DOST 1 - Department of Science and Technology Regional Office No. 1

DOST 1 - Department of Science and Technology Regional Office No. 1

Share

Spearheading and Championing Innovations Geared towards Leveraging and Accelerating Technologies in Ilocos Region

DOST-1 Sciglat! ISO 9001:2015 Certified

Under Executive Order (EO) No. 128., then National Science and Technology Board or NSTA was elevated to become the Department of Science and Technology or DOST on January 30, 1987. It was also authorized to establish regional or field extension offices, thus the birth of the Department of Science and Technology Regional Office in Region 1. Three years later, the Provincial S&T Centers or PSTCs

02/06/2026

๐๐š๐ง๐ญ๐š๐ฒ ๐”๐ฅ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง: ๐ƒ๐Ž๐’๐“-๐๐€๐†๐€๐’๐€ ๐ˆ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐š๐  ๐š๐ง๐  ๐”๐ ๐ง๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‡๐š๐›๐š๐ ๐š๐ญ, ๐„๐ฅ ๐๐ขรฑ๐จ, ๐š๐ญ ๐‡๐ž๐š๐ญ ๐ˆ๐ง๐๐ž๐ฑ ๐ฌ๐š ๐†๐ข๐ญ๐ง๐š ๐ง๐  ๐๐š๐›๐š๐ ๐จ-๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง

Sa gitna ng nararanasang matinding sikat ng araw na sinasabayan ng biglaang pagbuhos ng ulan sa hapon, patuloy na pinaiigting ng Department of Science and Technology Ilocos Region (DOST Ilocos Region) ang pagbibigay ng mga napapanahong impormasyon ukol sa lagay ng panahon at klima sa bansa. Bilang tugon sa mga katanungan ng publiko matapos ang Episode 8 ng Tekno PreSyensya, muling naghatid ang ahensya ng talakayan sa pamamagitan ng Episode 10 na pinamagatang โ€œBantay Ulat Panahon: Habagat-El Niรฑo Outlook and Heat Index Monitoring.โ€ Tampok muli sa programa si Engr. Mark Louie A. Vergara, Weather Specialist II ng Northern Luzon-West Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), na nagbigay-linaw sa kasalukuyang lagay ng panahon at mga inaasahang pagbabago sa mga susunod na buwan.

Ipinaliwanag ni Engr. Vergara na nananatiling nasa neutral condition ang bansa, ngunit may mataas na posibilidad na mabuo ang isang malakas na El Niรฑo sa pagitan ng Hunyo hanggang Agosto at maaaring magpatuloy hanggang unang bahagi ng 2027. Binigyang-diin ni Engr. Vergara na isang malaking maling akala na ang nararanasang init ngayon ay bunsod na ng El Niรฑo; sa katunayan, ang simula ng phenomenon na ito ay posibleng magdala muna ng mas maraming pag-ulan at mas matitinding bagyo sa kanlurang bahagi ng bansa dahil sa paglakas ng hanging habagat na hihilahin nito, bago tuluyang maranasan ang tagtuyot sa pagtatapos ng taon.

Kaugnay nito, binigyang-pansin din sa talakayan ang Bagyong Jiangmi (Bagyong Domeng sa kasalukuyan), na bagamat hindi direktang magla-landfall ay nagsisilbing isa sa mga mitsa para sa opisyal na pagpasok ng tag-ulan dahil sa paghila nito sa hanging habagat. Ang transisyong ito ang dahilan sa kasalukuyang nararanasang panaka-naka hanggang sa malalakas na pag-ulan sa hapon sa ibang lugar sa rehiyon, na dulot ng mga localized thunderstorms sa gitna ng matinding init na nararanasan tuwing umaga at tanghali.

Tinalakay rin sa episode ang konsepto ng heat index o โ€œdamang init,โ€ na tumutukoy sa init na nararamdaman ng katawan batay sa kombinasyon ng temperatura at relative humidity o halumigmig (dami ng singaw ng tubig sa hangin). Binigyang-paalala ang publiko hinggil sa mga posibleng epekto ng matinding init at pagbabago ng panahon sa agrikultura, tulad ng stress sa mga pananim at alagang hayop, gayundin sa kabuhayan at kalusugan, kabilang ang peligro ng heat stress, heat exhaustion, at heat stroke, lalo na sa mga manggagawang nasa labas tulad ng magsasaka, street sweepers, traffic enforcers, at construction workers.

