Mulanay Tourism

Directions Website

Mulanay Tourism Mabuhay! This is the Official page of Mulanay Tourism Office. Please follow and Like for more exciting events and activities.

PABATID SA MGA MAMAMAYAN NG MULANAYSinisimulan na po ng Pamahalaang Bayan ng Mulanay, sa pamamagitan ng Tourism, Heritag...
17/09/2026

PABATID SA MGA MAMAMAYAN NG MULANAY

Sinisimulan na po ng Pamahalaang Bayan ng Mulanay, sa pamamagitan ng Tourism, Heritage Development, Culture and the Arts Section, ang Mulanay Cultural Mapping Project alinsunod sa Republic Act No. 10066 (National Cultural Heritage Act of 2009).

Inaanyayahan po ang lahat ng mamamayan na makibahagi sa pagdodokumento ng mga pamanang kultural ng ating bayan. Kung mayroon po kayong impormasyon tungkol sa mga bagay, lugar, tradisyon, o iba pang may mahalagang ambag sa kasaysayan at kultura ng Mulanay, maaari po kayong lumapit sa Tourism Office upang ito ay masuri at maaaring maisama sa ating isinasagawang cultural mapping.

Maaaring kabilang dito ang mga sumusunod:

• Mga bahay, gusali, simbahan, tulay, monumento, at iba pang estrukturang may 50 taon o higit pa ang edad
• Mga antigong kagamitan, kasangkapan, dokumento, larawan, aklat, at iba pang bagay na may kahalagahang pangkasaysayan at pangkultura
• Mga tradisyon, ritwal, pagdiriwang, awiting-bayan, sayaw, alamat, at kuwentong-bayan
• Mga katutubong pagkain, sining, at likhang-kamay na nagpapakita ng pagkakakilanlan ng Mulanay
• Mga pook na may mahalagang kaugnayan sa kasaysayan, kultura, at pamumuhay ng ating mga ninuno
• Iba pang tangible at intangible cultural heritage na may kaugnayan sa ating bayan

Ang inyong pakikilahok ay mahalaga upang sama-sama nating mapangalagaan at maipamana sa mga susunod na henerasyon ang mayamang kasaysayan at kulturang Mulanayin.



08/09/2026

CONGRATULATIONS!

The Provincial Government of Quezon is once again set to bring honor and pride to our beloved province at the upcoming ATOP Pearl Awards 2026 which will be held on October 21, 2026 in Ormoc City.

The Provincial Government of Quezon, through the Provincial Tourism Office, Quezon Province has proudly made it as NATIONAL FINALIST among all the provinces across the Philippines, with entries recognized in the following categories:

• Best Tourism-Oriented LGU
• Most Outstanding Provincial Tourism Officer – Mr. Nesler Louies C. Almagro, MMPA
• Best Tourism Event – Cultural: Festival – Niyogyugan Festival
• Best Practices on Sustainable Tourism – Semana Santa 2025: Observance Pre-evaluation and Monitoring Activity to SAMATOQuezon
• Most Outstanding Tourism Officers Organization – SAMATOQuezon

This is a remarkable recognition of our province’s outstanding efforts and tourism initiatives with commitment to sustainable tourism, destination management, preservation and promotion of our heritage, culture, and arts.

Quezon Province, your excellence shines on the national stage!


08/09/2026

PAGPUPUGAY SA PROBINSYA NG QUEZON! 🏆

Sa pagkakamit ng 2nd Runner-Up – Best Booth (Regional/Provincial Category) at 2nd Runner-Up – Best Presentation sa 37th Philippine Travel Mart! 🇵🇭✨

Ang mga parangal na ito ay patunay ng ating pagkamalikhain, husay, at pagmamahal sa kultura at turismo ng Quezon.

Mula sa ating makukulay na tradisyon hanggang sa natatanging mga destinasyon at produkto, patuloy nating ipinagmamalaki ang ganda at yaman ng Quezon!

Taos pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng ating tagumpay. Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa iilan, kundi para sa bawat Quezonian na patuloy na nagmamalaki, nagsusulong, at nagbibigay-buhay sa turismo at kultura ng ating lalawigan.

