07/10/2026
Kapag paaralan, pamayanan, at mga magulang ay nagkakaisa, mas nagiging makabuluhan ang bawat hakbang para sa kinabukasan ng ating kabataan.
Sa pagtutulungan ng SPTA ng Langka Integrated School, sa pamumuno ni President Francis Padasas, at ng Sangguniang Barangay ng Langka, sa pangunguna ni Kapitan Lito Beniza, naisakatuparan ang Study Area sa garden ng LIS. Ang mga study tables ay ipinagkaloob ng pamunuan ng SPTA, habang ang umbrella naman ay personal na ambag ng mga opisyales ng Sangguniang Barangay, na binili mula sa sarili nilang bulsa at walang ginamit na pondo ng Barangay. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, nabigyan ang ating mga mag-aaral ng mas maayos, ligtas, tahimik, at komportableng lugar para sa pagbabasa, pag-aaral, at iba pang gawaing pang-akademiko.