LTO Region 1 Drive Better to Enjoy Safe Travel

Directions Contact the organization

LTO Region 1 Drive Better to Enjoy Safe Travel Region 1 drivers: Buckle up for DBEST! This Land Transportation Office Region 1 campaign urges you to Drive Better, Enjoy Safe Travel.

Focus on skill, follow rules, and relish the ride. Let's make Region 1 roads the safest!

05/10/2026

๐‹๐“๐Ž, ๐๐ˆ-๐‘๐„๐•๐Ž๐Š๐„ ๐€๐๐† ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐๐† ๐ƒ๐‘๐€๐˜๐๐„๐‘ ๐๐€ ๐๐€๐†๐•๐ˆ-๐•๐ˆ๐ƒ๐„๐Ž ๐‡๐€๐๐€๐๐† ๐๐€๐†๐Œ๐€๐Œ๐€๐๐„๐‡๐Ž ๐€๐“ ๐๐€๐†๐๐ˆ๐“๐€๐– ๐๐† ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐€๐๐†๐Š๐Ž๐ ๐๐€ ๐Š๐Ž๐Œ๐„๐๐“๐Ž ๐’๐€ ๐ˆ๐๐’๐ˆ๐ƒ๐„๐๐“๐„ ๐’๐€ ๐Š๐€๐‹๐’๐€๐ƒ๐€

Binawi ng Land Transportation Office (LTO), sa pangunguna ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang lisensya ng isang drayber matapos mapatunayang lumabag sa batas-trapiko dahil sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho upang kunan ng video ang isang insidente sa kalsada, kung saan narinig din ang hindi angkop nitong komento.

Dumalo ang drayber sa isinagawang pagdinig ng LTO kaugnay ng insidente. Batay sa naging pagtalakay at imbestigasyon ng ahensya, napatunayang nilabag ng drayber ang Anti-Distracted Driving Act matapos nitong sadyang magdahan-dahan sa gitna ng mabigat na daloy ng trapiko upang kunan ng video ang insidente habang nagmamaneho. Narinig din sa video ang komento nitong, โ€œSayang naman, hindi pa namatay,โ€ kung saan tinutukoy nito ang insidenteng tinutugunan ng mga law enforcer. Ang paggamit niya ng cellphone habang nagmamaneho at ang pagpapabagal ng takbo upang kumuha ng video ay nagdulot ng panganib sa kaligtasan ng drayber at ng iba pang motorista.

Natuklasan din sa imbestigasyon na mayroon nang naunang rekord ang drayber sa local government unit (LGU) traffic enforcement kaugnay ng dati nitong paglabag na counterflow.

Dahil dito, idineklara ang sangkot na drayber bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na naging batayan ng pagpapataw ng ahensya ng revocation sa kanyang driverโ€™s license.

Samantala, kusang isinuko ng drayber ang kanyang lisensya, habang nananatiling nasa alarm status ang sasakyan bilang bahagi ng kaukulang aksyon ng ahensya.

โ€œHindi biro ang isang insidenteng may nasaktan o nalagay sa panganib, kaya hindi dapat balewalain ang anumang kilos ng motorista na maaaring magdulot ng panganib sa kalsada. Sa kasong ito, malinaw na may pananagutan ang drayber sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho at sa kanyang naging kilos sa insidente. Dahil dito, ipinataw ng LTO ang kaukulang aksyon alinsunod sa umiiral na batas,โ€ ani Asec. Lacanilao.

Muling hinihikayat ng LTO ang mga motorista na maging responsable sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho at panatilihin ang maayos na asal sa kalsada. Hinihikayat din ang publiko na agad i-report sa LTO ang anumang insidente o paglabag na kanilang nasasaksihan upang maaksyunan at maimbestigahan ng ahensya.

๐‹๐“๐Ž ๐๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ฌ ๐…๐ซ๐ž๐ž ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž๐ซ ๐ญ๐จ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ ๐ข๐ง ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง ๐ŸIn support of President Ferdinand R. Marcos Jr.โ€™s advo...
05/10/2026

๐‹๐“๐Ž ๐๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ฌ ๐…๐ซ๐ž๐ž ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž๐ซ ๐ญ๐จ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ ๐ข๐ง ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ

In support of President Ferdinand R. Marcos Jr.โ€™s advocacy of bringing government services closer to the people, the Land Transportation Office (LTO) Region I conducted simultaneous Free Theoretical Driving Courses (TDC) in Ilocos Sur and Pangasinan on October 3โ€“4, 2026, expanding access to driver education and road safety awareness in local communities.

