31/05/2026
๐๐ข๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ญ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก, ๐๐๐ญ๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐
Para sa patuloy na pagpapalakas ng CommunityโBased Mental Health Program, nakapagโprocure na ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ng mga psychiatric medicines na libre para sa mga Muntinlupeรฑong nangangailangan ng tuloyโtuloy na gamutan at suporta.
Kabilang sa mga gamot na available ay Escitalopram, Carbamazepine, Olanzapine, Lamotrigine, Sodium Valproate + Valproic Acid, at Quetiapine na ginagamit para sa ibaโt ibang kondisyon gaya ng depression, bipolar disorder, epilepsy, at mood/behavioral disorders.
Layunin ng programang ito na gawing mas accessible, abotโkaya, at tuloyโtuloy ang mental health care sa lungsod. Sa pamamagitan ng libreng gamot, masisiguro ang consistent na treatment at mas maayos na monitoring ng kalagayan ng mga pasyente.
28/05/2026
Isinagawa nitong ika-26 ng Mayo, 2026 ang Peer Educators Training para sa mga potensyal na peer educators na pinangunahan ng Muntinlupa Population Development Office katuwang ang Community-Based Mental Health Wellness Clinic bilang resource speakers. Naging makabuluhan ang pagsasanay na nakatuon sa Su***de Prevention and Crisis Intervention partikular sa Psychological First-Aid kung saan natutunan ng mga kalahok ang kahalagahan ng tamang pakikinig, pag-unawa, at pagbibigay ng agarang suporta sa mga indibidwal na nakararanas ng suliranin sa mental health, lalo na sa mga may senyales ng su***de ideation o pagtatangkang magpakamatay. Sa pamamagitan ng mga lecture at simulation activities, mas naunawaan nila kung paano maging ligtas na sandalan at kung paano maipapakita ang malasakit nang may pag-iingat at tamang proseso.
Baon ng mga kalahok ang mahahalagang aral tungkol sa pagiging responsableng peer educator/mental health advocate na ang pagiging bukas sa pakikinig, pagrespeto sa nararamdaman ng iba, at paghikayat sa mga nangangailangan na humingi ng propesyonal na tulong. Higit pa rito, layunin nilang ibahagi ang kanilang mga natutunan sa kanilang mga paaralan, komunidad, at kapwa kabataan upang mas mapalawak ang kamalayan tungkol sa mental health at mabawasan ang stigma ukol dito. Sa simpleng pakikinig at pagdamay, mas marami pang buhay ang maaaring mabigyan ng pag-asa at suporta.
Ang Peer Educators Training ay nakatuon sa Kalusugan at Karunungan Agenda ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa na may gabay at patnubay ni Mayor Ruffy Biazon.
***dePreventionandCrisisIntervention
19/05/2026
Registration is now closed na po, mga ka-MunTEENS! Abangan po ang next training this year! Only those who are registered ang pwedeng umattend due to limited slots. Thank you po!
19/05/2026
๐๐ฟ๐๐ด๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐
๐ง๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ?
Ang drainage project sa Bruger Street ay bahagi ng solusyon sa matagal nang pagbaha sa national road, partikular sa tapat ng City Hall.
Matagal na nating problema ang pagbaha sa lugar na ito. Ang orihinal na plano sana ay dumaan ang drainage sa ilang private properties, pero hindi ito napayagan kaya kinailangan nating humanap ng ibang ruta.
Dito napagdesisyunan na idaan sa Bruger Street ang drainage line papunta sa Laguna de Bay.
๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐น๐๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐น๐ถ๐ป๐ฒ?
Habang ginagawa ang proyekto, may mga natuklasang underground utilities tulad ng linya ng tubig, kuryente, at telco na kinailangang i-relocate muna bago maituloy nang maayos ang drainage works.
Hindi rin madali ang relocation dahil maraming residente at serbisyo ang maaaring maapektuhan. Nakipag-coordinate tayo sa mga public utility companies para mapabilis ang proseso habang sinisigurong minimal ang abala sa mga tao.
