Mauban Gender and Development Office

Directions

Mauban Gender and Development Office Empowering.

Matagumpay na isinagawa ang GAD Seminar and Team Building ng Barangay Macasin noong Setyembre 19–20, 2026 sa Villa Rosal...
22/09/2026

Matagumpay na isinagawa ang GAD Seminar and Team Building ng Barangay Macasin noong Setyembre 19–20, 2026 sa Villa Rosalinda Resort, Brgy. San Miguel, Mauban, Quezon.

Sa pamamagitan ng makabuluhang talakayan, mga gawaing pangkat, at team-building activities, nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na higit na mapalawak ang kanilang kaalaman at kakayahan sa Gender and Development (GAD) at sa pagsusulong ng pantay na karapatan at pagkakataon para sa lahat.

Ang aktibidad ay naglalayong hubugin ang mga GAD Champions na handang makiisa, kumilos, at maging katuwang sa pagbuo ng isang gender-responsive, inclusive, at progresibong barangay.

GAD Champions: Sama-sama sa Pagkilos, Pantay-pantay sa Pag-unlad!

Ang gawaing ito ay pinangunahan ng mga iginagalang na opisyal ng Barangay Macasin sa pakikipagtulungan sa GAD Office na pinamumunuan ni Dr. Angelo Shan E. Mendoza, GAD Focal Person, sa ilalim ng pamumuno ng ating Punongbayan, Ninong Erwin Pastrana, kasama ang Sangguniang Bayan na pinamumunuan ng Pangalawang Punongbayan Alween Sardea.










𝐆𝐀𝐃 π“π‘π€πˆππˆππ† 𝐀𝐍𝐃 π’π„πŒπˆππ€π‘ - ππ€π‘π€ππ†π€π˜ ππ€π†πŽππ† ππ€π˜π€πMatagumpay na isinagawa ang GAD Training and Seminar ng Barangay Bagong ...
17/09/2026

𝐆𝐀𝐃 π“π‘π€πˆππˆππ† 𝐀𝐍𝐃 π’π„πŒπˆππ€π‘ - ππ€π‘π€ππ†π€π˜ ππ€π†πŽππ† ππ€π˜π€π

Matagumpay na isinagawa ang GAD Training and Seminar ng Barangay Bagong Bayan noong Setyembre 14, 2026, ganap na ika-1:00 ng hapon, sa Lumberios Travel Inn and Beach Resort, Brgy. Cagsiay I, Mauban, Quezon.

Sa temang β€œPantay na Karapatan, Pantay na Pagkakataon para sa Gender-Responsive na Barangay,” layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman at kamalayan ng mga kalahok tungkol sa Gender and Development (GAD) at sa kahalagahan ng pagkakapantay-pantay, paggalang sa karapatan, at pagbibigay ng pantay na oportunidad para sa bawat kasarian.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkatuto at pakikilahok, patuloy nating itinataguyod ang isang inklusibo, makatarungan, ligtas, at gender-responsive na Barangay Bagong Bayan.

Pantay na Karapatan. Pantay na Pagkakataon. Sama-samang Pag-unlad!

Ang gawaing ito ay pinangunahan ng mga iginagalang na opisyal ng Barangay Bagong Bayan sa pakikipagtulungan sa GAD Office na pinamumunuan ni Dr. Angelo Shan E. Mendoza, GAD Focal Person, sa ilalim ng pamumuno ng ating Punongbayan, Ninong Erwin Pastrana, kasama ang Sangguniang Bayan na pinamumunuan ng Pangalawang Punongbayan Alween Sardea.

11/09/2026
𝐆𝐀𝐃 π’π„πŒπˆππ€π‘ – ππ€π‘π€ππ†π€π˜ 𝐂𝐀𝐆𝐁𝐀𝐋𝐄𝐓𝐄 𝐈Isang mahalagang talakayan para sa mas ligtas, pantay, at responsableng komunidad! Isi...
11/09/2026

𝐆𝐀𝐃 π’π„πŒπˆππ€π‘ – ππ€π‘π€ππ†π€π˜ 𝐂𝐀𝐆𝐁𝐀𝐋𝐄𝐓𝐄 𝐈

Isang mahalagang talakayan para sa mas ligtas, pantay, at responsableng komunidad!

Isinagawa ang GAD Seminar ng Barangay Cagbalete I ngayong Setyembre 11, 2026, mula 9:00 umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Marlorica Resort, Mauban, Quezon.

Tinalakay sa seminar ang mahahalagang paksa tungkol sa:

Digital Gender-Based Violence – Online Harassment, Cyberbullying at Online Sexual Abuse
Safe Spaces – Pag-iwas sa Sexual Harassment sa Barangay, Lugar ng Trabaho at Online

Layunin ng gawaing ito na palawakin ang kaalaman at kamalayan ng bawat isa upang makaiwas sa iba’t ibang anyo ng harassment at pang-aabuso, maging responsable sa paggamit ng teknolohiya, at makatulong sa pagbuo ng ligtas, magalang, at gender-responsive na komunidad.

