Brgy. Mabini, Moncada, Tarlac

Brgy. Mabini, Moncada, Tarlac This is the NEW OFFICIAL FACEBOOK PAGE of BRGY. MABINI, MONCADA, TARLAC

01/11/2026
OCTOBER 24, 2026BARANGAY ASSEMBLY DAYTaos pusong pasasalamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating Barangay Assembly...
25/10/2026

OCTOBER 24, 2026
BARANGAY ASSEMBLY DAY

Taos pusong pasasalamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating Barangay Assembly para sa 2nd Semester ng taong 2026.

Ang inyong mga tanong at mungkahi ay napakahalaga upang mas mapabuti pa natin ang kaunlaran ng ating Barangay.

Maraming Salamat din sa ating butihing Governor Christian Tell Yap sa pagbibigay ng 30 packs of rice at kay Councilor Dean Michael Duque sa 7 na packs din ng bigas na ipinaraffle natin sa ating mga attendees.

Congratulations po sa lahat ng 67 winners ng ating Attendance Raffle.

Mabuhay ang ating Barangay!

ANNOUNCEMENT! BARANGAY ASSEMBLY 2nd Semester-CY2026Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa ating Barangay Assembly Day up...
18/10/2026

ANNOUNCEMENT!

BARANGAY ASSEMBLY 2nd Semester-CY2026

Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa ating Barangay Assembly Day upang makiisa at mapakinggan po natin ang mga ulat, programa, at mga proyekto ng ating Barangay.

📅 October 24, 2026 (Saturday)
⏰ 3:00 PM
🏨Barangay Plaza

Ang inyong pagdalo ay napaka-halaga upang mapagtibay ang pagkakaisa sa ating Barangay at upang mapakinggan din ang inyong mga hinaing at mungkahi para sa ikabubuti ng ating Barangay.

Note: Magkakaroon po ulit tayo ng Attendance Raffle para sa mga dadalo ng ating Assembly😊

ANNOUNCEMENT! FREE COMPREHENSIVE EYE CHECK-UP and SCREENING. 👁️Magkakaroon po ng libreng eye consultation at check-up sa...
17/10/2026

ANNOUNCEMENT!

FREE COMPREHENSIVE EYE CHECK-UP and SCREENING. 👁️

Magkakaroon po ng libreng eye consultation at check-up sa ating Barangay hatid po ng Victoria Eye Center na gaganapin sa OCTOBER 19, 2026 - Monday magsisimula po ng 10:00 ng umaga sa ating Barangay Hall.

See you mga ka-Barangay!

BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG! 🇵🇭Presidential Assistance under the Socio Civic Project FundsAng Bawat Barangay Makikinaban...
13/10/2026

BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG! 🇵🇭

Presidential Assistance under the Socio Civic Project Funds

Ang Bawat Barangay Makikinabang Program ay isang pambansang programa sa ilalim ng Socio-Civic Projects Fund ng Tanggapan ng Pangulo, sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

₱100,000.00 – Inilaan ang pondong ito para sa mga prayoridad na kagamitan at mga pangangailangang administratibo ng bawat barangay, upang higit na mapabuti ang paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.

Samantalang sa ating Barangay inilaan ito para sa pagbili ng mga bagong kagamitan para sa Improvement ng ating Session Hall Equipment, para sa isang mas maayos, mas mahusay at mas organisadong pagpupulong man o pag-tanggap ng bisita.

Mabuhay ang ating Barangay!
Mabuhay ang Bagong Pilipinas! 🇵🇭

11/10/2026
On behalf of our Barangay under the leadership of our Punong Barangay Hon. Rene V. Llana, we would like to express our h...
18/09/2026

On behalf of our Barangay under the leadership of our Punong Barangay Hon. Rene V. Llana, we would like to express our heartfelt gratitude to Tarelco 1-CSR, to our Vice Governor Hon. Estelita M. Aquino, and our Mayor Hon. Ramon Benito M. Aquino for providing a new computer set and printer for our Barangay.

