Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan

Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan

Share

Official Page of the Sangguniang Kabataan of Barangay Binaritan, Morong, Bataan 🇵🇭

24/03/2026

Happiest birthday to our Engineer and Number 1 SK Kagawad Loyd Albarda! 🥳🎂
Thank you for your unwavering dedication to the youth of our barangay. Greetings from your family 💛

Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan's post 16/03/2026

𝐎𝐮𝐭𝐫𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 | “𝙺𝚠𝚎𝚗𝚝𝚘 𝚗𝚐 𝙿𝚊𝚗𝚊𝚗𝚊𝚖𝚙𝚊𝚕𝚊𝚝𝚊𝚢𝚊, 𝙰𝚛𝚊𝚕 𝚜𝚊 𝙿𝚊𝚐𝚙𝚊𝚙𝚊𝚑𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊” 💛

Noong Marso 14, 2026 ay nagsagawa ang Morong National High School Teachers & Student Leaders kasama ang SK Binaritan at mga youth volunteers ng pagpapabasa at feeding program para sa mga bata ng Binaritan.

Lubos ang ating pasasalamat sa Morong National High School sa isang makabuluhang aktibidad para sa mga kabataan.

Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan's post 13/03/2026

𝐒𝐊 𝐁𝐢𝐧𝐚𝐫𝐢𝐭𝐚𝐧 - 𝐋𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐊𝐚𝐧𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 🎓✨

Ikatlong taon ng pagbibigay serbisyo (𝒇𝒓𝒆𝒆 𝒈𝒓𝒂𝒅𝒖𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒑𝒊𝒄𝒕𝒖𝒓𝒆) ng SK Binaritan sa mga kabataang magsisipagtapos sa Kanawan Integrated School. Pagbati sa mga kabataan ng Kanawan, tuloy-tuloy lang sa pag-abot ng mga pangarap! 💛

Special thanks to:
📸: Sir Nelson P. Silva
🧑‍🎓: Ms. Maribel Paguio Santos
🍛: Ms. Mitch Alejo
🏫: Kanawan IS headed by Sir Leo Domingo

Youth Leaders & Volunteers:
SK Cyrell Mae Magtanong Zalamea
SK Erick Jemiel Pastelero
SK Tiffany Joy Doctor
Paulene Pilipino
Kairos Pastelero


Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan's post 01/03/2026

𝐁𝐢𝐧𝐚𝐫𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐕𝐨𝐥𝐥𝐞𝐲𝐛𝐚𝐥𝐥 𝐓𝐞𝐚𝐦 💙🏐

Ginanap ngayong araw (Linggo) March 1, 2026 ang Binaritan Volleyball Training (Boys & Girls) sa BTPI Covered Court bilang paghahanda sa nalalapit na Inter-Barangay 2026.

Taos-pusong pasasalamat kay sir Elmer (Boonz) Santos sa muling pagpapahiram ng mga kagamitang pang volleyball at sa mga manlalaro ng ating barangay na naglaan ng kanilang oras upang mag-ensayo. Pasasalamat din sa pamunuan ng BTPI sa pagpapahiram ng court na pinagdarausan ng ating training.

Patuloy ang suporta ng buong Konseho ng SK Binaritan sa paglinang at paghasa ng talento sa larangan ng volleyball. Ating pong suportahan ang mga Kabataang manlalaro ng Binaritan! ✨


Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan's post 28/02/2026

𝐓𝐮𝐧𝐞-𝐔𝐩 𝐆𝐚𝐦𝐞 | 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐁𝐢𝐧𝐚𝐫𝐢𝐭𝐚𝐧 & 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐌𝐚𝐛𝐚𝐲𝐨 🏀

Ginanap ngayong araw (Sabado), Pebrero 28, 2026 ang Tune-Up Game ng kupunan ng Binaritan at Mabayo (25 below) sa BTPI Covered Court.

Lubos ang ating pasasalamat sa pagpapaunlak ng Team Mabayo sa ating imbitasyon sa pangunguna ni SB James Darwin Castro at SK Mabayo Officials upang sila ay makalaro sa larangan ng Basketball.

Nais din po naming pasalamatan ang ating masipag na coach ng Binaritan na si sir Carmelo Barrera sa pagbabahagi ng kanyang oras at talento para sa mga kabataang manlalaro ng Binaritan.

Sabay-sabay po nating pagyamanin at suportahan ang talento ng mga manlalarong kabataan sa Morong, Bataan 💙


25/02/2026

Happiest birthday SK Kagawad Patrick! 🥳🎂
Thank you for your unwavering dedication to the youth of our barangay. Greetings from your family 💛

Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan's post 23/02/2026

𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐁𝐢𝐧𝐚𝐫𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐑𝐢𝐯𝐞𝐫 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧-𝐔𝐩 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 🍃

Kahapon araw ng Linggo (February 22, 2026) ay nagsagawa ang Barangay Binaritan ng clean-up drive sa Morong River (Hanging Bridge) kasama ang masisipag na mga Barangay Kagawad, Barangay Tanod, SK Binaritan Officials, at ilang mga estudyante na buong pusong nakiisa para sa ikagaganda at ikalilinis ng ating ilog.

