Jobelle Teves

Jobelle Teves

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Jobelle Teves, Public & Government Service, Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Photos from Jobelle Teves's post 06/11/2022

Muli ang taos pusong pasasalamat sa Pamilya Teves sa pangunguna ni Ate Jobelle Teves at Kap. Danilo Teves sa walang sawang pag hatid ng tulong sa ating mga Ka-Barangay dito sa Putatan.

God bless us all! ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ’š

๐Ÿ”ฐ Serbisyong Teves, maBELLEis! ๐Ÿ’š


Photos from Jobelle Teves's post 04/11/2022

Kaugnay pa din ng , sa tulong ng Pamilya Teves sa pangunguna ni Ate Jobelle Teves at Kap. Danilo Teves katuwang ang ilang mga kawani ng Pamahalaang Barangay ng Putatan, kahapon, November 3, 2022 tayo ay patuloy na namigay ng mga pandesal sa mga Ka-Barangay natin sa kahabaan ng San Guillermo St., Kahabaan ng Riles hanggang 604 dahil ilan sa mga lugar sa ating Barangay ang lubog pa din sa baha dulot ng nakaraang Bagyong Paeng.

Kaya't patuloy po tayong mag ingat, maging alerto sa lahat ng oras at patuloy na manalangin. God bless us all. ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ’š

๐Ÿ”ฐ Serbisyong Teves, maBELLEis! ๐Ÿ’š


Photos from Jobelle Teves's post 02/11/2022

Bilang pakikiisa sa pag gunita at pag ala-ala sa ating mga namayapang mahal sa buhay, tayo ay nag padala ng Coffee Vendo Machines para sa ating mga volunteers na kumatawan sa isinigawang Oplan Kaluluwa 2022, katuwang ang mga Kawani ng Barangay Putatan sa pangunguna ni Kap. Danilo Teves at Ate Jobelle Teves.

God bless us all. Keep safe ๐Ÿ™๐Ÿป

๐Ÿ”ฐ Serbisyong Teves, maBELLEis! ๐Ÿ’š


Photos from Jobelle Teves's post 31/10/2022

Patuloy ang ating pakikipag ugnayan sa Pamahalaang Barangay ng Putatan sa pakikipagtulungan ng mga Kawani at ni Kap. Danilo Teves sa pangunguna ni Ate Jobelle Teves upang makapag hatid ng tulong kagaya ng Tinapay at Libreng Gamot para sa ating mga Ka-Barangay na hanggang ngayon ay pansamantalang namamalagi sa mga Evacuation Centers dito sa ating Barangay dahil sa baha na dulot ng Bagyong Paeng nitong nagdaang araw.

Patuloy parin po tayong mag ingat at maging alerto sa lahat ng oras at samahan ng panalangin para sa kaligtasan ng lahat. ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ’š

Photos from Jobelle Teves's post 30/10/2022

Kaugnay ng Bagyong Paeng, halos walang tigil ang buhos ng ulan at malalakas na hangin nitong nag daang araw, kaya't ilan sa ating mga ka-Barangay dito sa Putatan ang kinailangang lumikas pansamantala mula sa kanilang mga tahanan para na din sa kanilang seguridad at kaligtasan dahil sa matinding pag baha dulot ng hagupit ng Bagyong Paeng.

Sa tulong ng ilang Kawani ng Barangay Putatan at ni Kap. Danilo Teves si Ate Jobelle Teves ay nag paabot ng tulong na Groceries para sa ating mga ka-Barangay na kasalukuyang namamalagi sa tatlong Evacuation Centers (Barangay Putatan Covered Court, Putatan Elementary School at sa Biazon Building sa San Guillermo St.)

Patuloy po tayong manalangin, mag ingat at maging alerto sa lahat ng oras. ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ’š

28/10/2022

Isang pasasalamat sa lahat ng ating mga biyaya, kaligtasan at magandang kalusugang natatanggap sa araw-araw. Mapalad tayong lahat na ipagdiwang ang Kapistahan ng Mahal nating Patron St. Jude Thaddeus at nawa'y pagpalain niya tayo sa araw na ito at sa mga darating pang biyaya.

Ako po si Ate Jobelle Teves kaisa si Kap. Danilo Teves na bumabati ng isang HAPPY FIESTA TEPAUREL COMPOUND, BARANGAY PUTATAN! Pag palain tayo nawa ng Mahal nating Patron St. Jude Thaddeus.

๐Ÿ”ฐSerbisyong Teves, maBELLEis!๐Ÿ’š


04/10/2022

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐Ÿ“๐Ÿ’๐ญ๐ก ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ, ๐“๐š๐ฎ ๐†๐š๐ฆ๐ฆ๐š ๐๐ก๐ข ๐ŸŽ‰

Kaisa ninyo si Ate Jobelle Teves at Kap. Danilo Teves sa "Tunay na Serbisyo at Malasakit para sa Kapatirang Triskelion"

Salute to my fellow Sisters and Brothers. ๐Ÿซก

Photos from Jobelle Teves's post 29/09/2022

Bilang pag pupugay at pag galang sa selebrasyon ng Kapistahan ng ating Mahal na Patron San Lorenzo Ruiz noong Setyembre 28, 2022, ang inyong likod na si Ate Jobelle Teves at Kap. Danilo Teves ay naki-isa sa layuning mag pasaya at magbigay aliw sa ating mga ka-Barangay at Kapitbahay sa lugar ng Esporlas Itaas, Barangay Putatan sa paraan ng pag handog ng isang "HARANA" sa ating Mahal na Patron at sa ating mga ka-Barangay sa pakikipagtulungan ni Kgwd. Nelson Brila at ng pamunuan ng Esporlas Itaas.

Muli, ang aking pagbati ng isang HAPPY FIESTA ESPORLAS ITAAS! ๐Ÿช… Pagpalain tayo ng ating Mahal na Patron San Lorenzo Ruiz. ๐Ÿ™๐Ÿป

๐Ÿ”ฐSerbisyong Teves, maBELLEis!๐Ÿ’š




๐Ÿ“ธ Kgwd. Brila

28/09/2022

Kasabay ng biyayang gumising tayong malusog at masigla na may maaliwalas na panahon, ngayong araw, Sept. 28, 2022 mapalad tayong ipagdiwang ang Araw ng Mahal nating Patron San Lorenzo Ruiz.

Sa ating mga ka-Barangay at kapitbahay sa Esporlas Itaas, Barangay Putatan, HAPPY FIESTA at pagpalain tayo ng ating Mahal na Patron San Lorenzo Ruiz. ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿช…

๐Ÿ”ฐSerbisyong Teves, maBELLEis!๐Ÿ’š


Want your business to be the top-listed Government Service in Muntinlupa City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Barangay Putatan
Muntinlupa City
1772