30/03/2026
๐ช๐ผ๐บ๐ฏ ๐๐ผ ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ผ๐๐ฝ ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด
๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต ๐ฏ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฅ๐ผ๐ผ๐บ, ๐ ๐๐ป๐๐ถ๐ป๐น๐๐ฝ๐ฎ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ช๐ผ๐บ๐ฒ๐ป
Ginanap ngayong araw, Marso 30, 2026, ang 1st Quarter Womb to Work Program (WWP) Technical Working Group (TWG) Meeting para sa taong 2026. Layunin ng pulong na ito ang mas maayos na paghahanda sa implementasyon ng programa at ang patuloy na pagbibigay ng komprehensibong serbisyo para sa mga benepisyaryo nito.
Ilan sa mga mahahalagang tinalakay ay ang mga proseso para sa registration, assessment ng mga potensyal na benepisyaryo, pag-eendorso sa ibaโt ibang opisina at departamento, at ang sistema ng referral para sa mga buntis na ina na manganganak sa health facilities.
Napag-usapan din ang pagbibigay ng financial assistance para sa mga Nutritionally-at-Risk (NAR) Pregnant Mothers na kabilang sa programa.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit sa 200 rehistradong aplikante na kwalipikado sa WWP.
Ipinapakita ng Technical Working Group ang kanilang matibay na komitment na tumuon sa kapakanan ng mga buntis na ina, kundi pati na rin sa kanilang pamikya.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga pinuno at kinatawan ng mga sumusunod na opisina at organisasyon na aktibong nakiisa sa pulong:
โข City Health Office โ Maternal and Child Health Program
โข City Health Office โ Nutrition Division
โข Colegio de Muntinlupa
โข Community Affairs Development Office
โข Early Childhood Education Division
โข Gender and Development Office
โข Lingkod Muntinlupa Foundation, Inc. (NGO)
โข Local Civil Registry Office
โข Muntinlupa City Public Library
โข Muntinlupa City Technical Institute
โข Muntinlupa Entrepreneurship Financing Division
โข Muntinlupa Population Development Office
โข Office of City Councilor Engr. Arlene Hilapo
โข Office of the City Mayor
โข Persons with Disability Affairs Office
โข Peopleโs Coordinating and Monitoring Office
โข Public Employment Service Office
โข Social Services Department
Ang Muntinlupa City GAD Focal Point System Co-Chairperson na si Ms. Trina Biazon ay nanguna sa pagsusulong ng mga family-centered programs at sa patuloy na pagtutok sa kalusugan ng mga ina.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pagpapatupad ng Womb to Work Program tungo sa mas maunlad, mas malusog, at mas matatag na Pamilyang Muntinlupeรฑo.
25/03/2026
๐ช๐ผ๐บ๐ฏ ๐๐ผ ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐โ ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต ๐ฎ๐ฐ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ป๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Womenโs Month, matagumpay at makabuluhang naisagawa noong Marso 24, 2026 ang Womb to Work Program Beneficiariesโ Assembly 2026 sa Alabang Central Market. Bahagi ito ng Womb to Work Program, isa sa mga flagship programs ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pamumuno ni Mayor Ruffy Biazon. Sa nasabing aktibidad, kinilala ang mga qualified registered applicants at nabigyan sila ng mahahalagang kaalaman sa Nutrition at Maternal Health, kasabay ng pamamahagi ng rice, nutripacks at vitamins tulad ng calcium, ferrous sulfate, at folic acid.
Isang mahalagang bahagi rin ng programa ang pormal na paglagda ng mga eligible registered applicants sa Kasunduan para sa Womb to Work Program, bilang patunay ng kanilang pakikiisa at commitment na maging aktibong bahagi ng mga alituntunin at aktibidad ng programa.
Lubos ang aming pasasalamat sa mga katuwang na tanggapan, City Health Office (Maternal and Child Health at Nutrition), Gender and Development Office, Local Civil Registry Office, at Social Services Department, sa kanilang patuloy na suporta at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa mga programang handog para sa ating mga benepisyaryo.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay Ms. Trina Reyes-Biazon sa kanyang presensya at makabuluhang mensahe, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga ina sa pamilya at komunidad, isang paalala na sila ay nararapat suportahan, alagaan, at pahalagahan sa bawat yugto ng kanilang pagdadalang-tao.
Kinikilala rin natin ang mga pinuno ng ibaโt ibang tanggapan na nakiisa at nagbigay-suporta sa aktibidad, sina Mr. Reggie Salonga ng Gender and Development Office, Mr. Daniel Chito Valerio I ng Local Civil Registry Office, Dr. Glyn Roxas-Pablo, Coordinator ng Maternal and Child Health, at Dr. Cherry Navidad, Assistant City Nutrition Action Officer.
Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, patuloy nating isinusulong ang mga programang nakatuon sa kalusugan at kapakanan ng mga buntis, patunay ng ating malasakit sa bawat ina at sa kinabukasan ng bawat pamilyang Muntinlupeรฑo.
