02/10/2026
Ngayong Oktubre, nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Masinloc, sa pangunguna ni ๐๐จ๐ง. ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐๐ณ๐๐ฅ ๐. ๐๐ข๐ฆ, ๐๐จ๐ง. ๐๐ข๐๐ ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ซ๐ฌ๐๐ง๐ข๐ ๐. ๐๐ข๐ฆ, ๐๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง, ๐๐ญ ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐จ, sa pagdiriwang ng ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก.
Ang iyong nararamdaman ay mahalaga. Hindi mo kailangang harapin ang lahat nang mag-isa.
Sa bawat pag-aalala, pagod, lungkot, o pagsubokโmay handang makinig sa 'yo. Huwag matakot na magsabi, humingi ng tulong, at makipag-usap.
Kaakibat nito ay ang pagpapahalaga sa kaligtasan ng bawat pamilya sa pamamagitan ng paglaban sa lahat ng uri ng pang-aabuso.
Kung ikaw ay nakararanas ng matinding kabagabagan, problema sa kalusugan ng pag-iisip, o nakararanas ng pang-aabuso at karahasan, huwag mag-atubiling tumawag o mag-text. Handa kaming makinig at umalalay sa iyo anumang oras.
๐ Makasisiguro sa Confidentiality:
Lahat ng makikipag-ugnayan ay titiyaking ligtas at tratatuhin nang may buong pag-iingat (strict confidentiality).
Ating tandaan na ang kalusugan ng ating isip at emosyon ay kasing-halaga ng ating pisikal na kalusugan. Walang mali o ikahihiya sa paghingi ng tulongโsaan ka man naroroon o ano man ang iyong pinagdaraanan, may kasama ka.
Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na may malasakit, may pag-unawa, at may puwang para sa mental health.
Ngayong Mental Health Month, ipaalala natin sa ating mga mahal sa buhay: "๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ ๐ค๐? ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ค๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฌ๐ '๐ฒ๐จ."
๐๐/๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
# Mayor Hazel Jalata Lim
# Serbisyon Potog nin Masinloc