Brgy. Batasan Hills

  • Home
  • Brgy. Batasan Hills
Call Directions Contact the organization

Brgy. Batasan Hills The Official page of Brgy. Batasan Hills Ito po ang Official na page ng Brgy. Batasan Hills na magiging aktibo simula April 1, 2016.

Naniniwala kami na sa pamamagitan ng page na ito ay mas lalo namin maaabot ang ating mga kabarangay. Magmula April 1, 2016, lahat ng announcements, updates at mga importanteng impormasyon ay makikita niyo na rin dito. Para po sa inyong kaalaman, itong page na ito ay may mga panuntunan na dapat sundin:

Maging mapanuri sa anumang bagay na ating ico-comment, ita-tag at ipo-post. Anumang post (litrato o status post) na may nilalaman na mga sumusunod ay aming susuriin at ide-delete o iha-hide kung maaari.

- Mayroong personal information tulad ng home address, telephone number/cellphone number, at e-mail address;
- Mayroong bulgar at masamang salita;
- Mayroong nilalaman na racist, sexist, homophobic, sexually explicit at kung ano pang mapanirang mga salita, statement o litrato;
- Mayroong paghihikayat na hindi pagsunod sa mga ordinansa at mga batas, lokal man o national level;
- Advertisements para makabenta para sa sariling kita at;
- ‘Spam’ messages o mga posts/comments na paulit-ulit at walang kinalaman sa pahina o sa post

🔵 Nov. 06, 2026Magandang Gabi mga Kabarangay ‼🎒BANTAY ESKWELA, BANTAY KABATAAN! 🚦Sa ilalim ng matatag na pamumuno ng ati...
06/11/2026

🔵 Nov. 06, 2026

Magandang Gabi mga Kabarangay ‼

🎒BANTAY ESKWELA, BANTAY KABATAAN! 🚦

Sa ilalim ng matatag na pamumuno ng ating Butihing Punong barangay, Kap. Jojo Abad, matagumpay na naisagawa ang Bantay Eskwela sa San Diego Elementary School (SDES), (BNHS) Batasan National High School at (PCCAES) Pangulong Corazon C. Aquino Elementary School, katuwang ang ating mga Traffic Enforcers, Environmental Enforcers, BPSO, Team BARCO, Purok Leaders, at masisigasig na Volunteers. Na pinangunahan nila Admin External Ramil Ventura at Executive officer Cleopas Gaspay Kasama ang kapulisan.

🎯 Layunin: Tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng mga mag-aaral sa kanilang pagpasok at pag-uwi mula sa paaralan.
Isang malaking pasasalamat sa inyong malasakit at dedikasyon para sa kinabukasan ng kabataan!






🟣 November 06, 2026📢 PAALALA AT BALITA SA KOMUNIDADIsinagawa ang pagkukumpuni at pagsasaayos ng manhole sa Ilang-Ilang s...
06/11/2026

🟣 November 06, 2026

📢 PAALALA AT BALITA SA KOMUNIDAD

Isinagawa ang pagkukumpuni at pagsasaayos ng manhole sa Ilang-Ilang st. upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng ating mga dumadaan na motorista at residente.

Ang hakbang na ito ay naisakatuparan sa ilalim ng patuloy na suporta at pamumuno ng ating butihing Punong Barangay, Kap. Jojo Abad, kasama ang pangunguna ng Co-Chairperson ng Land and Housing Committee, Kagawad Linda Ludovica.

Patuloy ang ating pamahalaang barangay sa pag-aksyon sa mga pangangailangan at pagpapaganda ng ating komunidad para sa kapakanan ng lahat ng Batasan residents!

📢 LOST & FOUND ITEMBARANGAY BATASAN HILLS  May natagpuan po tayong gamit na maaaring pagmamay-ari ng isa sa ating mga re...
06/11/2026

📢 LOST & FOUND ITEM
BARANGAY BATASAN HILLS
May natagpuan po tayong gamit na maaaring pagmamay-ari ng isa sa ating mga residente.

🎒 Detalye ng Item:

Uri: Kulay puti at itim na Nike sling bag

Petsa ng Pagkakasurrender:
Nobyembre 5, 2026 (4:30 PM)
ni Mr. Henry Tesalona

Nilalaman: Naglalaman ito ng ilang personal na gamit tulad ng fortune box, kutsara at tinidor, nail cutter, at susi.

📍 Saan maaaring i-claim?
Maaaring makuha ang naturang item sa Office of the Investigator sa New Barangay Hall ng Barangay Batasan Hills. Hanapin lamang si Sir Ben Camo.