Kaalaman ang unang hakbang tungo sa proteksyon at pagbabago. Sama-sama nating itaguyod ang Safe Spaces para sa lahat!

Ang gawaing ito ay pinangunahan ng mga iginagalang na opisyal ng Barangay Cagbalete I sa pakikipagtulungan sa GAD Office na pinamumunuan ni Dr. Angelo Shan E. Mendoza, GAD Focal Person, sa ilalim ng pamumuno ng ating Punongbayan, Ninong Erwin Pastrana, kasama ang Sangguniang Bayan na pinamumunuan ng Pangalawang Punongbayan Alween Sardea.

𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 πŠπˆππ€ππ”πŠπ€π’π€π: ππ€π†ππ€ππ€π‹π€π–π€πŠ 𝐍𝐆 πŠπ€π’π€ππ€π˜π€π, ππ€π†π‹πˆπŠπ‡π€ 𝐍𝐆 πŒπ€π’ πŒπ€π†π€ππƒπ€ππ† πŽππŽπ‘π“π”ππˆπƒπ€πƒ 𝐒𝐀 πŠπ€ππ€ππ€πˆπ‡π€π 𝐍𝐆 πŒπ€π”ππ€πNagsan...
10/09/2026

𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 πŠπˆππ€ππ”πŠπ€π’π€π: ππ€π†ππ€ππ€π‹π€π–π€πŠ 𝐍𝐆 πŠπ€π’π€ππ€π˜π€π, ππ€π†π‹πˆπŠπ‡π€ 𝐍𝐆 πŒπ€π’ πŒπ€π†π€ππƒπ€ππ† πŽππŽπ‘π“π”ππˆπƒπ€πƒ 𝐒𝐀 πŠπ€ππ€ππ€πˆπ‡π€π 𝐍𝐆 πŒπ€π”ππ€π

Nagsanib-puwersa ang Barangay Baao, Balaybalay, Polo, Santol, at Sto. NiΓ±o para sa isang makabuluhang Gender and Development (GAD) Skills Training na nakatuon sa paggawa ng doormat at potholder noong Setyembre 8, 2026, sa Niyogyugan Hall, Brgy. Rizaliana, Mauban, Quezon.

Sa temang β€œWeaving Futures: Enhancing Craftsmanship, Creating Sustainable Opportunities”, layunin ng pagsasanay na matulungan ang mga kalahok na matuto ng mga bagong kasanayan na maaari nilang magamit bilang dagdag na pagkakakitaan at oportunidad sa kabuhayan.

Hindi lamang simpleng paggawa ng doormat at potholder ang natutuhan sa pagsasanay. Higit sa lahat, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong matuto, makibahagi, magpalitan ng kaalaman, at matuklasan ang kanilang kakayahan na maaaring maging daan tungo sa mas matatag na kabuhayan.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng limang barangay, ipinakita natin na mas maraming oportunidad ang nabubuo kapag sama-sama ang komunidad.

Ang gawaing ito ay pinangunahan ng mga iginagalang na mga Punong Barangay sa pakikipagtulungan sa GAD Office na pinamumunuan ni Dr. Angelo Shan E. Mendoza, GAD Focal Person, sa ilalim ng pamumuno ng ating Punong Bayan, Ninong Erwin Pastrana, kasama ang Sangguniang Bayan na pinamumunuan ng Pangalwang Punong Bayan Alween Sardea.

Sama-sama tayong lumalala ng kasanayan.
Sama-sama tayong lumilikha ng oportunidad.
Sama-sama nating binubuo ang mas matatag at mas maunlad na komunidad.

04/08/2026
01/03/2026

𝐍𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧𝐚π₯ π–π¨π¦πžπ§β€™π¬ 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐑 πŸπŸŽπŸπŸ”

Sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Ninong Erwin Pastrana, katuwang ang namumuno sa sektor ng mga kababaihan sa ating bayan, Ninang Tess J. Pastrana, at sa ngalan ng Pamahalaang Lokal ng Maubanβ€” kami po ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month bilang pagpupugay sa mahalagang papel ng kababaihan hindi lamang bilang mga lider, propesyonal, at katuwang sa ating komunidad, kundi bilang haligi ng tahanan at ilaw ng pamilya.

Sa bawat ina, lola, ate, kapatid, g**o, manggagawa, lider, at kabataang babae, kayo ang inspirasyon ng ating bayan. Patuloy ninyong hinuhubog ang mas maliwanag na bukas para sa susunod na henerasyon.

Muli po, maligayang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan! πŸ’œ


Address

Municipal Hall
Mauban
4330

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mauban Gender and Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share