The LTO San Ildefonso District Office, in partnership with the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), conducted a two-day Free TDC at the Cabugao Farmers Hall in Cabugao, Ilocos Sur, providing participants with an opportunity to gain essential knowledge on traffic rules, road signs, and responsible driving practices without the need to travel far from their community.

Simultaneously, the LTO Binalonan District Office, in cooperation with the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), concluded its two-day Free TDC at the LTO Binalonan District Office in Pangasinan, extending driver education opportunities to more community members.

These initiatives reflect the government's continuing efforts to make public services more accessible, inclusive, and responsive to the needs of the people. Through partnerships with other government agencies, LTO Region I brings essential services and educational opportunities closer to communities while promoting a culture of road safety and responsible driving.

The Free TDC also serves as an important step toward developing knowledgeable and responsible drivers who understand the importance of complying with traffic laws and contributing to safer roads.

The initiative is undertaken under the guidance of Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez and LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.

The program is implemented under the leadership of Regional Director Glorioso Daniel Z. Martinez and Assistant Regional Director Engr. Eric C. Suriben, reinforcing the agency's commitment to accessible government service, community engagement, and road safety education.

By bringing services closer to the people, LTO Region I continues to turn public service into meaningful opportunities for communities to learn, participate, and contribute to safer roads.











05/10/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐…, ๐€๐†๐€๐ƒ ๐๐€ ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†-๐”๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐๐€๐†-๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐Ž๐“๐Ž๐‘๐’๐ˆ๐Š๐‹๐Ž ๐€๐“ ๐๐€๐†๐’๐”๐’๐๐ˆ๐๐ƒ๐„ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐‘๐ˆ๐ƒ๐„๐‘ ๐๐€ ๐’๐€๐๐†๐Š๐Ž๐“ ๐’๐€ ๐ˆ๐‹๐„๐†๐€๐‹ ๐๐€ ๐Š๐€๐‘๐„๐‘๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐’๐€๐๐„๐‹๐€

Agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa pangunguna ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, kaugnay ng insidente ng ilegal na karera sa San Agustin, Isabela na ginanap noong Oktubre 3โ€“4, 2026, bilang bahagi ng San Agustin Eco-Tourism Ride 2026 (SAECv3).

Matapos makarating sa ahensya ang viral na video, agad na tinukoy ng ahensya ang apat na organizer ng naturang aktibidad at naglabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa kanila kaugnay ng nasabing insidente. Batay sa video na naging batayan ng aksyon ng LTO, makikita ang ilang kalahok na nagmamaneho nang mapanganib, hindi sumusunod sa itinakdang speed limit, at hindi nagsasagawa ng kinakailangang pag-iingat sa pagmamaneho. Ayon din sa police report na nakalap ng ahensya, nagresulta ang insidente sa pisikal na pinsala at pagkasira ng mga ari-arian.

Sa inilabas na SCO, inaatasan ang mga organizer na tukuyin ang mga rider na sangkot sa insidente at humarap sa tanggapan ng LTO. Inaatasan din silang magsumite ng kanilang paliwanag sa loob ng tatlong araw mula sa pagtanggap ng SCO upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa anumang pananagutang administratibo kaugnay ng pag-oorganisa at pagsasagawa ng naturang aktibidad.

Samantala, bilang bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng mga batas-trapiko ng LTO, susuriin din ng ahensya ang legalidad ng Waiver of Liability na nilagdaan ng mga kalahok ng SAECv3. Nakasaad dito na batid at tinatanggap ng mga kalahok ang mga panganib ng kanilang paglahok, kabilang ang kanilang pananagutan sa sariling kaligtasan, asal, kondisyon ng sasakyan, at pagsunod sa mga batas trapiko at event rules, pati na ang anumang apprehension, multa o parusang maaaring resulta ng sarili nilang paglabag.

