08/10/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
Alam mo ba na ang mga Lokal na Pamahalaan ay kinakailangang kumuha ng Authority to Purchase Motor Vehicles mula sa DILG para sa mga sasakyang saklaw ng awtoridad nito?
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 35th Local Government Month ngayong Oktubre 2026, tampok natin ang isa sa mga frontline services ng DILG na sumusuporta sa mas episyente, responsable, at maayos na pamamahala sa lokal na antas.
๐ SINO ANG MAAARING MAG-APPLY?
Maaaring mag-apply ang mga Pamahalaang Panlalawigan, Panlungsod, Pambayan, at Barangay.
๐ PAANO MAG-APPLY?
1๏ธโฃ Pagsusumite โ Ihain ang mga kinakailangang dokumento sa C/MLGOO o DILG Field Office.
2๏ธโฃ Pagsusuri โ Susuriin at ebalwasyon ng DILG ang mga dokumento alinsunod sa umiiral na mga patakaran.
3๏ธโฃ Pag-apruba โ Iisyu ng DILG ang Authority to Purchase kapag natugunan ang mga kinakailangan.
4๏ธโฃ Pagbili โ Maaari nang isagawa ng LGU ang pagbili ng sasakyan alinsunod sa naaprubahang awtoridad at mga batas sa procurement.
๐ ANO ANG MGA KINAKAILANGANG DOKUMENTO?
Kabilang dito ang Citizen's Charter Service Request Form (CCSRF), request letter ng Local Chief Executive, Certificate of Availability of Funds, kaukulang ordinansa at resolusyon, at updated inventory ng mga sasakyan ng LGU.
๐ก TANDAAN: Ang maayos na proseso ng pagbili ng mga sasakyan ng pamahalaan ay mahalaga upang matiyak ang wastong paggamit ng pondo ng bayan at mas mahusay na paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.
๐ข Para sa kumpletong detalye ng mga kinakailangan at proseso, basahin ang infographic sa ibaba.