤 𝐚𝐭 𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐘𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧.” Ipinapaalala nito na sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, mahalagang manatiling buhay, makabuluhan, at matatag ang ating sariling wika bilang bahagi ng ating pagkakakilanlan at pagka-Pilipino.
Nakibahagi rin sa makabuluhang pagdiriwang ang mga tauhan ng 𝐌𝐚𝐬𝐛𝐚𝐭𝐞 𝟐𝐧𝐝 𝐏𝐌𝐅𝐂, 𝐑-𝐏𝐒𝐁 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐁𝐮𝐠𝐚𝐧𝐠, bilang pagpapakita ng pakikiisa at suporta sa pagtataguyod ng ating wika, kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan.
𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠, 𝐩𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐢𝐭𝐚𝐠𝐮𝐲𝐨𝐝 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐰𝐢𝐤𝐚, 𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐥𝐚𝐧!