This assistance is a significant step towards providing faster, more efficient, and more digitalized services to our fellow kabarangay.

Thank you very much for your continuous support and care for Barangay Mabini!

CTTO of the Photos

Lubos na ikinararangal at ipinagpapasalamat ng Barangay Mabini ang pagkilalang ito sa pamamagitan ng 𝙂𝙖𝙬𝙖𝙙 𝙎𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙈𝘼...
18/09/2026

Lubos na ikinararangal at ipinagpapasalamat ng Barangay Mabini ang pagkilalang ito sa pamamagitan ng 𝙂𝙖𝙬𝙖𝙙 𝙎𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙈𝘼𝙔𝘼𝙋: 𝘿𝙪𝙜𝙤𝙣𝙜 𝘽𝙪𝙝𝙖𝙮 𝘼𝙬𝙖𝙧𝙙. 🏆

Taos puso kaming nagpapasalamat sa Tarlac Provincial Blood Council, Philippine Red Cross, at sa lahat ng bukas-palad na nagbigay ng dugo at patuloy na sumusuporta at kumikilala sa kahalagahan ng boluntaryong pag-donate ng dugo.

Gayun din ang pasasalamat at pagbati sa ating mga Barangay Officials, Personnels at mga miyembro ng komunidad sa palaging pakikiisa at suporta sa adhikaing ito.

Ang parangal na ito ay magsisilbing inspirasyon upang patuloy kaming maglingkod sa ating kapwa nang may tapat at buong pusong paglilingkod! ❤️

Mabuhay ang Barangay Mabini! 🩸❤️

BAGONG PILIPINAS BARANGAY SCHOLARSNaibahagi na ng ating tanggapan ang ₱20,000 na tulong pang-edukasyon sa limang(5) napi...
10/09/2026

BAGONG PILIPINAS BARANGAY SCHOLARS

Naibahagi na ng ating tanggapan ang ₱20,000 na tulong pang-edukasyon sa limang(5) napiling Bagong Pilipinas Barangay Scholar mula sa Tanggapan ng ating Pangulo.

Ang mga napiling benepisyaryo ay pinili ng patas at may malinaw na batayan at kwalipikasyon ayon mismo sa ibinaba ng tanggapan ng pangulo.
Lahat ng aplikante ay sumailalim sa wastong beripikasyon at pagsusuri na kinabilangan ng lahat ng incoming 4th year/Graduating College Students ngayong school year 2026-2027.

Isinagawa ang prosesong ito upang matiyak ang pagiging patas, transparent at pantay na pagkakataon para sa lahat ng nagsumite ng aplikasyon.

Congratulations sa lahat ng mga napiling benepisyaryo naway makatulong ito upang mas maayos at mas magaan kayong makapagtapos.

SEPTEMBER 1, 2026BARANGAY DISTRIBUTION OF RELIEF GOODS TO ALL HOUSEHOLD Matapos magdeklara ng State of Calamaty ang buon...
01/09/2026

SEPTEMBER 1, 2026

BARANGAY DISTRIBUTION OF RELIEF GOODS TO ALL HOUSEHOLD

Matapos magdeklara ng State of Calamaty ang buong Probinsya ng Tarlac agad na tumugon rito ang konseho ng ating Barangay sa pangunguna ni Punong Barangay RENE V. LLANA at agad na inaprubahan ang paggamit ng Quick Respond Fund upang makapag-bahagi ng Relief Goods sa buong Barangay.

Lahat ng Household ay nabigyan higit o bahagya man naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Note:
Sa mga hindi pa po nakakuha ng kanilang relief goods mangyari lamang na makipag-ugnayan po kayo sainyong mga Purok Kagawad at BHW.

Address

Mabini
Moncada
2308

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Mabini, Moncada, Tarlac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share