Crystal Liquid Waterworks - Minalin Branch

Call Directions Website Contact the organization

Crystal Liquid Waterworks - Minalin Branch Crystal Liquid Waterworks is a subsidiary of Balibago Waterworks. This page is for our CLPI branch in the Municipality of Minalin, Pampanga.

The Group has over 90 municipal franchises in 24 provinces across Luzon, Visayas, and Mindanao.

Kapabalwan pu:
10/09/2026

Kapabalwan pu:

Good morning to our valued customers, you can pay your water bill thru GCASH and PAY MAYA. Please follow the instruction...
07/09/2026

Good morning to our valued customers, you can pay your water bill thru GCASH and PAY MAYA. Please follow the instructions bellow.

Mga minamahal naming Kostumer,Sa patuloy na pag-apekto ng pagbaha sa ating mga komunidad, patuloy din po ang aming pagki...
04/09/2026

Mga minamahal naming Kostumer,

Sa patuloy na pag-apekto ng pagbaha sa ating mga komunidad, patuloy din po ang aming pagkilos upang makapaghatid at makapagbahagi ng malinis at ligtas na tubig sa mga lugar na higit na nangangailangan nito.

Batid po namin kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng tubig, lalo na sa panahon ng kalamidad. Kaya naman, habang patuloy na nararanasan ang pagbaha, ginagawa po namin ang aming makakaya upang makatulong at makapagbigay ng kinakailangang tubig sa ating mga kababayan.

Patuloy po tayong mag-ingat at magtulungan sa panahong ito. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa. πŸ’™πŸ™

πŸ’§ MAGANDANG BALITA! 7 PUMPING STATIONS, MULING UMAANDAR!Isang magandang balita para sa ating mga kostumer! Muling umaand...
04/09/2026

πŸ’§ MAGANDANG BALITA! 7 PUMPING STATIONS, MULING UMAANDAR!

Isang magandang balita para sa ating mga kostumer! Muling umaandar ang pitong (7) pumping stations bilang bahagi ng patuloy nating pagsisikap na maibalik at mapatatag ang ating water supply operations.

Narito ang mga pumping station na kasalukuyang operational:

πŸ’§ Pump 1 β€” San Nicolas
πŸ’§ Pump 2 β€” Sta. Maria
πŸ’§ Pump 3 β€” Sta. Rita
πŸ’§ Pump 4 β€” Lourdes
πŸ’§ Pump 5 β€” Sto. Domingo
πŸ’§ Pump 6 β€” Sta. Catalina
πŸ’§ Pump 7 β€” San Isidro

πŸ“Œ Paalala sa ating mga kostumer: Habang may suplay ng tubig, hinihikayat po namin ang bawat pamilya na mag-ipon ng sapat na tubig para sa kanilang pangunahing pangangailangan.

Makakatulong ang pagkakaroon ng nakaimbak na tubig upang maging handa tayo sakaling magkaroon ng aberya o pagkaantala sa suplay, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ang pagiging handa ngayon ay makatutulong sa atin sa oras ng pangangailangan. πŸ’§

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya, at patuloy na pakikiisa.

Patuloy tayong kumikilos para sa mas maayos at maaasahang serbisyo ng tubig.

Mahalagang Paalala, mga minamahal naming Customer.Ayon sa pinakabagong babala mula sa DOST-PHIVOLCS, pinapaalalahanan po...
01/09/2026

Mahalagang Paalala, mga minamahal naming Customer.

Ayon sa pinakabagong babala mula sa DOST-PHIVOLCS, pinapaalalahanan po ang lahat na manatiling alerto sa banta ng lahar at maputik na agos ng tubig dulot ng matinding pag-ulan sa paligid ng Bulkang Pinatubo.

Bilang paghahanda, hinihikayat ang bawat pamilya na:

πŸ’§ Mag-imbak ng sapat na inuming tubig at pagkain na tatagal ng hindi bababa sa isang linggo.

πŸŽ’ Maghanda ng emergency kit, mga gamot, at mahahalagang dokumento.

⚠️ Maging alerto at huwag magtangkang tumawid sa mga ilog o binahang lugar. Sundin ang mga abiso at utos ng inyong LGU kung kinakailangang lumikas.

I-swipe ang mga larawan sa itaas para sa buong detalye, mga gabay sa kaligtasan, at Emergency Hotline ng inyong lokal na branch.

Maghanda ngayon at manatiling nakatutok sa mga opisyal na update.

Mga minamahal naming Kostumer,Ngayong araw, naihatid ang ikalawang batch ng 100 cases ng Balipure sa Bayan ng Minalin, m...
01/09/2026

Mga minamahal naming Kostumer,

Ngayong araw, naihatid ang ikalawang batch ng 100 cases ng Balipure sa Bayan ng Minalin, matapos maihatid ang unang 100 cases kahapon. Kabuuang 200 cases na ang naipamahagi para sa komunidad.

