19/06/2026
“Sir, buti pa po kayo, nakapunta na ng Jollibee. Ako po, hindi pa.”
Ito ang simpleng kahilingang binitiwan ng isang batang Sadsaranin. Dahil dito, naisipan namin na magtulungan at mag-ambagan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga batang nagnanais na makapunta sa bagong bukas na Jollibee Mauban.
Hunyo 18, 2026 | Matagumpay na isinagawa ng 15th Special Forces Company ang Conqueror's Jollibee Kiddie Treat sa pamumuno ni Cpt Jerryl S. Subol, Commanding Officer, sa pakikipagtulungan at suporta ni Hon. Rosennette M. Lapiña, Punong Barangay ng Sadsaran, at sa tulong ng aming mga mabubuting kaibigan.
Taos-pusong pasasalamat para kina:
-Doc Eric Bim Delos Reyes
-Engr. Ading Diongson
- Jhung Labastin
- RAPID Mauban
- QMRP Mauban
Lalong naging masaya at makabuluhan ang programa sa pagbisita ni Jollibee at sa pagbibigay ng natatanging karanasan sa 68 batang Sadsaranin.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng gawaing ito. Ang inyong kabutihang-loob ay naghatid ng mga ngiti at masasayang alaala sa ating mga kabataan.