Palagi po nating panatilihin ang disiplina at kalinisan sa ating kalikasan, isang hakbang upang maprotektahan ang ating likas na yaman.


19/02/2026

Maligayang Kaarawan SB Member Hon. Jomar A. Castro 🥳🎂 Pagbati mula sa iyong SK Binaritan family 💛

🎉 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐒𝐁 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐇𝐨𝐧. 𝐉𝐨𝐦𝐚𝐫 𝐀. 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐫𝐨! 🎉

Sa espesyal na araw na ito, taos-puso kaming bumabati at nagpapasalamat sa inyong patuloy at tapat na paglilingkod sa bayan ng Morong.

Bilang masipag na Chairman sa larangan ng mga panuntunan, kooperatiba, kalikasan, paggawa at karapatang pantao, at aktibong katuwang sa usaping legal, agrikultura, pamilihan, at iba pang mahahalagang komite ng Sangguniang Bayan, tunay na makikita ang inyong dedikasyon at malasakit para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang mas marami pa kayong mapaglingkuran.

Mabuhay po kayo at ang inyong adhikain para sa isang mas maunlad na Morong! 💚✨

17/02/2026

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan ay taos-pusong nakikiramay sa buong pamilya. Hanggang sa muling pagseserbisyo sa Kabataan, KK Secretary Bien Vicedo! 🕊️🤍🙏🏻

Isang kapwa kabataan na naglingkod para sa ating Bayan. Paalam KK Secretary ng Poblacion, Bien Vicedo 🕊️🤍

Ang iyong SK Morong family ay nalulungkot sa iyong maagang paglisan. Maraming salamat sa maikling panahon na nakasama ka namin upang paglingkuran ang ating mga kapwa Kabataan. Baunin mo ang aming panalangin at pagmamahal. 🙏🏻

Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan's post 12/02/2026

Sa mga panahong ang isang kababayan ay humaharap sa matinding pagsubok, ang tunay na lakas ng komunidad ay nasusukat sa pagkakaisa at malasakit.

Muli, ang kabataan ng Morong ay nagtitipon bilang iisa, dala ang iisang layunin na maghatid ng pag-asa at suporta para kay Bien Vicedo, na kasalukuyang lumalaban sa Liver Cancer.

Si Bien ay hindi lamang isang kabataan ng Brgy. Poblacion, kundi isang masipag na lingkod-bayan at Katipunan ng Kabataan Officer na naging bahagi ng maraming adbokasiya at gawain para sa komunidad. Ngayon, tayo naman ang kanyang kakampi.

Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa aming mga fundraising initiatives. Ang bawat pakikilahok, suporta, at ambag ay magsisilbing mahalagang bahagi ng kanyang gamutan at patuloy na laban.

Sama-sama nating ipakita na ang diwa ng bayanihan ay nananatiling buhay sa puso ng bawat taga-Morong.

📌 Para sa karagdagang detalye, maari po kayong makipag-ugnayan sa aming mga volunteer youth leaders:

SK Chairman – Poblacion: Lance Edward Fernandez
SK Chairman – Binaritan: Godwin Paguio Bermejo
SK Chairman – Sabang: Jayson Reyes Topasi
SK Chairman – Nagbalayong: Jhoven Jay Manalo Omoy
SK Kagawad – Yor Trillo
SB Ac Noriega Millares
Kagawad Kevin Ivan Domingo Nano
Kagawad Johnchel Cel Castro
Engr. Maria Vinus Paguio
KK President: John Jerick Gonzales Ruiz
BECS President: Iwa Marie

Higit sa lahat, patuloy nating ipagdasal ang kagalingan ni Bien, nawa’y muli niyang maipagpatuloy ang kanyang paglilingkod sa ating komunidad.

Magkita-kita po tayo. Para kay Bien. Para sa Bayanihan.

Ctto: Juno Paguio

Photos from Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan's post 08/02/2026

𝐁𝐢𝐧𝐚𝐫𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐕𝐨𝐥𝐥𝐞𝐲𝐛𝐚𝐥𝐥 𝐓𝐫𝐲𝐨𝐮𝐭𝐬 🏐

Ginanap kaninang umaga (Pebrero 8, 2026) sa Hilltop Covered Court ang Volleyball Tryouts (Boys & Girls). Ito ay pinangunahan ng kanilang mga coach na sina Sir B**g Molina at Sir Jayson Tallorin. Kasama at nagbigay din suporta sina Jerich Flojo at Erah Albarda.

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Binaritan ay lubos na nagpapasalamat kay Sir Elmer Santos sa pagpapahiram ng mga kagamitan pang volleyball. Kami rin po ay nagpapasalamat sa Barangay Sabang sa pangunguna ni Kgg. Federico E. Taba (Kap. Puti) sa pagpapahiram ng Hilltop Covered Court upang maisagawa at mairaos ang Volleyball Tryouts bilang paghahanda sa darating na Inter-Barangay 2026.

Sabay-sabay nating suportahan at ipakita ang galing at husay ng mga manlalarong balibolista ng Barangay Binaritan. 💙✨


Want your business to be the top-listed Government Service in Morong?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Binaritan
Morong
2108