30/10/2026
2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY|BARANGAY GUINHADAP
Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang 2nd Semester Barangay Assembly sa Barangay Guinhadap, Monreal, Masbate, na dinaluhan ng mga opisyal ng munisipyo ,barangay at mga residente.
Naging mahalagang pagkakataon ang pagtitipong ito upang maipabatid sa mga mamamayan ang mga programa, proyekto, aktibidad at mga nagawang serbisyo ng barangay, gayundin ang mga plano at prayoridad para sa patuloy na pag-unlad ng komunidad.
Higit sa lahat, binigyang-diin ng pagtitipon ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon, transparency, accountability, at aktibong pakikilahok ng bawat mamamayan sa pagpapaunlad ng kanilang barangay.
Dahil ang isang maunlad na barangay ay nagsisimula sa pagkakaisa, pakikiisa at sama-samang pagkilos ng bawat isa! ❤️