Bilang praktikal na paghahanda sa mga tahanan, payo ni Engr. Vergara na buksan ang mga magkakatapat na bintana para sa maayos na airflow, at nagbabala na ang paggamit ng electric fan sa isang kulob na lugar ay maaari lamang magpaikot ng mainit na hangin kung walang tamang bentilasyon. Hinikayat din ang lahat na regular na subaybayan ang opisyal na heat index forecasts at weather advisories ng DOST-PAGASA upang makapaghanda nang maayos, at agad na tugunen ang anumang sintomas ng heat-related illnesses sa pamamagitan ng tamang pahinga, pag-inom ng sapat na tubig, at pag-iwas sa direktang sikat ng araw.

โ€œMainit man o maulan sa gitna ng pabago-bagong panahon, ang pinakamahalaga ay ang pagkakaroon ng tamang impormasyon mula sa mga opisyal na mapagkukunan. Iwasan natin ang fake news at ugaliing maging handa sa lahat ng hamon ng panahonโ€”iyan ang isa sa pinakamabisang proteksyon para sa ating mga kababayan,โ€ ayon kay Engr. Vergara.

Sa pamamagitan ng Tekno PreSyensya, patuloy na pinalalakas ng DOST Ilocos Region ang pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon tungkol sa panahon at klima upang labanan ang maling impormasyon sa digital platforms at mapanatili ang kaligtasan ng publiko gamit ang mga beripikadong ulat mula sa DOST-PAGASA.





02/06/2026

๐๐ข๐จ๐œ๐ก๐š๐ซ ๐ง๐š ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ฐ๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐š๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐›๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ฎ๐ž๐ฅ ๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ฌ ๐ŸŒฟโ™ป๏ธ

Alam mo bang ang mga tira-tirang kawayan at bamboo wastes ay maaaring gawing high-quality bamboo charcoal at industrial vinegar gamit ang Department of Science and Technology - Forest Products Research and Development Institute (DOST-FPRDI) ๐๐š๐ฆ๐›๐จ๐จ ๐‚๐ก๐š๐ซ๐œ๐จ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐Š๐ข๐ฅ๐ง ๐“๐ž๐œ๐ก๐ง๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ฒ?

Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, nagagawang makagawa ng ๐›๐š๐ฆ๐›๐จ๐จ ๐œ๐ก๐š๐ซ๐œ๐จ๐š๐ฅ na isang uri ng biochar na maaaring gamitin sa:
๐Ÿ’ง water purification
๐Ÿ’จ odor removal
๐ŸŠ food preservation
๐Ÿ”‹ electronics at battery manufacturing

Samantala, ang ๐ฉ๐ฒ๐ซ๐จ๐ฅ๐ข๐ ๐ง๐ž๐จ๐ฎ๐ฌ ๐ฅ๐ข๐ช๐ฎ๐จ๐ซ ๐จ ๐ข๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐š๐ฅ ๐ฏ๐ข๐ง๐ž๐ ๐š๐ซ ay may ibaโ€™t ibang gamit tulad ng:
๐Ÿซง antiseptic
๐ŸŒฌ๏ธdeodorizer
๐Ÿงผair cleaner
๐Ÿ› skin and hair conditioner

๐Ÿ“ฉ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ž๐ฌ๐š๐๐จ ๐ค๐š ๐›๐š ๐ฌ๐š ๐ญ๐ž๐ค๐ง๐จ๐ฅ๐จ๐ก๐ข๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ข๐ญ๐จ? ๐€๐ƒ๐Ž๐๐“ ๐๐Ž๐–!

๐’๐ฎ๐›๐ฆ๐ข๐ญ ๐š ๐‹๐ž๐ญ๐ญ๐ž๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ง๐ญ ๐š๐๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ž๐ ๐ญ๐จ:
DR. TERESITA A. TABAOG
Regional Director
DOST Ilocos Region
City of San Fernando, La Union

๐‡๐š๐ฏ๐ž ๐ช๐ฎ๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ? ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐š๐œ๐ญ ๐ฎ๐ฌ!
DOST Ilocos Region โ€“ S&T Promotions
๐Ÿ“ง [email protected]
๐Ÿ“ง [email protected]
๐Ÿ“ฑ0917-849-7732 (GLOBE)
๐Ÿ’ฌ Or send us a message here on our official page

๐๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š๐ก๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐Ž๐’๐“ ๐“๐ž๐œ๐ก๐ฎ๐› para sa iba pang teknolohiyang tulad nito:
๐Ÿ”— https://techub.dost.gov.ph







01/06/2026

Trending ngayon ang "Sharmaine"โ€”ang orange na nagtatampo dahil parang hindi raw pinag-isipan ang pangalan niya.

