03/11/2026
𝐃𝐀𝐑 𝐌𝐚𝐬𝐛𝐚𝐭𝐞 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚
Sa opisyal na pagsimula ng selebrasyon ng 34th National Children's Month nitong Nobyembre 3, 2026, naki-isa ang DAR Masbate, kasama ang iba't-ibang ahensiya ng gobyerno, mga non-government organizations, at iba pang mga child-focused stakeholders, upang magpakita ng suporta sa Kick-Off Ceremony & Motorcade, sa Provincial Capitol Grounds, Masbate City.
May temang "Manindigan! Tumugon at Kumalinga: sa Batang Handa, Mas Ligtas ang Bansa," pinangunahan ng mga kabataan na mga bagong miyembro ng Masbate Provincial Council for the Protection of Children (MPCPC) ang paunang bahagi ng programa na sinundan kalaunan ng kanilang panunumpa bilang mga bagong halal ng MPCPC.
Ang DAR Masbate ay naniniwalang hawak ng kabataan ang liwanag ng kinabukasan ng ating bansa kaya naman buo ang pakikiisa ng ahensiya upang matulungan silang mabigyan ng proteksiyon sa pangaabuso, eksploytasyon, kapabayaan, at karahasan. Sinisiguro din ng ahensiyang nabibigyan sila ng boses, kinikilala at tinataguyod ang kanilang mga karapatan, at nabibigyang prayoridad ang kanilang kapakanan.