06/11/2026
🔵 Nov. 06, 2026
Magandang Gabi mga Kabarangay ‼
🎒BANTAY ESKWELA, BANTAY KABATAAN! 🚦
Sa ilalim ng matatag na pamumuno ng ating Butihing Punong barangay, Kap. Jojo Abad, matagumpay na naisagawa ang Bantay Eskwela sa San Diego Elementary School (SDES), (BNHS) Batasan National High School at (PCCAES) Pangulong Corazon C. Aquino Elementary School, katuwang ang ating mga Traffic Enforcers, Environmental Enforcers, BPSO, Team BARCO, Purok Leaders, at masisigasig na Volunteers. Na pinangunahan nila Admin External Ramil Ventura at Executive officer Cleopas Gaspay Kasama ang kapulisan.
🎯 Layunin: Tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng mga mag-aaral sa kanilang pagpasok at pag-uwi mula sa paaralan.
Isang malaking pasasalamat sa inyong malasakit at dedikasyon para sa kinabukasan ng kabataan!