⚠️ Mga Paalala:
✔️ Magdala ng wastong pagkakakilanlan (Valid ID).
✔️ Magbigay ng sapat na paglalarawan o patunay ng pagmamay-ari bago ma-release ang item.

"Ang tapat na pagsasauli ng mga natagpuang gamit ay pagpapakita ng malasakit at integridad sa ating komunidad."

🟣 Nov. 06, 2026📢💜 SERBISYO CARAVAN 2026: Serbisyong Lumalapit sa Mamamayan! 💜📢Ang Barangay Batasan Hills, sa pakikipagtu...
06/11/2026

🟣 Nov. 06, 2026
📢💜 SERBISYO CARAVAN 2026: Serbisyong Lumalapit sa Mamamayan! 💜📢

Ang Barangay Batasan Hills, sa pakikipagtulungan ng 11th Civil-Military Operations "Kaugnayan" Battalion, CMOR, Philippine Army, ay malugod na nag-aanyaya sa lahat ng mamamayan na makilahok sa SERBISYO CARAVAN 2026 na naglalayong maghatid ng iba't ibang libreng serbisyo at programa para sa kapakinabangan ng ating komunidad.

📅 Petsa: Nobyembre 14, 2026 (Sabado)
🕗 Oras: 8:00 ng Umaga
📍 Lugar: Covered Court, Barangay Payatas, Quezon City

Sa pangunguna nina:

✅ LTC Deodelyn A. Blas (GSC) PA
Commanding Officer, 11CMOBn, CMOR, PA

✅ CPT Jayson M. Guadalquiver (SC) PA

🎯 Mga Serbisyong Maaaring Mapakinabangan:
🔹 Libreng Massage
🔹 Ham Making Demonstration
🔹 Salted Egg Making Seminar
🔹 Libreng Haircut
🔹 Job Fair at Employment Opportunities
🔹 Fire Information and Prevention Awareness Program

Ang programang ito ay inihanda upang magbigay ng kaalaman, kabuhayan, at mahahalagang serbisyo na makatutulong sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng ating mga kababayan.

👨‍👩‍👧‍👦 Inaanyayahan ang mga residente ng:
📍 Barangay Batasan Hills
📍 Barangay Payatas
📍 Barangay Bagong Silangan

Sama-sama nating isulong ang isang mas maunlad, ligtas, at mas matatag na komunidad sa pamamagitan ng pagkakaisa ng pamahalaan, kasundaluhan, at mamamayan.

Tara na at makilahok sa Serbisyo Caravan 2026! Serbisyong may malasakit, serbisyong para sa bawat mamamayan! 🇵🇭✨







🇵🇭🪪 NATIONAL ID REGISTRATION & VERIFICATION ADVISORY 🪪🇵🇭📍 BARANGAY BATASAN HILLS, QUEZON CITY​📢 PAALALA SA LAHAT NG ATIN...
06/11/2026

🇵🇭🪪 NATIONAL ID REGISTRATION & VERIFICATION ADVISORY 🪪🇵🇭

📍 BARANGAY BATASAN HILLS, QUEZON CITY

​📢 PAALALA SA LAHAT NG ATING MGA KABARANGAY!

​Inaanyayahan ang lahat na magparehistro at magpa-verify ng inyong National ID sa ating Barangay Hall. Narito ang ating mga detalye at iskedyul:

​📝 REGISTRATION

​Limit: Hanggang 50–60 applicants lamang kada araw.

​✅ VERIFICATION

​Araw: Lunes hanggang Sabado

​Oras: 9:00 AM – 4:00 PM

​📍 LOKASYON

​Basement, New Barangay Hall, Barangay Batasan Hills, Quezon City

​🚫 WALANG OPERASYON SA MGA SUMUSUNOD NA PETSA:

​📅 November 6

​📅 November 9

​📅 November 12

​📅 November 19

​📅 November 23

​📅 November 24

​📄 MGA DAPAT DALHIN (WHAT TO BRING):

​👥 Para sa mga Adult (Sanggol hanggang Matanda):

​Anomang valid Government ID tulad ng Driver's License, UMID, PhilHealth, TIN ID, Passport, o Brgy. ID.

​👶 Para sa mga Bata:

​Original Birth Certificate, Student ID, o Barangay Clearance.

​🔍 Para sa Verification:

​Transaction Slip o Valid ID.

​⚠️ Pinapayuhan ang lahat na planuhin nang maaga ang pagpunta upang maiwasan ang abala.