๐๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐๐ธ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐๐๐?
Sa ngayon, tapos na ang malaking bahagi ng drainage works sa Bruger Street at asphalting na lamang ang hinihintay. Magagawa ito matapos makumpleto ang ongoing drainage works sa tapat ng City Hall.
๐๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป ๐ฏ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐?
Target nating matapos ang drainage works sa harap ng City Hall ngayong May, at susunod agad ang asphalting sa Bruger sa June.
Sa ngayon, may ginagawang adjustment sa design dahil may nakitang active gas line. Kung hindi iingatan, posibleng masira ang active gas lines dahil sa bigat ng mga sasakyang dumadaan sa National Road.
Unfortunately, wala ring existing o kumpletong records on file ng eksaktong lokasyon ng ilang underground utilities tulad ng gas lines, water lines, electrical at telco facilities, at iba pang linya sa ilalim ng kalsada.
Dahil dito, isa-isa pa itong kinailangang tukuyin at i-validate habang ongoing ang paghuhukay at konstruksyon upang maiwasan ang mas malaking aberya at pagkaantala ng serbisyo.
Malinaw sa kontraktor ang kanilang obligasyon. Kapag may hindi nasunod sa kontrata o hindi katanggap-tanggap na delay, may kaakibat itong multa at kaukulang parusa.
Sa ngayon, hinihingi po namin ang kaunting pang-unawa at pasensya habang tinatapos ang proyektong magbibigay ng pangmatagalang ginhawa laban sa pagbaha.
12/05/2026
Stop Violence Now!
Sa pakikipag-ugnayan ng Muntinlupa Population Development Office sa tanggapan ng Gender and Development Office (GAD) at City Health Office (CHO), matagumpay na isinagawa ang KA-LODI lecture sa Colegio de Muntinlupa noong ika-7 ng Mayo 2026.
Layunin ng programang ito na ipa-intindi sa mga kabataang kalalakihan na sila ay kinakailangang magkaroon ng maayos na pag-iisip at pagkilos sa lipunan lalo na sa kanyang pagturing at pakiki-salamuha sa mga kababaihan. Binigyang-diin na ang bawat isa ay may tungkuling itaguyod ang ligtas at mapayapang komunidad kung saan umiiral ang paggalang sa karapatan at dignidad ng bawat tao.
Ang KA-LODI ay nakapailalim sa Kalusugan at Karunungan Agenda ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pamumuno at gabay ni Mayor Ruffy Biazon.
Send a message to learn more
07/05/2026
Pastel ang peg ngayong Hunyo! ๐ Soft pink, light blue, at white, mga kulay na banayad pero elegante, parang love na simple pero matibay.
Perfect vibes para sa Kasalang Bayan, kung saan sama-sama nating ipagdiriwang ang forever.
๐ Register na sa Community Affairs & Development Office (CADO), 2F Annex Bldg., Muntinlupa City Hall
๐ Monday to Thursday, 8:00 AM to 4:00 PM
Check the full list of requirements on the comment section.
07/05/2026
Ongoing construction din ang Mega Health Center sa Brgy. Alabang, dagdag na health facility para mas maraming Muntinlupeรฑo ang makapagpa-check up, magpa-laboratory, o makakuha ng basic healthcare services nang hindi na kailangang lumayo o maghintay nang matagal.
May laboratory, consultation rooms, at birthing facilitiesโlahat naka-set up para mas mapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa tao.
07/05/2026
Ongoing ang construction ng ating Mental Health & Palliative Care Center sa Alabang para sa mga kababayan nating nangangailangan ng suporta pagdating sa mental health, o kung may iniindang sakit na kailangan ng mas maingat at tuloy-tuloy na pag-aalaga.
May mga consultation at counselling rooms para sa mental health, at may spaces din para sa palliative careโyung focus ay comfort, pain management, at suporta hindi lang sa pasyente kundi pati sa pamilya.