โ€œHindi dapat nag-oorganisa o sumasali sa isang aktibidad na nauuwi sa paglabag sa batas-trapiko. Lalo na kung malinaw naman sa mga kalahok ang kanilang responsibilidad bilang mga motorista at alam nila ang mga panganib na maaaring idulot ng kanilang mga kilos sa kalsada," pahayag ni Asec. Lacanilao.

โ€œSa LTO, walang paglabag na dapat balewalain. Anumang insidente ng paglabag sa batas trapiko ay makararating sa aming tanggapan at tiyak na haharap sa kaukulang aksyon. Patuloy naming ipatutupad ang batas upang mapanagot ang mga lumalabag at mapanatiling ligtas ang ating mga kalsada.โ€ dagdag niya.

Samantala, sa sandaling matukoy ang mga rider na sangkot sa insidente, iniutos ni Asec. Lacanilao na ilagay sa alarm status ang kanilang mga motorsiklo at ipatupad ang 90-araw na preventive suspension sa kanilang mga lisensya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Maaari ring patawan ng kaukulang parusa ang mga mapatutunayang lumabag sa umiiral na batas trapiko kabilang ang mga naaangkop na probisyon ng Section 48 ng Republic Act No. 4136.

Binigyang-diin ng LTO na ang pagsasagawa ng anumang organisadong aktibidad sa kalsada ay may kaakibat na pananagutan sa kaligtasan ng publiko. Anuman ang layunin ng isang pagtitipon, dapat laging manaig ang disiplina, pag-iingat, at paggalang sa kaligtasan ng ibang motorista at ng publiko. Bilang mga lisensyadong drayber, tungkulin ng bawat isa na gamitin ang kanilang pribilehiyo sa pagmamaneho nang responsable at alinsunod sa batas, sa lahat ng pagkakataon.

05/10/2026

๐Ÿšจ ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ ๐Ÿšจ

Matapos ang isinagawang imbestigasyon ng ahensya, ipinataw ng Land Transportation Office (LTO) ang apat na taong revocation ng driverโ€™s license ng drayber ng pampasaherong jeep na sangkot sa insidenteng ikinasawi ng backrider ng isang motorsiklo sa Ortigas Avenue, Cainta, Rizal noong Setyembre 20, 2026.

Batay sa mga ebidensiyang nasa rekord at mga dokumentong nakalap kaugnay ng insidente, napatunayang may sapat na batayan upang patawan ng kaukulang pananagutan ang naturang drayber. Sa naturang insidente, bumangga ang pampasaherong jeep sa likurang bahagi ng motorsiklo habang minamaniobra ito mula sa gitnang lane patungo sa inner lane sa westbound lane ng Ortigas Avenue. Dahil dito, nahulog ang drayber at backrider ng motorsiklo, kung saan kalaunan ay nasawi ang backrider.

Kabilang sa mga paglabag na napatunayan laban sa drayber ang Reckless Driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na naging batayan sa pagbawi ng kanyang driverโ€™s license sa loob ng apat na taon.

Samantala, tinukoy rin ang pananagutan ng rehistradong may-ari o operator ng naturang pampasaherong jeep sa kasong Employing a Reckless Driver.

Nananatiling naka-alarm naman ang naturang pampasaherong jeep.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng naunang inilabas ng ahensya tungkol sa insidenteng ito, maaaring bisitahin ang link sa ibaba:

https://www.facebook.com/share/p/1CDpTx1VHy/?mibextid=wwXIfr

02/10/2026
๐‹๐“๐Ž ๐‹๐š๐จ๐š๐ , ๐ƒ๐ˆ๐‚๐“ ๐๐ซ๐ข๐ง๐  ๐…๐ซ๐ž๐ž ๐–๐ข-๐…๐ข ๐‚๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž๐ซ ๐ญ๐จ ๐ˆ๐ฅ๐จ๐œ๐จ๐ฌ ๐๐จ๐ซ๐ญ๐ž ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œGetting government services online is set to become easier...
02/10/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‹๐š๐จ๐š๐ , ๐ƒ๐ˆ๐‚๐“ ๐๐ซ๐ข๐ง๐  ๐…๐ซ๐ž๐ž ๐–๐ข-๐…๐ข ๐‚๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž๐ซ ๐ญ๐จ ๐ˆ๐ฅ๐จ๐œ๐จ๐ฌ ๐๐จ๐ซ๐ญ๐ž ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ

Getting government services online is set to become easier for the people of Ilocos Norte as the Land Transportation Office (LTO) Laoag District Office becomes one of the beneficiaries of the Free Wi-Fi for All Program, through its partnership with the Department of Information and Communications Technology (DICT).