Pero si SOLIDO? Ibang usapan 'yan. ๐Ÿ’ช

Bagama't kulay orange din siya, hindi siya basta-basta pinangalanan. Ang pangalang SOLIDO ay hango kay Secretary Renato U. Solidum Jr., at sumisimbolo sa katatagan, kahandaan, at resiliency sa harap ng mga sakuna.

Kaya kung si Sharmaine ay orange na naghahanap ng effort sa pangalan, si SOLIDO naman ay orange na may simbolo, layunin, at inspirasyon.

At dahil may effort ang pangalan niya, may effort din siya sa pagbibigay ng kaalaman para sa kaligtasan ng bawat Pilipino.

I-download at bisitahin na rin ang SOLIDO DRRM Knowledge Hub โ€” ang inyong one-stop digital platform para sa science-based disaster risk reduction and management information.

Explore:
โœ… Curated DRRM topics and knowledge resources
โœ… DRRM-related platforms
โœ… Timely hazard information for your safety
โœ… Latest news and updates on disaster preparedness

๐Ÿ“Œ Lahat ng impormasyong makikita rito ay science-based at mula sa mga eksperto at ahensya ng DOST, upang matiyak ang tama at mapagkakatiwalaang impormasyon para sa publiko.

Visit now:
https://solido.dost1.ph

SOLIDO DRRM Knowledge Hub โ€” Your Gateway to Smarter, Faster, and Science-Based DRRM.





01/06/2026

๐Ÿ“ข ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ

Please be informed that effective ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, the (DOST Ilocos Region) will now accept payments through Link.BizPortal via its official website.

Clients are encouraged to visit the payment page and follow the simple steps provided.

https://region1.dost.gov.ph/payments-thru-link-bizportal/

This new payment option provides a faster, more convenient, and more secure way of settling transactions with DOST Ilocos Region.




01/06/2026

๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐จ๐›๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: ๐ƒ๐Ž๐’๐“-๐๐‚๐ˆ๐„๐„๐‘๐ƒ ๐ˆ๐ญ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐š๐ง๐  ๐–๐‡๐–๐ข๐ฌ๐ž ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐ง-๐‹๐ž๐ ๐’๐จ๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐„๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฉ๐ซ๐ข๐ฌ๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐“๐ž๐ค๐ง๐จ ๐๐ซ๐ž๐’๐ฒ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kababaihan sa larangan ng inobasyon at pagnenegosyo, itinampok sa pinakabagong episode ng Tekno PreSyensyaโ€”ang opisyal na broadcast program ng DOST Ilocos Regionโ€”ang programang Women-Helping-Women: Innovating Social Enterprises (WHWise). Sa talakayang pinamagatang โ€œFueling Women-Led Social Innovation: WHWise Program Overview and Proposal Guide,โ€ naging panauhin si Ms. Dolf Mirelle J. Montecillo, Project Technical Assistant VI at Assistant Program Manager ng WHWise Program. Nagbahagi siya ng mahahalagang impormasyon tungkol sa programa, pati na rin ang isang mabilisang gabay sa pagbuo ng isang matatag na WHWise proposal, lalo paโ€™t pinalawig ang deadline ng pagpasa ng aplikasyon hanggang Hunyo 5, 2026.

Inilunsad noong 2021 ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD) ang WHWise Program upang suportahan ang mga women-led social enterprises sa pamamagitan ng teknolohiya, pananaliksik at pagpapaunlad (Research and Development o R&D), technical assistance, at mentoring. Layunin ng programa na mapalawak ang kakayahan ng mga kababaihang social entrepreneurs na makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa kanilang mga komunidad at marginalized sectors sa pamamagitan ng mga makabago at napapanatiling solusyon.

