12/10/2026
National School safety week!
Reciting of the Community Pledge!!
PANATA NG BUONG KOMUNIDAD
PARA SA MAS LIGTAS NA PAARALAN
Bilang bahagi ng isang nagkakaisang komunidad, buong puso kaming nangangakong pangangalagaan ang bawat bata at itataguyod and kanilang kaligtasan, kalusugan, at kapakanan.
Nangangako kaming itaguyod ang mga paaralang ligtas, mapagkalinga, at gumagalang sa dignidad at karapatan ng bawat bata.
Maninindigan kami laban sa bullying, karahasan, diskriminasyon, at anumang uri ng pang-aabuso.
Pakikinggan namin ang mga bata, igagalang ang kanilang tinig, at tutugon sa kanilang mga pangangailangan at hinaing.
Gagabayan at poprotektahan namin ang mga bata laban sa anumang panganib, sa loob man o labas ng paaralan.
Taglay ang diwa ng malasakit at pagkakaisa, nangangako kaming magtutulungan at sama-samang kikilos, sapagkat ang kaligtasan at kapakanan ng bawat bata ay pananagutan nating lahat.
Para sa bawat batang ligtas, malusog, at panatag ang kalooban.
Para sa bawat batang malayang matuto, umunlad, at mangarap.
Ito ang aming panata. Ito ang aming pananagutan.