DICT technical personnel began installing the necessary equipment at the LTO Laoag District Office today, October 1, 2026, paving the way for free Wi-Fi service for clients, personnel, and other stakeholders.

Once operational, the service will help the public conveniently access online information, digital government platforms, and other essential services while transacting at the office.

The initiative advances digital inclusion and accessible public service, supporting the governmentโ€™s efforts to use technology to make services more responsive to the needs of Filipinos.

It also supports the vision of President Ferdinand โ€œBongbongโ€ R. Marcos Jr. for a โ€œBayang Digital,โ€ where technology helps bring government services closer to the people.

The initiative is being implemented under the guidance of DOTr Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez and LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, and under the leadership of LTO Region I Regional Director Glorioso Daniel Z. Martinez, with Assistant Regional Director Engr. Eric C. Suriben.

Through partnerships that harness technology for public service, the LTO Laoag District Office continues to take meaningful steps toward a more accessible and efficient government service experience for the people of Ilocos Norte.











02/10/2026

For the Procurement of Security Services covering the period of January 1, 2027 to December 31, 2027

01/10/2026
01/10/2026

FOR WIDEST DISSEMINATION
011026-14 EQ INFO No. 2 Nueva Era (Ilocos Norte)
>Date/Time of occurrence: 01Oct26, 2:42PM
>Location: 17.96ยฐN, 120.89ยฐE - 019 km S 41ยฐ E of Solsona (Ilocos Norte)
>Depth of Focus: 008
>Origin: Tectonic
>Magnitude: Ms 4.4
>Reported Intensities:
>>Intensity III- Marcos, Ilocos norte
>>Intensity II- San juan, and Sinait, Ilocos sur ; Pasuquin, Ilocos Norte;
>Instrumental Intensities:
>>Intensity II - City of Batac, ILOCOS NORTE; Sinait, ILOCOS SUR
>>Intensity I - Bangued, ABRA; Bacarra, San Nicolas, ILOCOS NORTE
>Expecting Damage: No
>Expecting Aftershocks: No
>Date/Time of issuance: 01Oct26, 3:17PM
>Take precautionary measures.
>For more information, visit the DOST-PHIVOLCS website.

01/10/2026

๐Ÿšจ ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ ๐Ÿšจ

Matapos ang isinagawang pagdinig laban sa drayber at rehistradong may-ari ng SUV na sangkot sa insidenteng ikinasawi ng isang apat na taong gulang na bata habang tumatawid sa kalsada sa Pasig City, ipinataw ng Land Transportation Office (LTO) ang Perpetual Revocation o Lifetime Ban sa pagkuha ng lisensya laban sa sangkot na drayber.

Matatandaang naglabas ang LTO ng Show Cause Order (SCO) laban sa drayber at rehistradong may-ari ng SUV matapos mabundol ang bata habang tumatawid sa F. Victorino Street, malapit sa Arch Bambang, Pasig City.

Batay sa isinagawang pagdinig at sa mga nakalap na impormasyon, napatunayang lumabag ang drayber sa Reckless Driving at idineklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na nagresulta sa Perpetual Revocation o Lifetime Ban sa pagkuha ng lisensya.

Nananatiling nasa alarm status ang sasakyan ng sangkot na drayber bilang bahagi ng pagpapatupad ng kaukulang aksyon ng LTO.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring basahin ang unang pahayag ng ahensya kaugnay sa insidenteng ito:

https://www.facebook.com/share/p/19WWFhUr97/

Address

Metro Manila

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Region 1 Drive Better to Enjoy Safe Travel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LTO Region 1 Drive Better to Enjoy Safe Travel:

Share