18/09/2026
π’ PAALALA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY BOCBOC
Paksa: Paghahanda at Pag-iipon ng Tubig Habang Umuulan
Kababayan,
Dahil madalas masira ang linya ng suplay ng tubig tuwing may ulan o masamang panahon, mahigpit na pinapayuhan ang lahat na mag-ipon ng malinis na tubig habang maaga pa.
β
PAANO MAG-IPON NANG LIGTAS:
- Gumamit ng malinis na lalagyan na may takip (balde, timba, drum) β iwas sa lamok, alikabok, at dumi
- Siguraduhing malinis ang lalagyan bago lagyan ng tubig
- Ilagay sa ligtas at hindi maaarawan na lugar
- Takpan palagi upang manatiling malinis at iwas sa sakit
β
PAALALA SA PAGGAMIT:
- Kung gagamitin sa pag-inom o pagluto, siguraduhing pakuluan nang husto o lagyan ng angkop na panlinis
- Gamitin nang matipid habang inaayos ang nasirang linya
β οΈ HUWAG KALIMUTAN:
Huwag hintaying maputulan bago kumilos. Ang paghahanda ay para sa kaligtasan ng inyong pamilya. Huwag dn kalimutang bukas ang inyong mga faucet.
Maraming Salamat po.