Mabuhay ang Quezon!
Mabuhay ang mga Quezonian!



06/09/2026

✨Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, abangan ang mga Kwento ng Pag-asa, Malasakit, Kalinga at Pagmamahal nagbigay ng Ningning sa buhay ng ilang Mulanayin.💫

Mulanay: Aangat at Magniningning Ngayong Pasko 2026 — Year 4 🎄✨♥️



NAKAGAYAK NA, READY NA! Dala namin ang mga gawang Mulanayin na deserve makita, matikman, at ma-flex sa 37th Philippine T...
02/09/2026

NAKAGAYAK NA, READY NA!

Dala namin ang mga gawang Mulanayin na deserve makita, matikman, at ma-flex sa 37th Philippine Travel Mart (PTM)!

📍 SMX Convention Center, Pasay City
📅 September 4–6, 2026

Tara na sa Quezon!
Bisitahin at tuklasin ang makulay na lalawigan ng Quezon—punô ng ganda, kultura, kwento, at mga gawang sariling atin.

From our local products to our stories, culture, and local pride, let’s put Mulanay on the map and take our tourism to the next level.

ANGAT, MULANAY!
SMILE MULANAY.
Discover. Experience. Support Local.

Tara na ngani! Kita-kits sa PTM!





01/09/2026
20/08/2026
Ngayong ikalawang araw ng pagdiriwang ng Likhang Niyogyugan 2026, nakiisa ang Mulanay sa Business-to-Business (B2B) Netw...
18/08/2026

Ngayong ikalawang araw ng pagdiriwang ng Likhang Niyogyugan 2026, nakiisa ang Mulanay sa Business-to-Business (B2B) Networking Session ngayong Agosto 18, 2026.

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng turismo ng ating bayan, makikipag-ugnayan at makikipag-usap tayo sa mga tour operators upang maipakilala ang mga natatanging attraction sites at mga ipinagmamalaking lokal na produkto ng Mulanay, gayundin upang matalakay ang mga oportunidad para higit pang mapaunlad at maisulong ang turismo sa ating bayan.

Sa pamamagitan ng B2B Networking Session, layunin nating makalikha ng mga bagong ugnayan at partnership na magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa ating mga tourism stakeholders, lokal na produkto, at komunidad.

MATAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG 5-DAY LOCAL CULTURAL MAPPER TRAINING WORKSHOPMULANAY, QUEZON | Agosto 14, 2026 — Matagumpay ...
14/08/2026

MATAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG 5-DAY LOCAL CULTURAL MAPPER TRAINING WORKSHOP

MULANAY, QUEZON | Agosto 14, 2026 — Matagumpay na naisagawa ang Five-Day Training Workshop for Local Cultural Mappers na ginanap mula Agosto 10–14, 2026 sa Senior Citizen Building, Brgy. Poblacion 4, Mulanay, Quezon.

Bahagi ito ng Cultural Mapping Project ng Bayan ng Mulanay, na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Mulanay sa pakikipag-ugnayan sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), sa pangunguna ni Kgg. Aristotle L. Aguirre, Punong Bayan, sa ilalim ng Tanggapan ng Pambayang Turismo, at sa suporta ng Sangguniang Bayan, sa pangunguna ni Kgg. Jay Castilleja, Pangalawang Punong Bayan.

Naging bahagi ng pagsasanay ang mga Local Mapper mula sa LGU Mulanay, PUP Mulanay, DepEd Mulanay District 1 at 2, mga lokal na historyador, at iba pang boluntaryo.

Sa loob ng limang araw, nahasa ang kanilang kaalaman sa pananaliksik, dokumentasyon, pangangalap ng datos, at pagkilala sa mga yamang kultural ng Mulanay bilang paghahanda sa aktuwal na cultural mapping sa iba't ibang bahagi ng bayan.

Layunin ng proyekto na kilalanin, idokumento, pangalagaan, at maipasa sa susunod na henerasyon ang mayamang kultura at pamanang Mulanayin.

Sama-sama nating tuklasin, pangalagaan, at ipagmalaki ang kultura at pamana ng Mulanay! ❤️




Address

Egualidad Street
Mulanay
4312

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mulanay Tourism posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share