16/10/2026
🌊 **BEACH AND WEATHER ADVISORY**
🟡 **YELLOW FLAG | MEDIUM HAZARD CONDITIONS**
📅 October 17, 2026 | 6:00 AM
Nananatiling nasa **YELLOW FLAG STATUS** ang mga baybaying-dagat ng Morong, Bataan dahil sa katamtamang panganib dulot ng banayad hanggang katamtamang lakas ng alon at pabago-bagong lagay ng panahon.
✅ **PINAPAYAGAN:**
• Paglangoy at iba pang water activities.
⚠️ **MAHAHALAGANG PAALALA:**
• Mag-ingat sa paglangoy at water activities.
• Siguraduhing may nakatalagang lifeguard.
• Huwag hayaang lumangoy nang walang gabay ang mga bata.
• Pinapayuhang umiwas sa paglangoy ang senior citizens, PWDs, at mga hindi bihasang manlalangoy.
• Maging alerto sa biglaang pagbabago ng panahon, lalo na sa hapon hanggang gabi.
🌦️ **WEATHER UPDATE**
Ayon sa PAGASA 24-Hour Public Weather Forecast, easterlies ang nakaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon. Inaasahan ang partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.
Patuloy na mino-monitor ng MDRRMO ang kondisyon ng dagat at panahon. Maaaring magbago ang beach flag status anumang oras depende sa aktuwal na kondisyon.
**MAG-INGAT. MAGING MAPAGMATYAG. ANG KALIGTASAN AY PANANAGUTAN NATIN LAHAT.**
📍 MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE
Morong, Bataan