Nakipagtulungan ang ating butihing Mayor Philip Siojo Naguit sa pagkuha at pagdadala ng mga Balipure upang maiwasan ang mga bahaging lubog sa baha.

Bahagi ito ng patuloy nating pakikiisa sa komunidad at pagtugon sa mga pangangailangan sa panahon ng kalamidad.

Sana ay makatulong ang bawat kahon sa mga pamilyang nangangailangan. πŸ’™πŸ’§

Mahal naming mga Kostumer,Ipinapaalam po namin ang pansamantalang pagbabago sa operasyon ng Domalois Pumping Station dah...
31/08/2026

Mahal naming mga Kostumer,

Ipinapaalam po namin ang pansamantalang pagbabago sa operasyon ng Domalois Pumping Station dahil sa epekto ng pagbaha at pagkawala ng suplay ng kuryente.

1. Nabaha po ang genset at VFD ng Sto. Domingo Pump, kaya hindi muna ito maaaring patakbuhin nang 24 oras bilang pag-iingat sa kaligtasan ng equipment.

2. Wala rin pong kasalukuyang suplay ng kuryente sa lugar.

3. Dahil dito, pansamantalang ihihinto ang operasyon ng Domalois Pumping Station mula 12:00 AM hanggang 4:00 AM.

4. Mga apektadong lugar:
β€’ Sto. Domingo
β€’ Sta. Maria
β€’ Lourdes
β€’ San Isidro

Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at pasensya habang patuloy naming ginagawa ang mga kinakailangang hakbang upang mapanatili ang ating water service.

Para sa anumang katanungan o concerns, mangyaring tumawag sa:
πŸ“ž (0923) 195 5186

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. πŸ’§

Mga Minamahal na Kostumer,Ang posibleng power interruption na dulot ng masamang panahon at pagbaha ay maaaring magdulot ...
29/08/2026

Mga Minamahal na Kostumer,

Ang posibleng power interruption na dulot ng masamang panahon at pagbaha ay maaaring magdulot ng water interruption o mababang water pressure sa ilang lugar.

Bagama’t may mga generator ang aming mga pumps at pumping stations, maaari pa ring maapektuhan ang water service sakaling magkaroon ng power interruption.

Bilang paghahanda, pinapayuhan ang lahat na mag-imbak ng sapat na tubig para sa inyong pang-araw-araw na pangangailangan.
Hinihiling namin ang inyong pang-unawa, paghahanda, at pakikiisa upang makatulong na maiwasan ang anumang abala habang nararanasan ang masamang panahon.
Manatiling ligtas, maging handa, at mag-ipon ng sapat na tubig
PARA LAGING UPDATED:
I-LIKE at I-FOLLOW ang aming official page para sa mga opisyal na announcement at updates tungkol sa inyong water service.
Para sa inyong mga katanungan at concerns:
Branch Manager: 0968-433-6689
Admin Supervisor: 0993-5966791
Operations Supervisor: 0933-4261307
Manatiling ligtas at laging handa!

πŸ“’ BILL AVERAGING ADVISORYMga Minamahal naming Kostumer,Dahil sa epekto ng kamakailang pagbaha, pansamantalang ipatutupad...
28/08/2026

πŸ“’ BILL AVERAGING ADVISORY

Mga Minamahal naming Kostumer,

Dahil sa epekto ng kamakailang pagbaha, pansamantalang ipatutupad ang Bill Averaging sa ilang apektadong service areas kung saan hindi ligtas o hindi pa posible ang aktuwal na pagkuha ng meter reading.

Para sa August 2026 Billing Period, ang inyong bill ay ibabatay sa average water consumption mula sa nakaraang anim (6) na buwan.

Para naman sa mga kostumer na wala pang anim (6) na buwang billing history, ang average consumption ay ibabatay sa mga available na billing records mula sa petsa ng pagkakakonekta ng inyong water service.

πŸ“ Sakop ng Bill Averaging:
β€’ Apalit, Pampanga
β€’ Macabebe, Pampanga
β€’ Minalin, Pampanga
β€’ San Luis, Pampanga
β€’ San Simon, Pampanga

πŸ“Œ Mahalagang Paalala:
Patuloy na isasagawa ang aktuwal na meter reading sa mga bahagi ng service network na ligtas puntahan at maaaring ma-access ng aming mga tauhan.

Babalik sa regular na actual meter reading at billing procedures ang limang branch pagsapit ng September 2026 Billing Cycle.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa habang patuloy naming inuuna ang kaligtasan ng aming mga kostumer at empleyado.

Address

La Loma, San Nicolas
Minalin
2019

Opening Hours

Monday 8am - 6pm
Tuesday 8am - 6pm
Wednesday 8am - 6pm
Thursday 8am - 6pm
Friday 8am - 6pm

Telephone

+639422184390

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Crystal Liquid Waterworks - Minalin Branch posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Crystal Liquid Waterworks - Minalin Branch:

Shortcuts

Share