​Maraming salamat sa inyong patuloy na pag-unawa at pakikipagtulungan! ❤️💙💛

​🇵🇭 BARANGAY BATASAN HILLS

Serbisyong Maaasahan, Serbisyong Makatao

​

🏆 CONGRATULATIONS, BARANGAY BATASAN HILLS! 🏆  Ipinagmamalaki nating ibalita na ang ating minamahal na Barangay Batasan H...
06/11/2026

🏆 CONGRATULATIONS, BARANGAY BATASAN HILLS! 🏆

Ipinagmamalaki nating ibalita na ang ating minamahal na Barangay Batasan Hills ay itinanghal na CHAMPION sa Food Security – Food Waste Recovery sa ginanap na Quezon City Green Awards 2026!

Ang tagumpay na ito ay patunay ng ating masigasig na pagtutulungan para sa kalikasan, kalusugan, at sa mas sustenableng kinabukasan ng ating komunidad. Maraming salamat sa bawat isa sa inyo sa inyong kooperasyon at dedikasyon!
Para sa mas luntian at mas matatag na kinabukasan! 🌱✨

🎉🎂 HAPPY BIRTHDAY, TREAS. LEA E. SERENAS! 🎂🎉Sa araw na ito ng iyong pagdiriwang, taos-pusong pagbati ang ipinapaabot ng ...
04/11/2026

🎉🎂 HAPPY BIRTHDAY, TREAS. LEA E. SERENAS! 🎂🎉

Sa araw na ito ng iyong pagdiriwang, taos-pusong pagbati ang ipinapaabot ng buong pamunuan at pamilya ng Barangay Batasan Hills. Nawa’y patuloy kang pagkalooban ng mabuting kalusugan, kaligayahan, lakas ng loob, at masaganang pagpapala sa bawat yugto ng iyong buhay.

Maraming salamat sa iyong dedikasyon, katapatan, at mahalagang paglilingkod sa ating komunidad. Hangad namin ang higit pang tagumpay, kapayapaan, at katuparan ng iyong mga pangarap sa mga darating pang taon.

✨ Nawa’y maging makabuluhan, masaya, at punong-puno ng biyaya ang iyong espesyal na araw. ✨

Maligayang Kaarawan, Treas. Lea E. Serenas! 🎈🎁🎊
Mula sa inyong Barangay Batasan Hills Family

🎉💙💛

🟣 Nov. 04, 2026🎃 TAKUTAN AT KASIYAHAN SA BARANGAY! 👻Bilang bahagi ng ating selebrasyon ng Halloween, nagkaroon ng masaya...
04/11/2026

🟣 Nov. 04, 2026

🎃 TAKUTAN AT KASIYAHAN SA BARANGAY! 👻

Bilang bahagi ng ating selebrasyon ng Halloween, nagkaroon ng masayang paligsahan sa pagitan ng iba't ibang opisina ng ating mga kawani ng barangay nitong nakaraang biyernes ika 30 ng Oktubre! Ipinamalas ng bawat grupo ang kanilang pagiging malikhain, pagkakaisa, at siyempre... ang nakakatakot nilang mga dekorasyon at kostyum! 🧟‍♂️🧛‍♀️

Isang taos-pusong pasasalamat din sa ating mga natatanging hurado—ang mga officers mula sa ating mga karatig-subdivision—na naglaan ng kanilang oras para kilatisin ang pinaka-panalo ngayong Undas! 🏆

🟣 Nov. 04, 2026🎃 SPOOK-TACULAR MEETING 👻Sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay, Kap. Jojo Abad, naging masigla,...
04/11/2026

🟣 Nov. 04, 2026

🎃 SPOOK-TACULAR MEETING 👻

Sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay, Kap. Jojo Abad, naging masigla, makulay, at masaya ang ginanap na Monthly Meeting ng ating mga Purok Leaders sa Barangay na ginanap nitong nakaraang biyernes Ika 30 ng Oktubre! 🧙‍♀️✨

Kahit naka-costume ang ating mga lider para sa ating Halloween celebration, tuloy-tuloy ang seryosong talakayan para sa ikabubuti ng bawat purok. Masayang nakadaumpalad din ng ating pamunuan at mga Purok Leaders ang ating masipag na Konsehal, Coun. Alfred Vargas, na nakiisa ngayong araw. 🍬🎃

Maraming salamat kina Kap. Jojo Abad, Coun. Alfred Vargas, at sa ating mga Purok Leaders sa patuloy na pagtutulungan at dedikasyon sa paglilingkod sa ating komunidad! ❤️

Address


Telephone

+639175025154

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Batasan Hills posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Brgy. Batasan Hills:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share