City Government of Muntinlupa - OFFICIAL
20/03/2026
Maligayang kaarawan, Mayor Ruffy Biazon! Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa mga ina ng Lungsod ng Muntinlupa sa pamamagitan ng mga programang nagsisilbing daan at oportunidad upang higit pang mapabuti ang kanilang kalagayan at umunlad ang kanilang mga pamilya.
๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐๐ฒ, ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ฎ๐๐๐ฒ ๐๐ข๐๐ณ๐จ๐ง! ๐๐
Sa ilalim ng iyong pamumuno, tuloy-tuloy ang progreso ng ating lungsod through the 7K Agendaโmga programang nakatuon sa mas maayos na serbisyo at mas magandang kinabukasan para sa bawat Muntinlupeรฑo.
Maraming salamat sa pamumunong laging inuuna ang kapakanan ng ating mga kababayan, โMuntinlupeรฑo First.โ
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, maligayang kaarawan at patuloy na tagumpay sa inyong paglilingkod, Mayor Ruffy Biazon!
18/03/2026
๐ช๐ผ๐บ๐ฏ ๐๐ผ ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด
๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต ๐ญ๐ณ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ ๐๐ป๐๐ถ๐ป๐น๐๐ฝ๐ฎ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ช๐ผ๐บ๐ฒ๐ป
Isang makabuluhang pagpupulong ang isinagawa ng Womb to Work Program, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Technical Working Group (TWG) Committees on Women and Children at Health.
1) Gender and Development Office
2) City Health Office
3) Ospital ng Muntinlupa
4) Local Civil Registry Office
5) Muntinlupa Population Development Office
6) People's Coordinating and Monitoring Office
7) Social Services Department
Layunin ng pagtitipon na higit pang mapalakas ang koordinasyon ng mga opisina, maayos ang daloy at mga proseso ng programa at maipabatid ang mga updates hinggil sa registration ng mga aplikante sa Health Centers.
Ang meeting ay nagsilbing paghahanda para sa mas pinahusay na mga serbisyo at programang nakalaan para sa ating mga Womb to Work Program beneficiaries at kanilang pamilya. Kabilang dito ang pagbibigay-suporta sa mga nutritionally-at-risk pregnant women bilang bahagi ng 7K Agenda ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa ilalim ng โKalusugan.โ Layunin nitong putulin ang siklo ng kahirapan sa pamamagitan ng pamumuhunan sa human capital at pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan, nutrisyon, at early childhood care and development.
Lubos ang ating pasasalamat kay Mayor Ruffy Biazon sa kanyang walang sawang pagsusulong ng holistic at family-centered initiatives at kay Councilor Amanda Camilon, City Council Committee Chairperson on Health, sa patuloy na suporta para sa pag-unlad ng Pamilyang Muntinlupeรฑo.
Dumalo rin sa nasabing pagpupulong ang mga pinuno ng ibaโt ibang tanggapan na katuwang sa pagpapatupad ng programa:
Mr. Reggie Salonga โ Gender and Development Office
Mr. Daniel Chito Valerio - Local Civil Registry Office
Ms. Analyn Mercado โ Social Services Department
Ms. Mildred Andaleon โ Muntinlupa Population Development Office
Dr. Carolyn Magalong โ City Health Office
08/03/2026
Happy International Womenโs Day! ๐
๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐ฆ๐๐งโ๐ฌ ๐๐๐ฒ! ๐
Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pagdiriwang ng International Womenโs Day ngayong March 8, para kilalanin ang lakas, ambag, at tagumpay ng mga kababaihan sa ating komunidad.
Sa pangunguna ni Mayor Ruffy Biazon, patuloy na pinalalakas ng lokal na pamahalaan ang mga programang nagtataguyod ng gender equality at women empowermentโmula sa health services, livelihood at skills training, hanggang sa mga programa laban sa gender-based violence sa tulong ng Muntinlupa Gender And Development Office at iba pang ahensya ng lungsod.
Patuloy nating itaguyod ang isang Muntinlupa na ligtas, patas, at nagbibigay oportunidad para sa lahat ng kababaihan.
27/02/2026
๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐ฟ๐, ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ถ๐ฑ๐๐ถ๐๐ฒ๐ ๐ผ๐ป ๐๐ต๐ฒ ๐ช๐ผ๐บ๐ฏ ๐๐ผ ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ (๐ช๐ช๐ฃ)
๐๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ฑ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ ๐๐๐ฒ๐ผ ๐ป๐ด ๐ ๐๐ป๐๐ถ๐ป๐น๐๐ฝ๐ฎ
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng Womb to Work Program, isinagawa noong Pebrero 25, 2026 sa Museo ng Muntinlupa ang Orientation para sa Barangay Health Workers, Social Workers, Midwives, at GAD Community Affairs Officers (GAD-CAO) and GAD Coordinators.