Ayon kay Ms. Montecillo, mahalaga ang papel ng WHWise Program sa pagbibigay ng karagdagang suporta sa mga women-led social enterprises na nagnanais pang palawakin ang kanilang serbisyo at epekto sa lipunan. Sa pamamagitan ng programa, nabibigyan sila ng pagkakataong magamit ang agham, teknolohiya, at inobasyon upang mapahusay ang kanilang mga proseso at mapalakas ang kanilang kakayahang makatulong sa mas maraming komunidad. Binigyang-diin din niya ang tinatawag na โ€œmultiplier effect,โ€ kung saan ang tagumpay ng isang women-led enterprise ay nagiging inspirasyon para sa iba pang kababaihan na magsimula at magtaguyod ng sarili nilang mga inisyatiba para sa pag-unlad ng kanilang komunidad.

Sa panayam, hinikayat din ni Ms. Montecillo ang mga kababaihang may mga ideya ngunit nag-aalangan pang magsimula na tanggapin ang hamon ng pagnenegosyo at inobasyon. Aniya, bagamaโ€™t may mga pagsubok at responsibilidad na kailangang balansehin, marami nang umiiral na support systems tulad ng mga Technology Business Incubators (TBIs), innovation hubs, mga programa ng DOST, at iba pang capacity-building initiatives na maaaring makatulong sa kanilang paglalakbay bilang entrepreneurs. Dagdag pa niya, bukas ang mga tanggapan ng DOST at WHWise Program upang magbigay ng gabay sa pagbuo ng mga proposal at paglinang ng mga makabagong ideya.

Binigyang-linaw rin ni Ms. Montecillo na ang mga proposal na hindi agad naaprubahan ay may pagkakataon pa ring mapahusay at maisumite muli sa mga susunod na application cycles, depende sa dahilan ng disapproval. Ipinaliwanag niya na bahagi ng layunin ng programa ang tulungan ang mga social enterprises na mapalakas ang kanilang kakayahan at mahanapan ng angkop na suporta, maging sa pamamagitan ng WHWise o iba pang programang maaaring mas akma sa kanilang pangangailangan.

Sa pamamagitan ng Tekno PreSyensya, patuloy na inilalapit ng DOST Ilocos Region ang mga programang nagbibigay ng kaalaman at oportunidad sa publiko, lalo na sa mga kababaihang nagnanais maging bahagi ng pagbabago sa kanilang mga komunidad. Hinihikayat ng ahensya ang mga women-led social enterprises at mga nagnanais magsimula ng makabuluhang negosyo sa Rehiyon 1 na huwag palampasin ang pagkakataong ito at magpasa ng kanilang mga concept proposal bago ang bagong deadline.






29/05/2026

Ka-agham, pasensya na kung mukhang โ€œbasic account eraโ€ muna tayo todayโ€ฆ expired na kasi ang Canva Pro namin. ๐Ÿ˜ญ

Pero hindi kailangan ng premium template para ibalita ito:

๐€๐๐€๐๐†๐€๐ ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ช๐ฎ๐š๐ฅ๐ข๐Ÿ๐ข๐ž๐ซ๐ฌ ๐ง๐  ๐ƒ๐Ž๐’๐“ ๐”๐ง๐๐ž๐ซ๐ ๐ซ๐š๐๐ฎ๐š๐ญ๐ž ๐’๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ! โœจ

Advanced congratulations, future iskolar ng bayan! ๐Ÿ’™





28/05/2026

โ€œ๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’Š๐’”๐’๐’‚๐’‘ ๐’๐’ˆ ๐’˜๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’Ž๐’โ€™๐’š, ๐’•๐’‚๐’ˆ๐’–๐’Ž๐’‘๐’‚๐’š ๐’๐’‚ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ๐’๐’Š๐’๐’ˆโ€ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Nakikiisa ang ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ƒ๐Ž๐’๐“๐Ž๐ง๐ž๐’๐‚๐ˆ๐†๐‹๐€๐“ sa pamumuno ni ๐ƒ๐Ž๐’๐“ ๐ˆ๐ฅ๐จ๐œ๐จ๐ฌ ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ ๐“๐ž๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐€. ๐“๐š๐›๐š๐จ๐  sa paggunita ng pambansang mga Araw ng Watawat ng Pilipinas mula ika-28 ng Mayo hanggang ika-12 ng Hunyo, alinsunod sa Republic Act No. 8491, Presidential Proclamation No. 374, s. 1965, at Executive Order No. 79, s. 1994.

