09/10/2026
BFAR FMA 7, NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA MGA BANGKA SA MOBO, MASBATE
MOBO, MASBATE β Nagsagawa ng opisyal na inspeksyon at pag-update ng listahan ng mga bangka at mangingisda ang Fisheries Management Area 7 (FMA 7) ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kasama ang pamahalaang bayan ng Mobo, sa Barangay Fabrica, Mobo, Masbate .
Layunin ng aktibidad na ito na makumpleto at mapapanahon ang talaan ng lahat ng mga sasakyang pangingisda na pumapalaot sa karagatan ng Visayan Sea, na nasa ilalim ng sakop ng FMA 7. Napag-alaman ng mga awtoridad na marami pa ring mga mangingisda at bangka ang hindi pa nakapagrehistro sa opisyal na talaan .
Bakit mahalaga ang pagpaparehistro?
- Opisyal na pagkilala β Maisama sa pambansang talaan ng mga mangingisda (Fisherfolk Registration)
- Mas madaling makatanggap ng tulong β Maging kwalipikado sa mga programa ng gobyerno tulad ng fuel subsidy, kagamitan sa pangingisda, at iba pang tulong pinansyal
- Maayos na pamamahala ng yamang dagat β Masiguro ang maayos na pamamahala at pangangalaga sa mga yamang dagat ng Visayan Sea
Sa ilalim ng aktibidad, sinukat ang mga bangka at kinapanayam ang mga may-ari upang matiyak ang tumpak na impormasyon sa talaan ng BFAR .
Inaanyayahan ang lahat ng mga mangingisda na makipagtulungan sa kanilang lokal na tanggapan ng Municipal Agriculturist upang makarehistro at hindi mapag-iwanan sa mga programa ng gobyerno.