Dinaluhan ito ng mga katuwang na tanggapan mula sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, kabilang ang Gender and Development Office, Office of the City Mayor, City Health Office, Social Services Departmentat Peopleโs Coordinating and Monitoring Office.
Ang orientation ay nahati sa dalawang sesyon. Sa ikalawang bahagi (PM Session), nakatuon ang activity sa awareness sa pagsasagawa ng assessment at interview sa mga posibleng benepisyaryo ng programa. Kasama ang ating mga Social Workers, Gender and Development Community Affairs Officers (GAD-CAO), at mga GAD Coordinators, tinalakay ang kabuuang overview ng Womb to Work Program Ordinanceโmula sa eligibility criteria, process flow, tamang pagsagot sa mga form hanggang sa step-by-step procedure ng assessment at pag-interview sa Health Center.
Nagkaroon din ng Workshop na pinangunahan ng Social Services Department upang magbigay ng gabay sa tamang paraan ng pag-interview at pag-assess ng potential beneficiaries. Samantala, ang Peopleโs Coordinating and Monitoring Office ay nagbigay ng pagsasanay sa wastong pag-fill out ng mga form.
Nagpahayag ng suporta si Ms. Trina Biazon, Co-Chairperson ng Muntinlupa GAD Focal Point System sa pagbibigay ng mga komprehensibong programa upang matugunan ang pangangailangan hindi lamang ng mga buntis na ina kundi pati na rin ng kanilang pamilya. Ito ay mahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng progresibo at maunlad na pamilya na nakapaloob sa 7K Agenda ng Pamahalaang Lungsod.
Muli, taos-puso ang pasasalamat sa lahat ng opisina sa kanilang aktibong partisipasyon at pakikipagtulungan para sa mas maayos at epektibong implementasyon ng Womb to Work Program.
27/02/2026
๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐ฟ๐, ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ถ๐ฑ๐๐ถ๐๐ฒ๐ ๐ผ๐ป ๐๐ต๐ฒ ๐ช๐ผ๐บ๐ฏ ๐๐ผ ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ (๐ช๐ช๐ฃ)
๐๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ฑ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ ๐๐๐ฒ๐ผ ๐ป๐ด ๐ ๐๐ป๐๐ถ๐ป๐น๐๐ฝ๐ฎ
Matagumpay na naisagawa noong Pebrero 25, 2026 ang Orientation para sa mga Barangay Health Workers (BHWs), Social Workers and Midwives (WWP Coordinators) na ginanap sa Museo ng Muntinlupa.
Sa sesyon sa umaga (AM session), dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Gender and Development Office, Office of the City Mayor, City Health Office, Social Services Department at Peopleโs Coordinating and Monitoring Office.
Sa naturang aktibidad, nabigyan ang mga Barangay Health Workers at Midwives ng komprehensibong overview hinggil sa City Ordinance No. 2022-035 o ang Womb to Work Program Ordinance, kabilang ang mga benepisyaryo, eligibility criteria at mga programang nakapaloob dito. Sa pangunguna ni Dr. Glyn Pablo, Maternal and Child Health Program Coordinator, malinaw na naipaliwanag kung sinu-sinong mga ina ang kwalipikadong mapasama sa programa.
Nagkaroon din ng step-by-step na gabay sa wastong pagsagot ng mga kinakailangang form, gayundin ng workshop simulation sa tamang pag-administer ng mga ito, sa pakikipagtulungan ng Peopleโs Coordinating and Monitoring Office.
Nagpahayag naman ng suporta si Ms. Trina Biazon, Co-Chairperson ng Muntinlupa GAD Focal Point System, at binigyang-diin ang patuloy na paninindigan ng Pamahalaang Lungsod na tugunan ang pangangailangan ng mga buntis na ina at kanilang mga pamilya, alinsunod sa 7K Agenda.
Layunin ng aktibidad na ito na higit pang mapabuti at mapalakas ang implementasyon ng Womb to Work Program upang mas maraming pamilyang Muntinlupeรฑo ang ating matulungan.
20/02/2026
๐ช๐ช๐ฃ ๐๐ผ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ต ๐๐๐๐๐๐ข ๐๐น๐๐๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐
๐๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ญ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฅ๐ผ๐ผ๐บ, ๐ ๐๐ป๐๐ถ๐ป๐น๐๐ฝ๐ฎ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ช๐ผ๐บ๐ฒ๐ป (๐ ๐ง๐ฅ๐๐ช)
Isinagawa noong Pebrero 11, 2026 ang Womb to Work Program (WWP) Coordination Meeting na pinangunahan ni Mr. Reggie Salonga, Head ng Gender and Development Office, kasama ang mga Gender and Development Community Affairs Officer (GAD-CAO) Cluster Heads mula sa ibaโt ibang barangay sa Lungsod ng Muntinlupa.
Layunin ng nasabing meeting na higit pang mapaayos ang pagpapatupad ng WWP, partikular sa pag-monitor at pag-assess sa mga maaaring maging benepisyaryo ng programa.