Sagisag ng kalayaan, pagkakaisa, at katatagan ng sambayanang Pilipino ang ating pambansang watawat. Nawaโ€™y ang kislap nitoโ€™y patuloy na magpaalala ng ningning ng ating kasaysayan at diwang makabayan, at patuloy na magbigay ng inspirasyon, oportunidad, at solusyon para sa bawat Pilipino.

Tayoโ€™y magpugay sa kasaysayan, dangal, at watawat ng bansang Pilipinas.

๐™ˆ๐™–๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™ž๐™จ๐™ก๐™–๐™ฅ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฌ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™จ! โœจ






28/05/2026

WATCH LIVE: TeknoPreSyensya Episode 10 featuring โ€œBantay Ulat Panahon: Habagatโ€“El Niรฑo Outlook and Heat Index Monitoringโ€

Kasama si Engr. Mark Louie A. Vergara, Weather Specialist II, Northern Luzonโ€“West PAGASA Regional Services Division, Department of Science and Technologyโ€“Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOSTโ€“PAGASA).

Sama-sama nating alamin ang agham sa likod ng Heat Index, ang papel ng temperatura at humidity, at mahahalagang impormasyong dapat nating malaman.

SALI NA sa Trivia of the Day at baka ikaw na ang lucky winner na mananalo ng Gcash Prize




27/05/2026

๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป? ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ-๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—บ? โ˜€๏ธ๐Ÿค”

Matapos ang Episode 8, marami kaming natanggap na tanong tungkol sa Heat Index, mula sa kung paano ito nararamdaman ng katawan hanggang sa kung paano tayo makakaiwas sa epekto ng matinding init, El Niรฑo, at pabago-bagong panahon habang papasok ang tag-ulan.

Ngayon, mas palalalimin natin ang usapan sa ๐“๐ž๐ค๐ง๐จ ๐๐ซ๐ž๐’๐ฒ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐„๐ฉ๐ข๐ฌ๐จ๐๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ ๐Ÿ๐ž๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ญ๐š๐ฒ ๐”๐ฅ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ ๐ข๐ญ๐ง๐š ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐ข๐ง๐ข๐ญ, kung saan tatalakayin ang ๐‡๐š๐›๐š๐ ๐š๐ญโ€“๐„๐ฅ ๐๐ขรฑ๐จ ๐Ž๐ฎ๐ญ๐ฅ๐จ๐จ๐ค ๐š๐ง๐ ๐‡๐ž๐š๐ญ ๐ˆ๐ง๐๐ž๐ฑ ๐Œ๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ . Abangan bukas, ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿด, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, mula ๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฌ๐Ÿฌโ€“๐Ÿญ๐Ÿญ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐—  ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฎ ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ.

Kasama si ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ ๐—Ÿ๐—ผ๐˜‚๐—ถ๐—ฒ ๐—”. ๐—ฉ๐—ฒ๐—ฟ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ, Weather Specialist II, Northern Luzonโ€“West PAGASA Regional Services Division, Department of Science and Technologyโ€“Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOSTโ€“PAGASA).

Sama-sama nating alamin ang agham sa likod ng Heat Index, ang papel ng temperatura at humidity, at mahahalagang impormasyong dapat nating malaman.

๐‘ฒ๐’Š๐’•๐’‚-๐’Œ๐’Š๐’•๐’”, ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’Œ๐’‚-๐’‚๐’ˆ๐’‰๐’‚๐’Ž! ๐ŸŒฆ๏ธ





27/05/2026

๐„๐ข๐ ๐Œ๐ฎ๐›๐š๐ซ๐š๐ค! ๐ŸŒ™โœจ

DOST Ilocos Region joins our Muslim brothers and sisters in the meaningful observance of Eidโ€™l Adha, the Feast of Sacrifice.

May this occasion remind us of the values of faith, compassion, generosity, and unity, as exemplified by Prophet Ibrahim (Abraham) through his unwavering obedience and trust in God.

As we reflect on the spirit of sacrifice and devotion, may we continue to build communities grounded in hope, kindness, and shared purpose.

Wishing everyone a peaceful and blessed Eidโ€™l Adha.




Want your business to be the top-listed Government Service in metro manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Metro Manila

Opening Hours

Monday 8am - 7pm
Tuesday 8am - 7pm
Wednesday 8am - 7pm
Thursday 8am - 7pm